Labin-isang taong gulang ako noong nawalay ako sa aking Ina sa kadahilanang nais makamtan ang kanyang ikapitong langit, ang kaligayahang walang kahambing subalit nabigo siyang hanapin ito.
Malayo man ang aking ina, walang araw na hindi ko sila iniisip, bahid ito ng aking pangungulila. Nasa Claveria, Cagayan sila ngayon kasama ang kanyang asawa at ang aking kapatid sa ina. Kailangan mong tawirin ang maraming bundok at dagat bago mo matunton ang kinaroroonan nila. Kahit magkaganoon, kampante rin ako dahil nandoon ang kapatid ni ina na tumutulong na makahanap ng trabaho. Noong nakaraang anihan, napagtanto ng aking ina na kailangan nila ng bigas na makakain kaya nagpasya siyang maki-ani kasama rin ang asawa ng uncle ko. Ang asawa naman ng nanany ko, kapag iimbitahan siya na samahan ang inay na maki-ani tila may sakit raw ito. Ewan ko kung totoong may sakit siya noon o ayaw lang niyang tulungan ang aking ina. May dinaramdam noon si ina pero pinilit pa rin niyang sumuong sa panganib, panganib na maaaring mawalan siya ng malay. Hindi niya ininda ang sakit ng araw. Alam ko at ramdam ko sa sarili ko na nahihirapan siya. Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa kundi ipanalangin sa Diyos na sana bigyan niya ito ng sapat na lakas para matapos niyang matiwasay ang pakiki-ani niya. Naaawa na ako sa aking ina. Gusto kong punasin ang bawat luha na umaagos sa kanyang mga mata at gusto kong sabihin sa kanya na may anak pa siyang tutulong para sa kanila. Sadyang matapang ang aking ina. Hindi na awa ang tingin ko kundi paghanga dahil sa kanya ko namana ang pagiging matatag at lakas ng loob dahil kahit anong hirap ng buhay, pilit pa rin siyang bumabangon. Kung malakas na sana ang aking bagwis ay hindi ko hahayaang kumayod siya araw-araw pero hindi ko pa kaya isa pa lamang akong mamamayan na umaasa hindi pa yung inaasahan. Kita rin sa kilos ng ina ko na mahalaga ang edukasyon kaya naman, kahit malayo doon ang eskuwelahan, sinasamahan pa rin niya ang kapatid ko na pumasok, pagkatapos maihatid ang aking kapatid, nakabulagta ang mga dahon ng niyog upang gawin itong walis tingting. Mahirap gawin iyon dahil bawat pagtagaktak ng pawis'y katumbas ay pera. Sa kabila ng lahat ng ito, sa kapatid ko humuhugot ng lakas ang aking ina. Salamat at may dunong siya, magaling at masunuring bata. Hindi nagrereklamo kung ano man ang ihain sa lamesa. May Sto. Kristo ata siya sa dibdib at salamat dahil nagiging inspirasyon siya sa kanila kahit mahirap ang buhay.
Kung bibigyan kani ng Diyos ng pagkakataong baguhin ang estado ng aming buhay, pipiliin kong maging ganito na lamang, ang maging mahirap dahil dito nabubuo ang pagiging matatag, masipag, matapang at pagiging mapagpakumbaba. Ipinapangako ko sa kanila na ano mang unos na dumating sa amin, ako'y magiging karamay at sisikapin kong makapagtapos at kapag dumating ang araw na iyon, walang sinuman ang makaka-api, mang-aalipusta at makakailublob sa amin sa putikan dahil may dignidad at pangalan kaming pinanghahawakan.
25 comments:
aww nakakalungkot naman tong entry na to.. ;((
i have to agree with axl nakakaiyak
kakasad naman for a beautiful morning.. huhuhu
oo nga. sad itong entry na ito pero hopeful din naman.
nanay's boy ako, kaya nalungkot ako sa entry mo na to...
napaluha ako sa blog mo, mababaw lang ang luha ako..sobrang natouched ako...at parang gusto kong puntahan ang asawa ng nanay mo at pagsisipain (sorry).
hindi ko na tuloy alam sasabihn ko sayo.
how sad :(
nakadama ako nang pagkainis sa asawa nang mama mo...
kakasad
dakila nga talaga ang iyong ina.. dakali ang lahat ng inah... dapat tayong magpugay.....
napaiyak mo ko. basta mother and child talaga mabilis tumulo ang luha ko sorry naman. Napakadakila ng pagmamahal nr iyong ina. Pinahanga niya ako. siguro lahat ng ina gagawin ang ginawa niya. God bless her.
malambot tlga puso natin pagdating sa magulang, magiging ok din lahat, keep on prayin..
:( nakakalungkoy pero ganyan talaga ang mga nanay.. kaya ang mgagawa nating mga anak ay alagaan naman sila sa ating sariling paraan..
very touching, and it is good to know you love your mother, despite everything that had happened...carry on...
kakatouch naman ang enrty na ito..nalala ko tuloy si mama ko...
gusto kong mabuhay ng may dignidad Kung papalarin na magbago ang aking buhay ang maging maginhawa Di ko ito gagawing hadlang para maging maayos ang pagkatao ng magiging mga anak ko dahil nasa tamang pagpapalaki ang kagandahang asal.
Pero tama ka ang kahirapan ay nagsisilbing likas na nag papatatag sa isang tao.
gusto kong mabuhay ng may dignidad Kung papalarin na magbago ang aking buhay ang maging maginhawa Di ko ito gagawing hadlang para maging maayos ang pagkatao ng magiging mga anak ko dahil nasa tamang pagpapalaki ang kagandahang asal.
Pero tama ka ang kahirapan ay nagsisilbing likas na nag papatatag sa isang tao.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
magiging maayos din ang lahat..pasasaan bat may maidudulot din itong succes..
Si Anty Aurora to di ba? well masipag talaga ang Nanay ni Emmanuel. Kahit ganon siya, nagsasakripisyo siya para sa mga anak at pamilya niya.
Hanga ako kay Anty Auring.
Salamt po sa inying mga comments. mahal ko ang nanay ko kahit ganon siya. Ill promise to them na tutulong at ssikapin kong makapagtapos talaga kahit mahirap ang pinagdadaanan ko.
Ang galing mong magsulat, nakakadala, plus nakiki emote ung background music.
Nice. Naluha ako dito ah. Well done emman
naiyak naman ako, ano ba ito? pero ok lng, healthy naman umiyak eh, salamat emmanuel sa npakatouching na kwento. gagawin talaga namin mga nanay ang lahat para sa mga anak.
gud afternoo..:))
nakarelate ako dito, bata rin ako nung umalis ang nanay ko. pero tama kailangan maging matatag.
Nainis ako sa asawa nang Mama mo. Parang feel ko mama mo lang ang nag aaruga sa pamilya nila? Siya pa naman ang reason na iniwan ka nang ina mo, diba?
Mahirap man tayo sa material na bagay pero ang tiwala mo sa Diyos ay kahangahanga. At alam mo ba na mas mabuti pa ang ma deprived tayo sa mga material na bagay kesa hinde natin kilala ang Diyos
Keep up the good faith! God reward the people who is faithful to HIM.
Pang-MMK! Saludo ako sa'yo man! :)
A link to my new post - World of Vhincci
Post a Comment