May dalawampung-taon nang nagtra-trabaho si Anty Evelyn sa ibang bansa. Siya ay anak ng lola ko na kapatid naman ng nanay ko. Hindi naging masaya ang buhay niya doon dahil puro hirap ang kanyang dinanas subalit tiniis niya ang mga iyon para pag-aralin ang kanyang tatlong anak na nasa High School at College noon at mabayaran ang kanyang mga utang.
Taong 1991 nang iniwan niya ang kanyang mga supling dito sa bansa para makipagsapalaran sa Singapore. Hindi man niya gustong umalis pero kailangan siyang humayo upang magtrabaho. Nanatili siya doon ng limang taon. Bukod sa maliit ang kanyang sahod, walang Santo Cristo sa dibdib ang kanyang amo. Hindi raw siya pwedeng tumanggap ng bisita kapag oras ng trabaho at hindi siya pwedeng kumain sa tanghalian o sa gabi kapag hindi pa niya natatapos ang kanyang mga gawain at kung may maramdaman daw na alikabok ang amo'y ipauulit niya itong punasan. Nagpasya si Anty Evelyn na umalis sa Singapore at pagkatapos ng kontrata niya'y nagtungo na siya sa Hong Kong at hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya. Tatlong beses na nagpalit ng amo si Anty. Yaong una niyang amo, masungit din daw. Maraming ipinagbabawal ang kanyang amo pati paggamit ng cellphone ay ayaw niya at dapat walang nakalatag na kahit na anong dumi sa sahig. Sa pangalawa naman, gusto niyang malinis parati ang kanyang C.R kahit na walang dumi at gusto rin niyang malinis ang paligid araw-araw at nagkataong may dalawang makukulit na anak ang amo niya. Sa pangatlong amo niya, kabaliktaran ang kanyang sinapit. Mabait ang kanyang amo kahit na walumpo't limang taong gulang na siya. Sambit niya, gustong siyang ilipat ng kanyang mga anak sa Home for the Aged pero tumanggi ito at sa bahay na lamang daw siya mamamatay. Dadalawa silang magkasama ngayon. Sabi pa ni anty , sa kanya niya ibinabaling ang pag-aaruga sa ama dahil hindi niya ito nagawa kay lolo noong buhay pa siya. Kahit na natutulog si anty kapag gabi, magtutunog yung parang door bell ng matanda para siya'y magising sa kadahilanang naiihi siya o gustong uminom ng tubig. Tinitiis ni anty ang mga iyon dahil mataas ang sahod niya at ang kailangan lang ay sipag at tiyaga. Noong December 2010, nagpaalam si Anty sa kanya na uuwi muna siya dito sa Pilipinas upang magbakasyon kahit isa o dalawang linggo lang pero sabi ng matanda, sino ang mag-aalaga sa akin? sabi naman ni anty, " andiyan naman ang iyong mga anak at tutal, pasko naman. Hindi umimik ang matanda at akala ni anty ay pumayag na siya. Sa sumunod na araw, nang pumunta sa palengke si anty, nagtangkang magpakamatay ang kanyang amo. Nakita na lamang niyang walang malay sa sahig ang matanda kaya tumawag siya ng ambulansya upang dagliang gamutin ang matanda. Nang sumunod na araw, paguwi ni niya sa bahay, may dumating na mga pulis. Isasama na sana nila si anty sa prisinto subalit may nakita silang sulat ng matanda at sabi niya sa sulat " If ever you Police will come, don't arrest my maid because I am the one who did this, she said that she will be going home to leave me and I don't want my children to take care for me for they don't know how to handle me".
Simula noon, hindi na inulit ang tangkang pagpapakamatay. Hanggang ngayon, hindi pa rin makauwi-uwi si Anty dahil sa amo niya at hindi naman niya ito pwedeng pabayaan at sa biro pa niya, hihintayin na lang daw niya itong matigok bago siya makauwi.
20 comments:
Saludo ako sa anty mo...
hahah natawa ako sa "matigok" mo ading. well, tiis tiis lang at least mabait ang amo ni Anty, yun na lang tignan natin. soon she'll be home pag natigok na nga heheh
kawawa nman ang ante mo, pero basta pinoy, kakayanin ang lahat alang alang sa pamilya.. :)
at least mabait yung amo niya unlike yung dati
pero baka pagnatigok yang matanda baka ipamana pa sa kanya yung pera niya kasi maraming ganun kasi mga anak nila mismo di siya inalagaan kaya sa nagalaga napunta ang pera ng matanda
bilib din ako sa kanya kasi kinakaya niya lahat..at buti nag iwan ng sulat yung matanda,kung hindi baka nakulong siya.. God bless to her na lang..
im so proud on ur auntie.... :D
sabi nga nila iba pa pinoy matatag :D
kahanga hanga talaga ang mga pinoy pag dating sa pag aalaga ^_^
Bad trip naman ung matanda... Natali tuloy ung aunt mo dun... At hindi na makauwi... I'm sure miss na miss na sya ng kanyang mga anak sa Pinas...
New post in my blog - Vhincci
Anyway, Emman, you can re-follow me by unfollowing me then FOLLOW mo ako uli.. Tnx bro! :)
a huge salute to your aunt!!!
:)
iba tlga mag-alaga ang pinoy may puso..
Hahahaha at natawa ako sa word na "matigok"!! Talagang yan na lang ang hintayin niya baka matuluyan na next time hehehehe. It's very understandable na naging malapit ang matanda sa kanya marunong mag aruga tayong mga pinoy. But for sure pag matigok na yang matanda, it will not take 5 minutes mga anak niya mag simulang mag sulputan, alam mo na pera at kung anong mga anik-anik ang kanilang makuha sa matanda.
God bless your Auntie!
buti na lang at may iniwang note yung matanda bago nagtangkang mag pa kamatay.....kundi kawawa naman auntie mo makukulong siya sa di naman nya kasalan... kakahanga aunti mo kasi kung di naman ganun kagaling ang ginawa nyang pag ka linga sa matanda di naman diya hahanap hanapin diba.... thumbs up para sayung auntie..
kawawa naman si Auntie mo. Buti bago nagtangka si Lolo mag-iwan ng letter kundi baka nakulong pa siya. Kawawa din naman si lolo. Ma suggest ko lang, hindi ba niya pwede isama si Lolo dito sa Pinas? hehehe.
ay naku hipa mag trabaho sa ibang bansa. Buti nga ok din boss nya no di salbahi :-)
teka... mukhang nagkami ako ng post kanina... eheheh... anyway...
dakila ang trabaho ng mga D.H. saludo ako sa kanila...
hahah matigok talaga eh.
bagong bayani talaga!
;)
bait naman ng auntie mo, sana naman maging understanding din ang matanda sa kanya kung gusto nyang umuwi.
Mabuhay ang antie mo..
kala ko ikaw talaga yung HD... pero oi mabuhay ang ante mo kasi sila ngayon ang mga unsung heroes ng panahon natin...
Post a Comment