Thursday, March 24, 2011

Sa Darating kong Kaarawan

          Kaarawan ko na pala sa darating na Linggo at mag lalabin-siyam na taong gulang na ako. Parang kailan lang ay nasa hospital ako nakahiga at nawawalan na ng pag-asa subalit heto ako ngayon, buhay pa at handa nang tapusin ang aking nasimulan.
          Kung bibigyan ako ng Diyos ng isang hiling, hihilingin ko sa kanya na gabayan at tulungan niya akong makapagtapos sa pag-aaral upang dito ako huhugot ng lakas ng loob at upang may maipagmalaki ako sa aking pamilya kahit na may kapansanan na ako(mahirap tanggapin pero totoo).  Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pamilya ko dahil hindi nila ako iniwan at pinabayaan. Sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi sila bumitiw sa aking mga kamay. Sila ang naghaplos sa aking dibdib at nagsilbing inspirasyon ko upang mabuhay pa.
          Kung hindi dahil sa kanila, sana ay nasa hukay na ako ngayon.  Nagpapasalamat din ako sa aking ina dahil siya ang nagsilbing sandalan ko upang harapin ang mga unos na dumating sa aking buhay at dahil sa mga yakap at pagkalinga niya ay nagiging matatag at lumalaban ako sa pakikibaka sa hamon ng buhay. Nagpapasalamat din ako sa Anty ko dahil siya ang nagpapa-aral sa akin simula noong musmos pa ako. Siya rin ang nagbayad sa mga gastusin ko sa hospital. Kung saan-saan siya umutang para lamang gumaling ako. Salamat din kay Lola dahil siya ang naglalaba noon ng mga duguan kong pamalot sa paa ko. Kahit pagod na pagod na, nagagawa pa rin niya akong asikasuhin.
          Salamat din sa mga bago kong kaibigan dito sa blogger. Una sa lahat, kay Kuya Uno. Una ko siyang nakilala at naging daan para makilala ko pa ang iba na nandito kahit na nakakalimot siya minsan, nagpapasalamat din ako. Pangalawa kay hard2getxxx dahil kasama ko siya noong nagsimula ako dito hanggang ngayon. Pangatlo kina Kuya Axl, Kuya Istambay at Diamond R, kayo ang nagsilbing kapatid ko dahil nandiyan kayo para sa akin. Pang-apat kay Kuya Sean dahil hindi niya ipinadama na iba ako, na may mararating pa ako sa buhay. Salamat din kay Manang Kim, kahit na hindi ko siya kilala ng lubos, alam kong mabait siya. Kina Kuya Musingan, Keatondrunk, khantotantra at Leonrap, salamat sa mga advice at mga komento na nagbigay ng aral para sa akin. Kina Ate Ladawan at Vhincci, thank you kadakayo ta didak inbilang a sabali kadakayo ken sapay kuma ta haan kayo pulos agbaliw. Salamat din sa mga komento nina Sir Moxx at kay Kikomaxx. Sa mga bago kong kaibigan na sina Mommy-razz, Akoni, Ate Sey, si Iya, Jemjem at Bbtoo. Salamat din sa araw-araw na pagbibisita ninyo. At sa mga hindi ko nabanggit, lubos akong nagpapasalamat sa inyo dahil dumadalaw kayo minsan at nag iiwan ng konting bakas.
            Naluluha na ako habang sinusulat ko ito. Gustong-gusto ko kayong yakapin lahat upang ipadama sa inyo na mahalaga kayo at parte na kayo ng aking buhay. Isasama ko kayo parati sa aking dalangin upang kayoy pagpalain at sana'y hindi kayo magbabago. Bilang pasasalamat ko sa inyo, heto ang ginawa kong video  at sana ay  magustuhan niyo. Inaasahan ko na makakatunton na ako sa "Top Of the World" upang magiging "Im Yours" ako.
 
                                              Top Of The World

        Heto pang isa, kinanta ko ito with smile dahil kung magiging malungkot ako wala rin mangyayari sa akin kaya heto, sana magustuhan ninyo ng lubos.

Im Yours



32 comments:

agustindhemie said...

Happy 19th Birthday sa Linggo my frend..God Bless you.. God will give you more blessings..Keep praying.

khantotantra said...

advance happy bday. Di ko makita vids, blocked d2 sa opis. Nyahaha. Akala ko magkasing age lang tayo. wakokokk, 19 ka lang pala sir. :p

Axl Powerhouse Production Inc, said...

iiyak na yan.. iiyak na yan., hehehe.. joke lang...
isang maligayang 19 birhday sa imo kabigan at kapatid sa blog naks may ganun oh. hehehe :D
wishing you all the best and all the cool and wonderful blessing in your birthday sa sun.. and always thanks god sa lahat -lahat ng blessing na nakukuha mo even it is small or big but still a blessing, and always think the postive side of your life kung may negative man just think the postive way pa rin.. so paano parang nobela na to..
have a great bday na lang... cheers on that :D
thanks nga pala sa pagmention sa akin dito :D
gotcha :D
share the smile :D

hard2getxxx said...

Advance HAPPY BIRTHDAY! wishing you all the best and all the happiness in the world.

Count your life by smiles, not tears.
Count your age by friends, not years.

cheers :)

yma_mystika said...

Happy Happy birthday sayo..God has given you another life..God bless sa yo!!

at ang galing mo hah..ukelele to dba?
ipagpatuloy mo lang yan..u have many talents..!!happy happy 19th birthday!!

emmanuelmateo said...

Maraming maraming salamat po sa mga bati ninyo..naluluha na ako. I cant believe na na overcome ko lahat ng mga struggles sa life ko..

Sana hindi talaga kayo magbago mga kapatid, kapuso at kapamilya.

Mahal ko kayo!!!

mommy-razz said...

advance happy happy birthday!! may you have many many birthdays to come..

tnx sa pabanggit mo sa akin.. i love it! thank you talaga..

good morning!

Robert Cascayan said...

Happy Birthday Emman.

Novell said...

advance happy birthday and God bless abundantly !

uberjessicalopez said...

happy 19th birthday!...

happpiness!! smile... smile!!!

Diamond R said...

happy 19th birthday. Na touched ako sa post mo na ito.Natutuwa din akong maging bahagi ng buhay mo kahit sa blog lang.Sana minsan makita kita sa paguwi ko diyan.Keep up all the positivity sa buhay. May amazing plan para sayo ang diyos and just hold on no matter what.Your family are your most precious gift.

Si Inong ay ako said...

happy happy b-day pare koy....
19 kana oh.... ingat palagi... God Bless you pare koy.... o san ang libre pala???? whaahahaha

Arjee said...

Happy Birthday!

Celebration of life to! :) hehe

MOKS™ said...

Happy Birthday pare... advance!

Akoni said...

Wow...ang bait ng auntie at lola mo at syempre nanay mo..salamat sa kanila, dahil sa kanila, isa kang mabuting tao. Touched ako na ituring mo akong kaibigan, isa sa pinapahalagaan ko dito sa mundo ay ang pagkakaibigan..ang Motto ko nga noon e "Mabuti akong kaibigan, pero masama akong boyfriend" hahaha..mahabang kwento yan..abangan mo nalang blog-ibig ko.hehe..thank you emmanuel and Happy birthday..

Nimmy said...

advance happy birthday kapatid! :)

Sey said...

Happy Birthday! Don't cry, it's your birthday dapat magsaya tayo dahil maraming taong nagmamahal sayo. Saka tama yan, magpakatatag ka para sa Auntie Lola and Mama mo.

Promise pag naligaw ako jan sa inyo, pupuntahan kita. Isasama ko sa listahan ko yun. Ingat ka lage. God bless and pray lagi.

Happy 19th Birthday wohoooo!

KikomaxXx said...

Advance sa iyo chong.. heheh sayang naunahan mo ako sa ganyang type ng pasasalamat sa bday.. hehehe... God bless ha..

Arvin U. de la Peña said...

Advance happy birthday sa iyo.....aawitan kita,hehe..

Life is a song - sing it.

Leonrap said...

advance hapi bday emman..... yaan, mo, paraho naman tayong mukang 19 eh. ahaha...

emmanuelmateo said...

salamat talaga sa mga bati ninyo..nakakataba ng puso.

akala ko kasi friday kahapon kaya napaaga ako na ipost ito.hehe

ash_32791 said...

happy birthday sa Linggo..

Vhincci Subia said...

naiyak ako dun ah... :)

syempre, kasta lang ti agpapada nga ilocano, agtitinnulong ken agkikinnammaysa... mali pa ata ung ilocano ko... haan nak sanay ngamin nu nauuneg nga ilocano... haha!

happy birthday kenka kabsat... halos agkataeb ta gayam... kakaturn ko lang 20... saan ka pala ngaun? sa laoag?

here's a link to my new post - World of Vhincci

mathea said...

hi Emm! nice see you moving hehhe..very talented pala ang ading ko! keep it up! at happy happy bday, hindi hadlang ang kapansanan at kahirapan sa pag asenso sa buhay. maging matyaga ka lang.kisses!

DENASE said...

Happy Birthday dude.

Good day folk.



http://arandomshit.blogspot.com/

uno said...

i don't want to spoil your day...

sabi nakalimot ako paminsan minsan...

i admit hindi ako nagcocoment d2 but i did visit you... hindi pa ako dapat magcocomment kasi plan ko tomorrow pa kasi yun ang bday mo eh...

walang anuman yun lang ang masasabi ko dahil sabi mo nga ang ilan ay naging kaibigan mo dahil sa akin...

ang totoo wala nmn akong ginawa ikaw mismo ang nagreach out sa kanila...

congrats!

happy birthday! Ang MAYKAPAL ay nabubuhay sayo! pagpalain tayong lahat.

lastly, may konting hiling lang ako sayo emman, isama mo din ako sayong panalangin... ngayon ay dumaraan ako sa isang suliranin....

Kim, USA said...

Wow HAPPY 19th BIRTHDAY TO YOU!!! May you have many more birthdays to come. I am very thankful that I meet you online, ikaw ang nagsilbing inspiration sa amin at sa mga taong akala nang lahat wala nang saysay ang buhay.
In other words you are a blessing to me and to everyone here. Your faith and trust to our living God is remarkable!! Keep your head up high because you are a child of God and you are always be blessed with family and friends.
Now saan ang inuman hehehehehe!!! JOKE!!

Sean said...

umabot ako! happy birthday sa iyo ading. tuloy mo lang ang iyong pagsisikap at matutupad balang araw ang iyong mga pangarap. isang mahigpit na *hug* din sa iyo.

dong ho said...

happy happy birthday. pahabol to.

Mom Daughter Style said...

happy birthday! bata ka pa pala well compared sa akin.

ang galing mo naman maggitara, may talent ka sa music. more blessings to come.

Sutil Princess said...

happy Birthday!

Diamond R said...

ngayon ko lang ito narinig. ayos.