Thursday, March 31, 2011

My Artificial Leg

               Makalipas ng ilang buwan pagkatapos ako naputulan ng paa, pinatawag kami ng doktor ko para masukatan ako ng prosthesis o artificial na paa. Galing pang Maynila yung taga gawa dahil hindi daw maayos ang paggawa nila ng prosthesis dito sa amin.
               
                   Naghintay kami ng three months bago maipadala yung artificial leg. Panahon kasi ng tag-ulan noon kaya medyo  mabagal yung pagkakagawa. Noong natapos na, pinadala nila kaagad dahil mag eenrol sana ako ng second semester sa school namin kaya lang hindi umabot. Nang isinukat ko sa clinic ni doktor yung prosthesis definitely hindi siya nagkasya dahil tumaba ako. Para kasi akong kalansay noong sinukatan nila ako at pati ako nahirapan din sa pagsusuot nun tapos mabigat pa. Umuwi akong suot-suot ang prosthesis kahit na hindi ako kampanteng gamitin yun. Makalipas ng isang linggo, napansin ni anty ko na hindi ko masiyadong ginagamit yun at ang sabi ko naman, hindi ko maisuot dahil mas mataas yung prosthesis ko kaysa sa normal kong paa kaya hindi sila pantay at kahit anong pilit kong isuot, hindi talaga pwede. Tinext ng doktor ko yung gumawa ng prosthesis sabi niya, ipadala raw uli namin tapos may aalisin daw konti sa talampakan o pupunta na lang kami ng Maynila para makita nila ng maayos kung ano ang problema. Hindi nagtagal, pumunta kami sa Maynila noong December 22, 2010 para mas siguradong wala nang magiging problema pa. Nagtagal kami doon ng ilang araw bago kami makabalik sa Ilocos. Mabuti na lang we made the right desicion kasi kung ipinadala lang namin, baka may problema na naman, mas mabuti na yung sigurado.

Kung isusuot ko ito at lagyan  ng pantalon, hindi nila mahahalata na putol ang aking paa.
                Simula noon, wala nang naging problema ang prosthesis ko kaya lang ang hirap ilakad dahil bukod sa mabigat, hindi pa ako nakakakilos ng maayos lalot ngayon, magsu-summer class ako at sa school namin maraming hagdan. Sa taas pa naman kami magka-klase. Sana tulungan niyo akong matapos ko ito para sa aking tagumpay. Salamat.


Monday, March 28, 2011

Pasasalamat

          Lubos po ang kagalakang natamo ko sa aking kaarawan kahapon. Ang daming nangyari na hindi ko lubos na inaasahan.
          Nagpunta kami sa Church namin kaumagahan ng Linggo. As the preaching goes on, our pastor remembered that its my birthday. I did not expected him to acknowledge my birthday. Pinatayo ako at magpasalamat daw sa family ko kaya ayun, nauna yung iyak ko kaysa sa message ko sa kanila. Pag-uwi namin, I received a text messages from my classmates in high school. Oh! they greeted me and i received almost 40 greetings from my former classmates. I did not expected that kind of messages in my inbox. Siguro they did not forget me bacause I am the type of a friendly person and I bring forth happiness to all my batchmates (di ko na ime-mention if ano ginawa ko noon). May mga tao din na di ko inaasahang mag gre- greet sa akin. Isa siya sa kinasamaan ko ng loob. After I recieved those messages of my batch mates, I received his text and he said, "Im sorry friend for hurting you, Miss na kita. Happy Birthday!!". Ayun naluha luha na naman ako doon. Isa pa, yung mga nakarelasyon ko before, they greeted me a happy birthday. Soguro sa mga iniwan kong saya sa kanila, hindi nila ako nagawang kalimutan kahit na binigyan nila ako ng sakit ng loob sobra pa rin akong nagpapasalamat.
           My relatives in other country also called and greeted me. I was overwhelmed that moment and they asked me what is my paala.  I said I had only Spaghetti and soda and they said, "ako na bahala sa cake". Ang dami palang nagmamahal sa akin. Hindi ko na napigilang umiyak noong kinantahan nila ako ng Birthday song. I hugged my aunt, my lola and my cousins.
          I would like also to extend my deepest thanks to all the people in blogger especially to Manang Kim. She gave me a letter that touched my heart.
          Natutuwa po ako sa inyong lahat kahit na dito tayo nagkakilala, you greeted me na parang you have known me so much. I will always pray for your health and may God always shower you more blessings.




Thursday, March 24, 2011

Sa Darating kong Kaarawan

          Kaarawan ko na pala sa darating na Linggo at mag lalabin-siyam na taong gulang na ako. Parang kailan lang ay nasa hospital ako nakahiga at nawawalan na ng pag-asa subalit heto ako ngayon, buhay pa at handa nang tapusin ang aking nasimulan.
          Kung bibigyan ako ng Diyos ng isang hiling, hihilingin ko sa kanya na gabayan at tulungan niya akong makapagtapos sa pag-aaral upang dito ako huhugot ng lakas ng loob at upang may maipagmalaki ako sa aking pamilya kahit na may kapansanan na ako(mahirap tanggapin pero totoo).  Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pamilya ko dahil hindi nila ako iniwan at pinabayaan. Sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi sila bumitiw sa aking mga kamay. Sila ang naghaplos sa aking dibdib at nagsilbing inspirasyon ko upang mabuhay pa.
          Kung hindi dahil sa kanila, sana ay nasa hukay na ako ngayon.  Nagpapasalamat din ako sa aking ina dahil siya ang nagsilbing sandalan ko upang harapin ang mga unos na dumating sa aking buhay at dahil sa mga yakap at pagkalinga niya ay nagiging matatag at lumalaban ako sa pakikibaka sa hamon ng buhay. Nagpapasalamat din ako sa Anty ko dahil siya ang nagpapa-aral sa akin simula noong musmos pa ako. Siya rin ang nagbayad sa mga gastusin ko sa hospital. Kung saan-saan siya umutang para lamang gumaling ako. Salamat din kay Lola dahil siya ang naglalaba noon ng mga duguan kong pamalot sa paa ko. Kahit pagod na pagod na, nagagawa pa rin niya akong asikasuhin.
          Salamat din sa mga bago kong kaibigan dito sa blogger. Una sa lahat, kay Kuya Uno. Una ko siyang nakilala at naging daan para makilala ko pa ang iba na nandito kahit na nakakalimot siya minsan, nagpapasalamat din ako. Pangalawa kay hard2getxxx dahil kasama ko siya noong nagsimula ako dito hanggang ngayon. Pangatlo kina Kuya Axl, Kuya Istambay at Diamond R, kayo ang nagsilbing kapatid ko dahil nandiyan kayo para sa akin. Pang-apat kay Kuya Sean dahil hindi niya ipinadama na iba ako, na may mararating pa ako sa buhay. Salamat din kay Manang Kim, kahit na hindi ko siya kilala ng lubos, alam kong mabait siya. Kina Kuya Musingan, Keatondrunk, khantotantra at Leonrap, salamat sa mga advice at mga komento na nagbigay ng aral para sa akin. Kina Ate Ladawan at Vhincci, thank you kadakayo ta didak inbilang a sabali kadakayo ken sapay kuma ta haan kayo pulos agbaliw. Salamat din sa mga komento nina Sir Moxx at kay Kikomaxx. Sa mga bago kong kaibigan na sina Mommy-razz, Akoni, Ate Sey, si Iya, Jemjem at Bbtoo. Salamat din sa araw-araw na pagbibisita ninyo. At sa mga hindi ko nabanggit, lubos akong nagpapasalamat sa inyo dahil dumadalaw kayo minsan at nag iiwan ng konting bakas.
            Naluluha na ako habang sinusulat ko ito. Gustong-gusto ko kayong yakapin lahat upang ipadama sa inyo na mahalaga kayo at parte na kayo ng aking buhay. Isasama ko kayo parati sa aking dalangin upang kayoy pagpalain at sana'y hindi kayo magbabago. Bilang pasasalamat ko sa inyo, heto ang ginawa kong video  at sana ay  magustuhan niyo. Inaasahan ko na makakatunton na ako sa "Top Of the World" upang magiging "Im Yours" ako.
 
                                              Top Of The World

        Heto pang isa, kinanta ko ito with smile dahil kung magiging malungkot ako wala rin mangyayari sa akin kaya heto, sana magustuhan ninyo ng lubos.

Im Yours



Tuesday, March 22, 2011

Ang Dakila Kong Ina

            Labin-isang taong gulang ako noong nawalay ako sa aking Ina sa kadahilanang nais makamtan ang kanyang ikapitong langit, ang kaligayahang walang kahambing subalit nabigo siyang hanapin ito.
            Malayo man ang aking ina, walang araw na hindi ko sila iniisip, bahid ito ng aking pangungulila. Nasa Claveria, Cagayan sila ngayon kasama ang kanyang asawa at ang aking kapatid sa ina. Kailangan mong tawirin ang maraming bundok at dagat bago mo matunton ang kinaroroonan nila. Kahit magkaganoon, kampante rin ako dahil nandoon ang kapatid ni ina na tumutulong na makahanap ng trabaho. Noong nakaraang anihan, napagtanto ng aking ina na kailangan nila ng bigas na makakain kaya nagpasya siyang maki-ani kasama rin ang asawa ng uncle ko. Ang asawa naman ng nanany ko, kapag iimbitahan siya na samahan ang inay na maki-ani tila may sakit raw ito. Ewan ko kung totoong may sakit siya noon o ayaw lang niyang tulungan ang aking ina. May dinaramdam noon si ina pero pinilit pa rin niyang sumuong sa panganib, panganib na maaaring mawalan siya ng malay. Hindi niya ininda ang sakit ng araw. Alam ko at ramdam ko sa sarili ko na nahihirapan siya. Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa kundi ipanalangin sa Diyos na sana bigyan niya ito ng sapat na lakas para matapos niyang matiwasay ang pakiki-ani niya. Naaawa na ako sa aking ina. Gusto kong punasin ang bawat luha na umaagos sa kanyang mga mata at gusto kong sabihin sa kanya na may anak pa siyang tutulong para sa kanila. Sadyang matapang ang aking ina. Hindi na awa ang tingin ko kundi paghanga dahil sa kanya ko namana ang pagiging matatag at lakas ng loob dahil kahit anong hirap ng buhay, pilit pa rin siyang bumabangon. Kung malakas na sana ang aking bagwis ay hindi ko hahayaang kumayod siya araw-araw pero hindi ko pa kaya isa pa lamang akong mamamayan na umaasa hindi pa yung inaasahan. Kita rin sa kilos ng ina ko na mahalaga ang edukasyon kaya naman, kahit malayo doon ang eskuwelahan, sinasamahan pa rin niya ang kapatid ko na pumasok, pagkatapos maihatid ang aking kapatid, nakabulagta ang mga dahon ng niyog upang gawin itong walis tingting. Mahirap gawin iyon dahil bawat pagtagaktak ng pawis'y katumbas ay pera. Sa kabila ng lahat ng ito, sa kapatid ko humuhugot ng lakas ang aking ina. Salamat at may dunong siya, magaling at masunuring bata. Hindi nagrereklamo kung ano man ang ihain sa lamesa. May Sto. Kristo ata siya sa dibdib at salamat dahil nagiging inspirasyon siya sa kanila kahit mahirap ang buhay.
             Kung bibigyan kani ng Diyos ng pagkakataong baguhin ang estado ng aming buhay, pipiliin kong maging ganito na lamang, ang maging mahirap dahil dito nabubuo ang pagiging matatag, masipag, matapang at pagiging mapagpakumbaba. Ipinapangako ko sa kanila na ano mang unos na dumating sa amin, ako'y magiging karamay at sisikapin kong makapagtapos at kapag dumating ang araw na iyon, walang sinuman ang makaka-api, mang-aalipusta at makakailublob  sa amin sa putikan dahil may dignidad at pangalan kaming pinanghahawakan.


Friday, March 18, 2011

Buhay ko Bilang Isang D.H

              May dalawampung-taon nang nagtra-trabaho si Anty Evelyn sa ibang bansa. Siya ay anak ng lola ko na kapatid naman ng nanay ko. Hindi naging masaya ang buhay niya doon dahil puro hirap ang kanyang dinanas subalit tiniis niya ang mga iyon para pag-aralin ang kanyang tatlong anak na nasa High School at College noon at mabayaran ang kanyang mga utang.
             Taong 1991 nang iniwan niya ang kanyang mga supling dito sa bansa para makipagsapalaran sa Singapore. Hindi man niya gustong umalis pero kailangan siyang humayo upang magtrabaho. Nanatili siya doon ng limang taon. Bukod sa maliit ang kanyang sahod, walang Santo Cristo sa dibdib ang kanyang amo. Hindi raw siya pwedeng tumanggap ng bisita kapag oras ng trabaho at hindi siya pwedeng kumain sa tanghalian o sa gabi kapag hindi pa niya natatapos ang kanyang mga gawain at kung may maramdaman daw na alikabok ang amo'y ipauulit niya itong punasan. Nagpasya si Anty Evelyn na umalis sa Singapore at pagkatapos ng kontrata niya'y nagtungo na siya sa Hong Kong at hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya. Tatlong beses na nagpalit ng amo si Anty. Yaong una niyang amo, masungit din daw. Maraming ipinagbabawal ang kanyang amo pati paggamit ng cellphone ay ayaw niya at dapat walang nakalatag na kahit na anong dumi sa sahig. Sa pangalawa naman, gusto niyang malinis parati ang kanyang C.R kahit na walang dumi at gusto rin niyang malinis ang paligid araw-araw at nagkataong may dalawang makukulit na anak ang amo niya.  Sa pangatlong amo niya, kabaliktaran ang kanyang sinapit. Mabait ang kanyang amo kahit na walumpo't limang taong gulang na siya. Sambit niya, gustong siyang  ilipat ng kanyang mga anak sa Home for the Aged pero tumanggi ito at sa bahay na lamang daw siya mamamatay. Dadalawa silang magkasama ngayon. Sabi pa ni anty , sa kanya niya ibinabaling ang pag-aaruga sa ama dahil hindi niya ito nagawa kay lolo noong buhay pa siya. Kahit na natutulog si anty kapag gabi, magtutunog yung parang door bell ng matanda para siya'y magising sa kadahilanang naiihi siya o gustong uminom ng tubig. Tinitiis ni anty ang mga iyon dahil mataas ang sahod niya at ang kailangan lang ay sipag at tiyaga. Noong December 2010, nagpaalam si Anty sa kanya na uuwi muna siya dito sa Pilipinas upang magbakasyon kahit isa o dalawang linggo lang pero sabi ng matanda, sino ang mag-aalaga sa akin? sabi naman ni anty, " andiyan naman ang iyong mga anak at tutal, pasko naman. Hindi umimik ang matanda at akala ni anty ay pumayag na siya. Sa sumunod na araw, nang pumunta sa palengke si anty, nagtangkang magpakamatay ang kanyang amo. Nakita na lamang niyang walang malay sa sahig ang matanda kaya tumawag siya ng ambulansya upang dagliang gamutin ang matanda. Nang sumunod na araw, paguwi ni niya sa bahay, may dumating na mga pulis. Isasama na sana nila si anty sa prisinto subalit may nakita silang sulat ng matanda at sabi niya sa sulat " If ever you Police will come, don't arrest my maid because I am the one who did this, she said that she will be going home to leave me and I don't want my children to take care for me for they don't know how to handle me".
              Simula noon, hindi na inulit ang tangkang pagpapakamatay. Hanggang ngayon, hindi pa rin makauwi-uwi si Anty dahil sa amo niya at hindi naman niya ito pwedeng pabayaan at sa biro pa niya, hihintayin na lang daw niya itong matigok bago siya makauwi.







Wednesday, March 16, 2011

Kamandag ng Jueteng


Pagdilat pa lang ng mga mata sa umaga,
Iniisip kung anong numero ang itataya.
hindi ninuynuy kung ano ang mapapala
sa pagtaya ng jueteng na kanilang sinisinta.

Ako ay may kakilala,
Aling Marya ang pangalan niya.
Ang dala-dala niya'y pag-asa,
Sa kapwa niya mga juetengera.

Kapag nakitang dumadaan ang prinsesa,
dala ang ballpen, papel at mga barya
bitbit ay mga numero ng mga suki niya
kahit saan magsalubong maski sa kalsada.

Dito'y iba naman ang eksena,
Sa tindahang maliit ni Aling Rina
May nakaupo at mayroon namang tawa ng tawa
habang hinihintay ang bagong grasya.

hindi ba nila alam na ito'y ilegal?
sa mata ng tao at sa Maykapal?
bakit hindi na lang sa pagkain ilaan,
upang ang pamilya ito'y pakinabangan.

Wala siguro silang alam na gawin,
kundi mag-abang na sakaling may palain.
sa ganitong paraan ba sila nahuhumaling?
Sa kamandag ng jueteng na tila pangahas din.



















Monday, March 14, 2011

A Letter from Hell

                      I just want to share to you this video because yesterday, our Pastor talked about salvation. Halimbawa, natuloy ang banta ng tsunami at lahat po tayo ay namatay, alam niyo na po ba kung saan kayo pupunta? Sa langit ba o sa Impiyerno? If you have not yet accepted Christ as your savior, its time to do it because the Second coming of Christ is very near.  We can see war, landslides, immorality, blasphemous people, tsunamis, covetous . All of this things are written in the bible and happening right now, Read 2 Timothy 3: 1-2. Repent and follow Jesus Christ and if your not saved, you will be thrown with an endless fire and worms going in and out in your body.

Friday, March 11, 2011

Buhay Amerika ni Ate Monette

                           Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka ay madami ka nang pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili  ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang  hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad. Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo , kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America
                         Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din silang maghanap-buhay pangbayad ng bills nila.
                         Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Sea world, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
                       Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar ang sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America .  Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50 , ang upa mo sa bahay na P10 , 000 sa Pilipinas, sa America $1 , 000++.
                       Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Maraming naghahangad na makarating sa America .. Lalo na ang mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo  yayaman ka na  kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
                        Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan. Wala pa ring katulad ang ating bansa. Mas mainam pa rin na dito ako tatanda dahil dito tayo isinilang at ang mga kamag-anak natin ay nandito rin.

Wednesday, March 09, 2011

One Pound Miracle

          Kayleigh Anne Freeman was born Three Months early on June 23, 2008. I just want to share to you this very inspiring and heart-whelming story. She was 10 1/2 inch long and weighed 1 pound one ounce because she suffered from Severe IUGR( Intrauterine Growth Restriction). She was known to be the smallest baby to undergo Open Heart Surgery at Heart Institute of America. Her family did everything for her sake but unfortunately, she passed away after 28 weeks and now, she is in heaven already with God.


                                   Now may I ask you, what did you learned from the story?

Monday, March 07, 2011

Dear Mommy,

          Im back..Thank you for all your concerns, magaling na po ako..Salamat sa mga nag-pray sa akin and now im posting again new at sana magustuhan niyo.

Hi Mommy!

Hi, Mommy. I'm your baby. You don't know me yet, I'm only a few
weeks old. You're going to find out about me soon, though, I promise.
Let me tell you some things about me. My name is John, and I've got
beautiful brown eyes and black hair. Well, I don't have it yet, but I
will when I'm born. I'm going to be your only child, and you'll call me
your one and only. I'm going to grow up without a daddy mostly, but we
have each other. We'll help each other, and love each other. I want to
be a doctor when I grow up.


You found out about me today, Mommy! You were so excited, you couldn't
wait to tell everyone. All you could do all day was smile, and life was
perfect. You have a beautiful smile, Mommy. It will be the first face I
will see in my life, and it will be the best thing I see in my life. I
know it already.


Today was the day you told Daddy. You were so excited to tell him about
me! ...He wasn't happy, Mommy. He kind of got angry. I don't think that
you noticed, but he did. He started to talk about something called
wedlock, and money, and bills, and stuff I don't think I understand
yet. You were still happy, though, so it was okay. Then he did
something scary, Mommy. He hit you. I could feel you fall backward, and
your hands flying up to protect me. I was okay... but I was very sad
for you. You were crying then, Mommy. That's a sound I don't like. It
doesn't make me feel good. It made me cry, too. He said sorry after,
and he hugged you again. You forgave him, Mommy, but I'm not sure if I
do. It wasn't right. You say he loves you... why would he hurt you? I
don't like it, Mommy.


Finally, you can see me! Your stomach is a little bit bigger, and
you're so proud of me! You went out with your mommy to buy new clothes,
and you were so so so happy. You sing to me, too. You have the most
beautiful voice in the whole wide world. When you sing is when I'm
happiest. And you talk to me, and I feel safe. So safe. You just wait
and see, Mommy. When I am born I will be perfect just for you. I will
make you proud, and I will love you with all of my heart.



I can move my hands and feet now, Mommy. I do it because you put your
hands on your belly to feel me, and I giggle. You giggle, too. I love
you, Mommy.


Daddy came to see you today, Mommy. I got really scared. He was acting
funny and he wasn't talking right. He said he didn't want you. I don't
know why, but that's what he said. And he hit you again. I got angry,
Mommy. When I grow up I promise I won't let you get hurt! I promise to
protect you. Daddy is bad. I don't care if you think that he is a good
person, I think he's bad. But he hit you, and he said he didn't want
us. He doesn't like me. Why doesn't he like me, Mommy?


You didn't talk to me tonight, Mommy. Is everything okay?
It's been three days since you saw Daddy. You haven't talked to me or
touched me or anything since that. Don't you still love me, Mommy? I
still love you. I think you feel sad. The only time I feel you is when
you sleep. You sleep funny, kind of curled up on your side. And you hug
me with your arms, and I feel safe and warm again. Why don't you do
that when you're awake, any more?


I'm 21 weeks old today, Mommy. Aren't you proud of me? We're going
somewhere today, and it's somewhere new. I'm excited. It looks like a
hospital, too. I want to be a doctor when I grow up, Mommy. Did I tell
you that? I hope you're as excited as I am. I can't wait.


...Mommy, I'm getting scared. Your heart is still beating, but I don't
know what you are thinking. The doctor is talking to you. I think
something's going to happen soon. I'm really, really, really scared,
Mommy. Please tell me you love me. Then I will feel safe again. I love
you!


Mommy, what are they doing to me!? It hurts! Please make them stop! It
feels bad! Please, Mommy, please please help me! Make them stop!


Don't worry Mommy, I'm safe. I'm in heaven with the angels now. They
told me what you did, and they said it's called an abortion.


Why, Mommy? Why did you do it? Don't you love me any more? Why did you
get rid of me? I'm really, really, really sorry if I did something
wrong, Mommy. I love you, Mommy! I love you with all of my heart. Why
don't you love me? What did I do to deserve what they did to me? I want
to live, Mommy! Please! It really, really hurts to see you not care
about me, and not talk to me. Didn't I love you enough? Please say
you'll keep me, Mommy! I want to live smile and watch the clouds and
see your face and grow up and be a doctor. I don't want to be here, I
want you to love me again! I'm really really really sorry if I did
something wrong. I love you!


I love you, Mommy.

                                                                          Your son,
                                                                          John

Friday, March 04, 2011

The Dance

               Sa lahat po na laging nag co-comment sa akin, maraming salamat po sa inyong lahat. Dahil po sa inyo nagiging malakas at matatag ang loob ko. Sana hindi po kayo magbago, parte na po kayo ng buhay ko at ayukong mawala na kayo. May sakit po ako ngayon kaya hindi muna ako makakavisit sa mga blog niyo but I will try. Magpapahinga muna ako. But I would like to share to you this very inspiring video baka some of you did not view this one yet. I want you to know that kahit may kapansanan kami, nakakasayaw pa rin kami, I can see myself to him because magaling din akong sumayaw kagaya niya. Please watch the video.


           
             

Wednesday, March 02, 2011

Benign Giant Cell Tumor(reposted)

               Nine months months had passed, I can still reminisce my life at the asylum, a very tragic experience that I can never wash them away. It is like a window of the past that I can't close them inside my heart.
               In the month of April when the doctor had diagnosed me that i had a giant cell tumor. I was unconscious and got panic and I didn't know what I do. We went to a public hospital near our town and they checked me up. They wasn't able to determine yet what was it and they only gave me some sort of medicine for one week. After the prescribed day, we went back to the hospital. The medicine that they gave was not effectual so the doctor decided to put me in the x-ray room but there were no available films so I decided to go to an x-ray clinic near the hospital. We went back again after one day with my aunt. I was shocked when the orthopedic surgeon explained to me that my left leg, below my knee was already eaten by a tumor and it has a great chance that the cells will become malignant and my leg will be cut-off. We decided to transfer in a more productive hospital, a kilometer away from our town and I had also a chicken fox that time. The surgeon also said that I have a tumor in the bone. He instructed us to go back after one week and he added that I must undergo operation and they will going to clean, fill out the tumor and apply bone cement on it but the bone cement was costly and I need 2 packs. I felt happy that time and hoping that  my leg can now be cured. Lately, I got operated and stayed at the asylum for four days and I went home in the fourth day with the ambulance as our transportation. It was about two months when my left leg is stretched and I cannot bend it as I used to in my right leg. we went back and forth many times in the hospital for me to be checked up. upon coming home, my aunt noticed that it was like swelling so we went back the next day. It started to shed a little blood from the fresh opening of my wound. When the assistant nurse opened my wound, many blood came out and it is like a volcano that burst lava on it.  It was so afflictive at that moment and every-time I carry my leg causes me to feel hurt so I stayed and sit in a wheel chair. My family and I were trembling and nervous because from that time, I gradually make blood to come out everyday.  We transferred to another clinic, a private one. the doctor was kind and patient. He looked at my x-ray result  and take some generalizations on it. He said that I must be operated again but heir gadgets was not complete and not compatible to use. He referred us to his friend who is a doctor in a private clinic, now hospital several kilometer away from the province but before that, I need to undergo blood transfusion yet to change the loss blood in our town hospital. A couple of days, we went to what the doctor had referred us. I was fearful and anxious from that moment. the doctor talked to my aunt and the doctor examined my x-ray results. I was puzzled if what are they talking all about. He then talked to me with a calm voice and said, " Do you know what disease is in you already? tumor is a beginning cancer but what is in you is not malignant, its a benign tumor. I will give you two options, first we will save your leg through bone grafting but you cannot bend it anymore and this is a very risky operation. Secondly, we will cut-off your leg, the affected area and replace it with artificial leg, we will do the amputation process". From that time, we went home full of grieving. I had sleepless nights if what option shall I follow. I asked God in choosing the right one for me. I asked God to give me a sign and he did it. I accidentally read one passage in the bible and say " If you want to follow me, put on your cross not for your own sake, but for the sake of many". I think many times and when my mind is settled, I have already a decision, I'm ready to be amputated.
          I did not think my personal interest at that time. I thought my family's future. I did it for them even-though it is painful in my part. I thanked God that I was not depressed but he anointed and guided  me to stand firm still even I am already a product of amputation. I believe God has still a plan for me.
Photobucket