Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka ay madami ka nang pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad. Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo , kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din silang maghanap-buhay pangbayad ng bills nila. Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Sea world, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket. Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar ang sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America . Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50 , ang upa mo sa bahay na P10 , 000 sa Pilipinas, sa America $1 , 000++. Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Maraming naghahangad na makarating sa America .. Lalo na ang mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo yayaman ka na kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Wala pa ring katulad ang ating bansa. Mas mainam pa rin na dito ako tatanda dahil dito tayo isinilang at ang mga kamag-anak natin ay nandito rin.
24 comments:
ewan ko ba kung maraming atat na atat na pinoy na gusto tumira sa usa
and when they become usa citizens they act like americans already they dont speak the pinoy language anymore.
pero kahit naman sa atin hirap din ang buhay or kahit anong bansa kasi mahirap ang buhay.
tama, wala talagang hihigit d2 sa bansa natin pero kailangan natin intindihin ung iba kasi wala din naman clng mkuhang matinong trabaho d2 sa atin dba.
hard2get: oo nga as if they are not born here dbah..
mommy: oo naman po. per marami kasing iba jan..nakaapak lang ng ibang bansa, dka na kilala.
yan and dahilan bat ayaw kung mag trabaho sa abroad kasi malaki ang kita pero malaki din ang gastos halos walang pinagkaiba. Naawa lang ako sa laki ng kanilang sakripisyo may mapakain lang sa mga naiwan sa pinas.
ang nagpupunta ng US na galing dito sa atin.. kung hindi trabaho eh gala lang... katulad ng mayayaman.. mall lang sa kanila ang US kung bistahin..
ang iba trabaho, kaya naghahangad ang ibang makapagtrabaho, kahit sabihin na natin na kung tutuusin eh ganon din naman jan kumpara sa atin, yun ay dahil sa diskarte na din ng pinoy..
dito kasi sa atin, kahit na tayo ay magtipid, ang atin naman natitipid ay ganon pa din. dito din natin gagastusin eh... sa ibang bansa, tulad ng US.. kapag nagtipid ka, dumiskarte ng tama, ang matitipid mo ipapadala dito sa atin, malaki nga naman pag pinalitan na.. sakin lang naman ito. naisip ko lang.
nasa america ka pala? naiitindihan kita dito..grabe akala nila basta nalang pinupulot ang pera sa ibang bansa...kapag wala kang maibigay sa kanila, magsasabi ng saan mo ba nilalagay pera mo? buti nalang hindi ganun mama ko...hehe..
ito ung post ko about abroad din..hehe
http://akonilandiya.blogspot.com/2011/01/ganito-nalang-ba-palagi.html
Istambay: oo tama ka po. kaya nga maraming nagpapadala eh..at akala naman natin hndi nila yun pinaghirapan.
Akoni: hindi po ako nasa America. Si ate Monette po ang nandoon.oo nga eh..pero sana intindihin natin sila.
d2 prin ung tintawag nating home iba ung freedom, pero bilib din ako sa mga nsa abroad lakasan din ng loob
totoo ung sa credit card? na dapat magka credit history ka kasi di ka pagkakatiwalaan na di mo kayang magbayad?... ay kaya nmana pala BOBO ang mga kano pag tumatawag sa mga colcenter regarding sa kanilang bills/credits.... kaya nagkaron ng recession dahil puro nlng sila utang...
totoo un, akala ng marami n akapag nasa ibang bansa ka, marami ka ng pera.. pero sa totoo lang,kung meron man. mas marami pa run ang utang na babayran :(( reality.
ibig sabihin nito di ko kayang mabuhay sa america dahil ayokong mangutang.
tama ka dyan em... hindi lahat ng nasa america or abroad ay mayaman... isa na ako dun... eheheh
Tumpak! Swak na swak. Pero may nakalimutan ata ate Monette mo. Two times kami mag bayad nang property tax dito summer and Winter. Hehe. Kaya diskarte lang huwag masyadong padala nang pagka materialistic kasi ang sarap mag shopping nang credit card ang gamit pero pag bayaran na napakahirap. Marami akong kilala dito 2 or 3 jobs ni halos hinde na huminga at ngarag na kakatrabho pero sige lang paano bago lang kumuha nang bagong kotse, bagong bahay. In other words, "play hard, work hard"
mhirap magtrabaho sa ibang bansa..alila ang tingin nila sayo!
done na po sa pag link. nice blog. puro positive ang nakikita ko at may hope!
hindi na bago sa atin ang stories like this...
pero this still a wake up call...
hindi lang para sa tin mga ofw, sa pamilyang naiwan sa pinas...
i have a sister living now sa us...
i didn't what it was like before but now... ofw na rin ako... and somehow naiintindihan ko na si ate about all her hurdles...
It's a dream place for Filipino.. Ewan ko ba
ano ba meron sa ibang bansa na wala sa pilipinas?
...lalo na ang mga nurses...
hehe. aray! :P
gusto ko pa naman dun magwork...
ewan. wala kasi akong makita na pag asa dito. kaya kung mabibigyan ako ng chance, aabroad ako!
bakit nga ba ganun? hehe... porke may oversupply ng nurses inaabuso naman nila...hmmm.
kung may trabaho lang sana dito edi sino ba gustong umalis. diba diba? :) hehe...
yun lang :)
colonial mentality yata ang tawag dyan
hehe
i agree!!! hirap kaya kumita ng pera di kaya tayo namumulot dito sa ibang bansa. kala kasi nila dami tayong pera kaya kung makahinggi sila eh ganun nalang. nandyan pa yung masisigawan ka ng amo, napakalayo ng nilalakbay mo para pumasok sa work wala ng time sa sarili at kung ano-ano pa.
kung anong currency ang sweldo natin sya rin ang gastos natin, patas lang...
tama, dameng atat umals dito pero pagdating sa amerika, magsisisi agad, panu ang lake ng difference ng takbo ng buhy duon kesa dito.. tsk2
well, i really want to live there... hmmm... it's not about being contented or not with the life here in the phils. but i do want also to experience america... that's how simple it is... try to make phils. a non-corrupt country then i will forever be here...
anyway, good day friend... i have a new address... please re-follow me or unfollow then follow me again... ok, new post is up... click this...
Vhincci
http://worldofvhincci.blogspot.com
that is very true...kailangan talaga tyaga lang dito sa pinas...
Post a Comment