Monday, February 28, 2011

Pagsubok Lamang 'Yan


           Minsan ang buhay di malaman kung nagbibiro dahil sa mga di inaasahang unos na dumarating sa ating buhay. Minsan naiisip natin na sumuko na lamang at huwag nang lumaban pa pero tayo rin ang kaawa-awa sa dulo.    
          Hindi natin mawari kung sinusubok tayo ng Diyos dahil sa mga suson-susong mga problema sa buhay. Namatayan, nawalan at nasaktan pero sa kabila ng mga nangyayari sa atin, nananatili pa rin tayong matibay, matatag at masaya dahil wala namang idudulot na maganda ito sa atin kung hindi natin isasara ang pintuan ng nakalipas. Marami nang beses na tayo ay nadapa. Paulit-ulit at halos hindi na makayanan pa pero magpasalamat pa rin tayo sa Diyos dahil ang lahat ng nangyayari sa atin ay may iniiwang ginintuang aral na nagbibigay sa atin ng ispiration para tayo'y mabuhay pa. Naiisip din natin na sana sa ating buhay, palagi na lamang tayong masaya, na hindi nakararanas ng hirap at pagod pero paano natin maaalala ang Maykapal kung hindi tayo makakaranas ng hirap at pighati? Sana rin hindi tayo nawawalan ng mahal sa buhay dahil mahirap at masakit ang mawalan. Kung maaari lang sana sa araw na sumahukay tayo'y babalik din tayo sa ating pagkabata,pero hindi. Habang tumatanda tayo'y lumalapit din ang ating katapusan. Sana din sa ating katapusan ay makamit natin ang mga mithiin, taong may ipapamana tayo kahit paano sa ating mga mahal sa buhay, pamanang magiging kasangga nila para labanan ang badya ng kahirapan. Mayroon ding mga pagkakataong sumusuko tayo at nawawalan ng pag-asa sa kadahilanang hindi natin ito kayang labanan pa pero naniniwala ako na ang mga taong nawawalan ng pag-asa ay ang mga taong walang magandang kinabukasan dahil pinaiiral nila ang kabiguan sa kanilang puso kaysa sa pagbangon sa sariling mga paa. Tayo rin lang ang gumagawa ng ating kapalaran. Ang Diyos lamang ang nagsisilbing gabay natin upang ituro tayo sa tamang landas na ating tatahakin. Kaya huwag natin isisi sa kanya kung anu mang klase ng buhay mayroon tayo ngayon. Mag pasalamat na lamang tayo dahil patuloy  pa rin tayong lumalaban dahil habang may buhay, may pag-asa ika nga. Kumayod tayo nang kumayod pasasaan ba't dadalhin din tayo ito sa tugatog ng ating mga pangarap at mithiin para sa atin pati na rin sa kapakanan ng ating pamilya at ating magiging pamilya sa kinabukasan.
          Ituring natin na lahat ng mga ito'y pagsubok lamang para tayo'y maging matatag at matapang dahil ang mga taong lumalaban ay mga taong nagiging ehemplo ng bawat nilalang sa mundo. Isipin din natin na sa bawat pagtapal natin sa pusalian ay katumbas ng pagtapak natin sa kalangitan. Magtiwala lamang tayo sa Maykapal dahil alam niya ang mas nakakabuti para sa ating lahat.

16 comments:

ash_32791 said...

this is just a test for us to accomplish..

Unknown said...

this are like test papers that we need to answer dba

Lone wolf Milch said...

lahat ng pagsubok makes us a stronger person

and of course we need gods help

Unknown said...

naalala ko nung high school madalas ko kantahin ung Maghintay ka lamang song..

musingan said...

yup... masakit talaga magbiro ang tadhana... tagos hangang kaluluwa....

uno said...

mas naniniwala kong at the end of the road... hinihintay ako Ni LORD waving HIs hand... waiting for me....

at sinasabi "anak nandito ako hinihintay kita bilis na kaya mo yan!

Kim, USA said...

Tamang tama ang mga sinabi mo lahat yan ay pagsubok kung hanggang saan ang tatag mo at tiwala mo sa Diyos. But remember God is always with us. It only takes to kneel and to pray to HIM.
I have known one person who commit suicide and it was a life wasted. He was too young to surrender life. In our journey marami ang pagsubok pero kung malampasan natin yan it's like a super success!! Because lahat ay lalampas lang. Don't worry of the past and the future, live of the present, that is why it's called present it's a GIFT!
By the way, added you to my friends list in my Photography in Focus para malaman ko may update ka hehe.

Arvin U. de la Peña said...

ang masabi ko lang hindi tayo binibigyan ng suliranin na walang kalutasan..tanggapin ang pagsubok kasi pagsubok lang iyon..doon ay malalaman kung matatag ang isang tao..

Anonymous said...

the tests of life can make us stronger..

Nene said...

God may test our faith at times during our hard life. kya wag taung bibitaw s knya hanggang s kahuli hulian ng ating mga hininga..

Nene said...

saka nga pla, nklimtan kong sabhin.. bago pla ung profile pic nyo hehe.. un lng. :D

Unknown said...

I appreciate your good work anak..keep it up..tama ka.pagsubok lang ang mga yan..

TAMBAY said...

madalas naiisip natin, bakit sa dinami dami ng tao sa mundo eh tayo pa? tadhana nga ba? nandon ang paninisi.. pero mali ang isiping iyon. sa mga ganitong pagkakataon, ating isipin. ano mang nangyayari sa atin ay tuldok lamang kumpara sa iba...

walang ibang tutulong sa atin kundi ating mga sarili..

Raft3r said...

trials make you stronger
kaya tuloy ang laban
=)

AIS said...

where's the challenge in life if we all have it easy, right? =))

Julmar Raandaan said...

tama ang buhay ay puno ng mga pagsubok. Pagsubok na kung pano tayo magiging matibay at magiging matatag para sa kanya.

Photobucket