Wednesday, March 16, 2011

Kamandag ng Jueteng


Pagdilat pa lang ng mga mata sa umaga,
Iniisip kung anong numero ang itataya.
hindi ninuynuy kung ano ang mapapala
sa pagtaya ng jueteng na kanilang sinisinta.

Ako ay may kakilala,
Aling Marya ang pangalan niya.
Ang dala-dala niya'y pag-asa,
Sa kapwa niya mga juetengera.

Kapag nakitang dumadaan ang prinsesa,
dala ang ballpen, papel at mga barya
bitbit ay mga numero ng mga suki niya
kahit saan magsalubong maski sa kalsada.

Dito'y iba naman ang eksena,
Sa tindahang maliit ni Aling Rina
May nakaupo at mayroon namang tawa ng tawa
habang hinihintay ang bagong grasya.

hindi ba nila alam na ito'y ilegal?
sa mata ng tao at sa Maykapal?
bakit hindi na lang sa pagkain ilaan,
upang ang pamilya ito'y pakinabangan.

Wala siguro silang alam na gawin,
kundi mag-abang na sakaling may palain.
sa ganitong paraan ba sila nahuhumaling?
Sa kamandag ng jueteng na tila pangahas din.



















25 comments:

Axl Powerhouse Network said...

ika nga nila at sa bible lahat ng ugal ang masama at wala itong maidudulot na mabuti sayo :D

Lone wolf Milch said...

iba kasi gusto easy money at iba naadict dito kaya nakakasama

Anonymous said...

sa umpisa akala ko ikaw tumataya sa jueteng.. hehe! wala naman kasing yumayaman sa pagtataya nyan eh..r

TAMBAY said...

umaasa sa ilegal an paraan.. tsk tsk.. sa sampung taya, ni isang bese hindi tumatama..

gutom ang aabutin ..

Unknown said...

gusto ng iba sa madaling paraan kumita, mas magiging wise gastusin kung pinaghirapan tlga

Unknown said...

Sila ang mga taong walang ibang alam kundi magtaya ng magtaya na lang..

eMPi said...

Bow!

Drive By said...

Jueteng at lotto...ay uri ng pagkagahaman, at hindi inererekomenda ng bibliya...great poem!

P.S. Nag-iwan ka ng komento sa aking blog pero hindi ko naintindihan masyado maliban sa parang "nasira ang bahay, at tsunami" :D Ang litrato ay kuha sa Vienna at hindi sa Japan.

Salamat na din sa pagdaan...

Akoni said...

Nice one...hindi ko rin sila maitindihan pero iniintindi ko nalang sila dahil wala akong alam sa pinagdadaanan nila, kaya wala akong karapatan..hehe

masubokan nga minsan, pag uwi ng pinas..hehe

Xprosaic said...

Suntok sa buwan minsan ang mga ganun pero marami pa rin ang umaasa sa biglang yaman... kung inipon na lang nila ang kanilang naipusta eh sa malamang malaki na rin sana yun... pero gusto ko matuto pano magjueteng...lol

Unknown said...

Tama ka nga Emman.. bakit hindi nalang sa pagkain ito ilaan diba?they are non sense. naghihintay sa wala.

they dont value money.

Anonymous said...

Ang ganda ng message ng tula mo bro..

Diamond R said...

di ko pa na try mag taya kahit isang beses sa jueteng or lotto kahit minsan.

Vhincci Subia said...

Di pa ako nanalo jan. Kahit lotto. O anuman. Malas ata ako sa mga ganyan. Haha!

New post in my blog Vhincci http://worldofvhincci.blogspot.com

Sey said...

ewan ko ba sa kanila. ganun yata talaga, sa sobrang hirap ng buhay nakikipagsapalaran na mga tao kahit alam nilang mali. yung iba naman libangan nila yun.

Kim, USA said...

Jueteng can be seen as the answer of God pagmanalo sila, and also a wrong hope kasi taya nang taya hangang hinde na nila alam na they are already addicted to it. Akala ko ba wala na yang jueteng meron pa pala ^_^

iya_khin said...

anak ng jueteng talaga o,uso pa din yan???!! easy money in not valuable co'z it goes off fast!!

ash_32791 said...

Jueteng is still rampant in the Phil.
sana masugpo na yan..

emmanuelmateo said...

Thank you sa lahat ng nag comment.

hindi pa rin napipigilan ang jueteng, rampant pa rin talaga hanggang ngayon gaya dito sa Ilocos. Marami pa ring tumataya..

bbtoo said...

ang pagtataya ng jueteng walang maidudulot na mabuti yan buslot bulsa natin palaig nyan.

Nortehanon said...

Kasi marami sa atin gusto ang pinakamabilis na paraan para yumaman. Medyo tamad magbanat ng bones hehehe

Pinch of thoughts said...

HEHEH may jueteng pa pala ngayon, dito sa amin ala na ako nakikitang ganyan.

Sean said...

nice emman. yeah talamak nga yan sa ilokos. dami kasi nakatambay lang, walang ginagawa kundi mag-bisyo. sugal, alak, drugs. iba na talaga ngayon. sad.

Anonymous said...

anak ng jueteng naman oo! hahahah ;) naranasan ko din kaya tumaya ng jueteng.

Ang yumayaman lang dyan is yung juetenglord

Unknown said...

ako ang anak ng jueting

Photobucket