Monday, April 04, 2011

Summer Class

            Ngayon ang unang araw ng summer class namin. mula alas otso ng umaga hanggang 11:00 a.m ang klase ko pero pinauwi kami ng instructor namin ng maaga dahil orientation for the subject lang naman ang ginawa namin.
            Akala ko magiging ok ang lahat subalit napangunahan ako ng takot at pangamba sa aking sarili sa maaaring mangyari sa akin. Takot na baka pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa aking sitwasyon na tila nangungusap ang kanilang mga mata at gustong itanong kung ano ang nangyari sa akin. Pangamba rin na baka hinid ko makayanang gampanan ang pagiging estudyante ko. Nang paalis na ako sa bahay namin, ok pa naman ang lahat pero nang pumasok na ako sa eskuwelahan, biglang nangyari ang hindi ko inaasahan. Ewan ko ba kung nasira ko yung prosthesis o sadyang hindi ko ito naayos ng husto sa pagkakasuot ko. Nag iba ang direksyon ng aking prosthesis, imbes na diretso ang ayos ng paa, nag slant ito at ito ang naging rason kung bakit hindi ako makalakad ng husto. Magkagayon, pinilit ko pa ring umatend sa unang subject namin na Philosophy 1 at sa second floor pa ng aming eskuwelahan. Tiniis ko ang hirap at kirot na aking nararamdaman para lamang matapos ko ang nasabing subject at nagpapasalamat ako sa aming guro dahil she dismissed us earlier than the said time. Bumaba na kami sa second floor at ang mga classmates ko, iniwan akong mag-isa sa isang sulok dahil pumunta sila at kunin ang kanilang classcards pero one of my classmates accompanied me in sitting in one corner. Hindi nagtagal,umuwi na ang ilan sa mga classmates ko pero kami, hindi pa. Nagdesisyon akong umuwi na lamang para sa susunod na lang ako pumunta. Ang ginawa ko, ibinigay ko ang aking classcard at sa susunod na lamang ako pupunta. Maintindihan naman sana ako ng aming guro.
           Sana sa susunod na pagpunta ko sa eskuwelahan ay wala nang mangyayaring ganito dahil ako'y nahihirapan at nawawalan ng lakas ng loob. Ang pakiramdam ko tuloy ay parang kawawa ako na wala nang mararating. Sana po tulungan niyo po akong manalangin na sana magiging ok ang lahat at matatapos ko rin itong pagsubok na ito.


17 comments:

Bern said...

ok lang yan, dumarating talaga ang mga ganyang hamon sa buhay. Ang tatag mo ang siyang babangon sa'yo at tanging ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo.

Assume that you have the greatest power that no one can let you down, and that power will come from your heart... from your mind. Your sincerity is your strength.

Sana nakatulong ako kahit papaano... ;P

Diamond R said...

Kung ano man ang mangyari napakalalim ng paghuhugutan mo ng inspirasyon para gawin ito.Ligid man sa kaalaman mo sa ngayon pero maraming secretong humahanga sayo maging ang mga kapwa magaaral mo.Wag mo silang bibiguin.I can't wait to see you becoming a inspiration sa maraming tao. You are becoming a light now that can't be hidden in one corner positive or negative you are shining sa di mo man gustuhin.Ipagpatuloy mo lang ang kagandahan ng iyong puso dahil may plano ang diyos sa iyo.

Congratulation on your first day.
saan nga pala ang school niyo at saan ka umuuwi.

Sey said...

huwag mong isiping pinag-uusapan ka ng mga tao sa paligid mo. Totoo man yun pero siguro curious lang sila kung ano ang nangyari sayo pero maraming tao parin ang bukal ang puso na maiintindihan ang kalagayan mo.

Magpatuloy ka lang. alam mo hanga ako sayo, bihira lang ang taong ninananis magpatuloy sa ganyang istwasyon at wag mong isiping nag-iisa ka. maraming taong nagmamahal sayo.

Pray ka lang lagi at lagi mong iisiping kaya mo yan. pag pagod ka na, try mo isang hakbang palagi. Okay. Cheer Up :-)

musingan said...

Normal na po yan ang ganyan... dahil sa sila'y tao lamang.. asahan mong may magtatanong at magtatanong sa iyo.. may mangungulit at mangungulit sa iyo.. pero huwag kang matakot at mailang... dahil normal lang yun..

alam mo ba ako... nun nasa manila ako.. kapag nalalaman nilang Muslim ako from Jolo Sulo... para kaagad silang nakakakkita ng multo... di mo malaman kung natatakot ba sila o nandidiri... pero ayun... nakayanan ko pa rin.. at nakasanayan... ehehheh....

kaya mo yan... I believe in you naman....

Akoni said...

Emmanuel,

tanggap mo naman ang lahat,diba? kaya i am sure madali mo din matatanggap na ganun talaga ang magiging reaksyon ng mga tao unang kita sayo. Basta magpatuloy ka lang at ipakita mo kung gaano ka kabuting tao, at the end..paghanga na ang mararamdaman nila sayo.

Good luck always,

Kuya akoni

Anonymous said...

masasanay ka din sa reaction ng mga tao sau, kaya mo yan emman, hanga ako sayo sa katatagan mo.. ipag patuloy mo lang yan..

Rap said...

sa una lang siguro yan... at naninibago ka lang.. wag mo nlng silang pansin.... maswerte ka at malakas loob mo para makipagsabayan sa iba.... wag mong maliitin sarili mo,... kaya mo yan!! GO!!

uno said...

what can i say???? well

congrats sa unang araw mo kahit anu pa yang nangyari sayo its ok its a part of your journey basta wag kang susuko... ok! aja!

Unknown said...

kayang kaya yan..go go for the Glory..isama mo si God for you to be comforted..ask his guidance..

Unknown said...

all things worls for our good, though sometimes we dont see how they could!!
kayang kayam deta..sika pay ti kunam.matatag kang bata!!

i admire u emmanuel.ang tatag mo

Mr. G said...

never lose hope...kaya mo yan

Vhincci Subia said...

It's true that we have different lives but still we can't deny that there will always be fear. So I can symphathize on you with that. Life is indeed very challenging and no matter how difficult is, we should see it always as an oppurtunity for our aspirations. We shouldn't lack determination. And should stay positive at all times. Be great Emman! I know you can survive all of these.

New post @ World of Vhincci

Kim, USA said...

Hey congratulations on your first day. What you feel is a very normal feeling for a first year college with or without physical frailty. Of course, marami ang titingin just because they are curious of what happened to you. You will get use to it. Be honest to your teachers and classmates or schoolmates if you feel pain or any discomfort, just be yourself.
I remember when I was in college. I have a schoolmate he can't walked with out crawling and you know what he graduated. The funny thing is that siya ang hari nang college namin hahahaha. Eh kasi love siya nang lahat, dahil hinde nga siya makalakad (he crawled) his friends take turn to carry him where ever he goes, it's really cool!! Until he graduated. Ang nakakatawa is that in time of our graduation doon na siya sa stage beside the bishop and the college president nakakaloka hahahaha. Special treatment baga hehehe.
Anyway, I posted my deer sa photography blog ko check it out.

My photography in focus

Sean said...

congrats on your first day. di ba nakaraos ka rin? first day pa lang yan. you're still finding your place, and them theirs na kung saan kasama ka sa kanilang environment. magpakatatag ka lang at magpursige. masasanay ka rin at sila rin sa balang araw ay magiging routine na lang sa iyo. walk with your head high dahil yang pagpursige mo ngang mag-aral ay isang achievement na in itself. be strong, we are all rooting for you.

Arvin U. de la Peña said...

agree ako sa sinabi ni uno........hayaan mo na lang sila..magpakatatag ka lang....good luck sa summer class mo..

Lone wolf Milch said...

stay strong!! hwag ka papaapekto always stay positive! kaya mo yan!

Anonymous said...

ok lang yan.. wag mo na lang pansinin.. forget it quickly and think positive... kaya mo yan.. :D just stay happy kahit saan ka man patutungo... fight!!!

Photobucket