Friday, February 18, 2011

Ikaw lang ang Mamahalin

               Minsan, naisip ko na parang walang tao na nakalaan para sa akin. Kung saan-saan ko hinanap ang love pero parang kay saklap ang aking kapalaran pagdating sa pagmamahal.
               Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa dahil sa iniwang bakas ng aking pinakamamahal. Ang puso ko'y puno ng pighati't kalungkutan. Sinubukan kong ibinaling sa iba ang aking pangungulila sa kanya pero hindi ko lubos na magawa sapagkat nakakubli pa rin ang pagmamahal ko sa kanya sa kabila ng lahat. Sa sambit niya noon, hihintayin daw ako hanggang makapagtapos ako sa Kolehiyo at kami'y magsasama. Sa matagal ring panahon na naging kami, siguro masasabi ko na mahal na rin niya ako. Nakilala ko siya noong nasa High School pa ako, 3rd year ako noon at naging kami lang noong 4th year na kami hanggang ngayon pero noong nakaraang September 2010, naging malamig na ang aming pagsasama. Hindi na siya nagparamdam maski sa text man lang. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon pero ang pagkakaalam ko ay nasa Maynila siya upang magtrabaho at makapag-ipon. Dahil sa ganoong pangyayari, hindi ako nagdalawang isip na tawagan ang kanyang number pero sa kasawiang palad, ang kapatid naman niyang lalake ang nakasagot sa aking tawag. maski daw sila ay walang balita tungkol sa kanya. Walang oras na hindi ko siya inaalala. Pinapanalangin ko na isang araw ay surpresahin niya ako sa bahay namin. Halos tinawag ko na lahat ng mga Santo at mga disipulo ng Panginoon para lamang maalam kung ano na ang nangyari sa kanya ni wala nang luha na pumapatak sa aking mga palad dahil sa kahahagulgol sa kanyang paglisan. Gusto ko lang naman iparamdam sa kanya na hindi ko siya makalimutan sa puso't isipan ko. mabuti na lamang at andiyan yung kapatid niya, na kaboses niya mismo at sa kanya ko ibinabaling ang aking pangungulila. Iniisip ko na lamang na kahit papaano'y nakakausap ko siya doon ay masaya na ako pero iba pa rin ang pakiramdam kapag siya mismo iyon. Ngayon, sinusubukan ko na siyang kalimutan pero imbes na makalimutan ko siya, naaalala ko siya saan man ako tangayin ng hangin. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanyang mga ibinigkas pero parang nawawalan na ako ng pag-asa. Nalulungkot na ako parati. Hindi ko maitanggi na siya pa rin at wala ng iba ang laman ng puso ko.
               Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na babalik siya dahil wala na akong alam na isipin kundi siya at nangangarap na sa pagdilat ng aking mga mata'y siya ang una kong matutunghayan. Malayo man siya sa akin, mamahalin ko pa rin siya. Alam ko na may plano pa ang Diyos para sa aming dalawa.

13 comments:

TAMBAY said...

nakakalungkot sapagkat para kang nangangapa sa dilim.. naghihintay ng kasagutan sa sa ktanungan na ang hirap sagutin.. maghintay ka lamang, nakabilanggo ka sa dadaming yan, na wala pang katiyakan.. nagaalangan ka ngayon panigurado, dahil sa wala pang sagot sa iyong katanungan

hangad ko ang iyong kaligayahan... :)

Lone wolf Milch said...

try mo kaya isearch sa facebook or friendster or post ka doon about that person para matulungan ka na mahanap sya

emmanuelmateo said...

Istambay: oo nga eh marahil ay hindi pa ito ang muli naming pagkikita

Hard2getxxx: nakakahiya mang gawin pero i'll try baka nga makatulong.

Anonymous said...

swerte ng babaeng yon sa isang katulad mo parekoy...

nasaan man sya ngayon,sana ay okay lang sya at sana dumating ang panahon na magkita kayo uli at ituloy ang pag ibig na nasimulan nung nakalipas...

emmanuelmateo said...

jay: opo dahil ako ay mapagmahal na tao.handa akong ibigay lahat. salamat pala sa pagdalaw.

uno said...

ive been there... pansamantala lng yan...palayain mo ang sarili mo...and everything wil be ok emman...

Rap said...

sundin mo lang kung ano ang sinasabi ng puso mo...

Unknown said...

tama may plano at plano ang diyos para sa inyo , wala namang masama sa paghihintay bastat siguruduhin mong karapat dapat ang taong iyong hinihintay. maswerte yung babeng yun pare koy--kung ako siguro matagal na akong nag give up...pero lahat ng paghihitay namang yan ay may kapalit, malay natin bukas o kaya mamayang gabi andyan na yung taong matagal mo ng hinahanap...

Sean said...

agree ako kay inong. tama lang na mag-antay kung meron ka namang aantayin. sana nga lang mayroon makapagtatapat sa iyo kung asan nga talaga siya at kung may aantayin ka pa. good luck emman. i hope you find peace of mind (and heart).

musingan said...

I know how you feel... I've been there... ehehehh

Nene said...

kung hindi nilaan sayo, hindi sha para sayo. mahirap maghintay at mahirap umasa, bka tumandang binata k na lang ng hindi mo namamalayan.. maikli lng ang buhay lahat ng tao my karapatang lumigaya.. Ano un sha msaya ikw hindi? unfair di ba..

LON said...

NAKS. INLAB. DONT LOSE LOVE

Arvin U. de la Peña said...

love can wait..marami pa namang iba...

Photobucket