Thursday, March 31, 2011

My Artificial Leg

               Makalipas ng ilang buwan pagkatapos ako naputulan ng paa, pinatawag kami ng doktor ko para masukatan ako ng prosthesis o artificial na paa. Galing pang Maynila yung taga gawa dahil hindi daw maayos ang paggawa nila ng prosthesis dito sa amin.
               
                   Naghintay kami ng three months bago maipadala yung artificial leg. Panahon kasi ng tag-ulan noon kaya medyo  mabagal yung pagkakagawa. Noong natapos na, pinadala nila kaagad dahil mag eenrol sana ako ng second semester sa school namin kaya lang hindi umabot. Nang isinukat ko sa clinic ni doktor yung prosthesis definitely hindi siya nagkasya dahil tumaba ako. Para kasi akong kalansay noong sinukatan nila ako at pati ako nahirapan din sa pagsusuot nun tapos mabigat pa. Umuwi akong suot-suot ang prosthesis kahit na hindi ako kampanteng gamitin yun. Makalipas ng isang linggo, napansin ni anty ko na hindi ko masiyadong ginagamit yun at ang sabi ko naman, hindi ko maisuot dahil mas mataas yung prosthesis ko kaysa sa normal kong paa kaya hindi sila pantay at kahit anong pilit kong isuot, hindi talaga pwede. Tinext ng doktor ko yung gumawa ng prosthesis sabi niya, ipadala raw uli namin tapos may aalisin daw konti sa talampakan o pupunta na lang kami ng Maynila para makita nila ng maayos kung ano ang problema. Hindi nagtagal, pumunta kami sa Maynila noong December 22, 2010 para mas siguradong wala nang magiging problema pa. Nagtagal kami doon ng ilang araw bago kami makabalik sa Ilocos. Mabuti na lang we made the right desicion kasi kung ipinadala lang namin, baka may problema na naman, mas mabuti na yung sigurado.

Kung isusuot ko ito at lagyan  ng pantalon, hindi nila mahahalata na putol ang aking paa.
                Simula noon, wala nang naging problema ang prosthesis ko kaya lang ang hirap ilakad dahil bukod sa mabigat, hindi pa ako nakakakilos ng maayos lalot ngayon, magsu-summer class ako at sa school namin maraming hagdan. Sa taas pa naman kami magka-klase. Sana tulungan niyo akong matapos ko ito para sa aking tagumpay. Salamat.


25 comments:

khantotantra said...

kaya mo yang mga trials na yan. nalagpasan mo na yung operation kaya mas yaka mo yan.

just hold on and be strong.

Axl Powerhouse Network said...

sabi nga nila everything will happen in a good reason i know that trial help you to become more stronger than ever... beside u make a good decision to go on manila para makuha mo talaga yung right size para sa leg mo..

kaya mo yan!!

Unknown said...

kaya yan emman..magiging maginhawa rin ang buhay mo pagkatapos ng mga paghihirap mo..

Unknown said...

hayaan mo lang ang mga tao na dinedegrade ka. Wala lang silang magawa sa buhay. Kapit ka lang kay God at andito kami sa tabi mo always!!

Study hard hah..2 taon na lang magiging Teacher ka na.

Lone wolf Milch said...

in time masasanay ka rin diyan sa artificial leg and stay strong kaya mo yan

Sey said...

Four words:
1. You
2. Can
3. Do
4. It

lagi mo iisipin that God is with you. "I can do all things through Christ who gives me Strength" yan ang pinaghuhugutan ko ng lakas.

Education pala ang course mo...alam mo ba Teacher ako by profession at masasabi kong ito ang pinaka-rewarding an career sa buong mundo.

Godd luck. Kaya mo yan. Kapag feeling mo susuko ka na, try mo ng isang hakbang pa, tapos isa pa ulit tapos isa pa gang sa ma-reach mo yung destination mo.

Diamond R said...

ang iyong determinasyon ngayon ang iyong lakas.God Bless. Kaya mon yan.

Bonbon said...

kayang kaya yan eman

bulakbolero.sg said...

ei... nakakatuwa isipin na kahit artifial yung isang paa mo ay parang hindi ito naging hadlang sa pang-araw araw na buhay mo.

ang lakas ng loob mo at determinado ka sa mga bagay bagay. hanga ako sa'yo.

\m/

lahat ng tao may pagsubok nasa kanya nalang yun kung paano nya haharapin.

keep on rocking man...\m/

tara05angelee said...

be strong.. :) God is good.. :) :) :)

Akoni said...

maysa lang ti maibagak, bilibak ti pinagnaknakem mo.

simbolo ka ng katatagan at katapangan.

SUMASALUDO SA'YO ANG AKONI.

Xprosaic said...

I admire your courage! I remember tuloy yung sinamahan ko yung barkada ko nung college pumunta kami dun sa pinagkunan namin ng prosthetics niya at pinasuot sa kanya... ilang beses din kami pabalikbalik para sa training niya...

Anonymous said...

GOD BLESS YOU emman, speechless ako..:( kaya mo yan..

uno said...

eman hindimo makakya ang bagay kung walang kang determinasyon at lakas ng loob...

at meron ka noon, wag mong isipin ang paghihirap dahil bubulagin k lmang nito kung anu ang kaya mong gawin...

magiging positibo ka lamang.

Anonymous said...

God speed... God will never leave you... :)

Arvin U. de la Peña said...

magpakatatag ka lang......mayroon po akong followers..nasa hulihan ng blog ko......scroll down lang hanggang sa dulo..

Vhincci Subia said...

Kaya yan Emmanuel! Go! Reach your dreams!

Ok lang kahit mabagal maglakad, pasasaan ba't mararating din ang tagumpay. And what is more fulfilling in the end is that you know you have given such effort for that success. Hindi gaya ng marami na nakarating sa tuktok dahil sa mga connection, sa maling paraan, atbp.

You're doing good. Remember to smile always.

Summer Post @ World of Vhincci

Rap said...

hanga ako sa katapangan moh.. kaya mo yan...

Kim, USA said...

Can you ask your school admin to transfer the room in the level ground or kahit lang man sa 2nd level. I know hirap ka physically kasi I have a cousin who is really crippled her two legs can't walk due to polio. And she is heavy,she can only walk with the help of her two braces, kaya her parents asked the school admin if they can switch rooms at na approve naman.
And I am so glad to know you took Education course, my mom is a teacher for 36 years and as one blogger says, this career is a very rewarding profession. And alam mo ba na walang maging doktor, lawyer at kung ano ano pang career dyan without a teacher? If nobody wants to be a teacher then walang ibang career diba?
Keep up the faith and stay focus to God.

Anonymous said...

First, I must say I admire you! I know there's a reason why it happened to you. Now you set as example to those who are losing hopes.

Kaya mo yan, keep your faith alive. I hope to see you one day inspiring people not only in your blog.

musingan said...

dont worry kapag maraming maraming pera kana... makakabili kana ng masmaganda pa dyan... yung fiber na.. yung cuctomize.. yung astig na astig... meron kang pangbasketball, pangswimming, pang rock cibming..

naniniwala ka bang kaya mo pang gawin ang mgayun?

ako naniniwala ako... kasi may napanood na ako... dami niyang paa.. pero marathon talaga ang laro niya... at hinahangaan ko siya... nakalimutan ko nalang ang name niya sa youtube... eheheheh pag mahanap ko.. bigay ko sa iyo...

ikaw talaga... napahaba na naman ang comment ko...

Raft3r said...

you're a brave kid
you know that, right?
=)

Jinjiruks said...

think positive. gawing lakas at inspirasyon mo ang mga taong nakapaligid sa iyo!

PluripotentNurse said...

hi emman ngayon ko lang nalaman ung about this sad but u need to be strong kaya mo yan!

Walang pagsubok na hindi mo malampasan :)

Yngat.

Unknown said...

kayang kaya mo yan bro, God is great!

Photobucket