Sa nakaraang mga bagyo at baha, ang mga taga Negros Occidental, Leyte, Metro Manila ang nakaranas na siguro ng pinakamalubhang hagupit nito na nagdala ng pagkasira ng bahay,
pagkaupos ng ari-arian at pati na rin ang pagkitil sa buhay. Wala pang dalawang linggo ang dumaan, pumanhik na naman ang isa pang delubyo. Walang pinipiling lugar ang hagupit ng kalikasan maski sa mga ibang bansa ay natatamaan din at nang-iiwan ito ng maraming pagkawasak sa mga ari-arian, kabuhayan at buhay. Sa malas, ito'y ngitngit ng langit. Ngunit kung ating kikilatising mabuti, ito'y tapik ni Bro. Tapik sa ating mga balikat upang tayo'y paalalahanan na kahit ano pa man ang mangyari dapat hindi natin kalimutan si Bro sa anumang unos ng buhay. Bakit ang mga mauunlad na lugar ay siyang sinalanta ng delubyo? Panahon na siguro upang ang mga namumuno ay magbago. Magbago sa hangarin sa buhay na hindi pera lamang ang ninanais kundi kapayapaan, pagkakaisa at kasaganahan din. Ang mga mamamayan ay tumutulong, bakit kaya nagkaganon? Walang pinuntahan ang tubig. Ibig sabihin, barado ang mga kanal dahil sa suson-susong basura at dahil na rin sa walang disiplina ang mga tao. Paalala ni Bro sa mga opisyales, gawin ang tungkulin at huwag mangurakot sa kaban ng bayan lalo't para sa kapakanan ng tao at sa ikabubuti ng nakararami, ilaan na lamang nating pangtulong sa mga kapus-palad. Sa mga mamamayan, tumulong tayo kahit sa simpleng paraan lamang. Dapat nating ilagay ang mga basura sa dapat nilang kalagyan at huwag din magtapun kung saan-saan lang para sa gayon, hindi magbarado ang mga kanal na siyang daluyan ng tubig. Bulong din niya na dapat sa gitna ng unos, tulong-tulong at magkaisa ang lahat para sa gayon tayo rin ang makikinabang sa pag-unlad ng ating buhay pati na rin ang ikaa-angat ng ating bansang ating kinalakhan.

Kaya ang Tapik ni Bro ay isang babala sa atin. Maging handa at tanggapin ang idudulot nito at sana, huwag natin balewalain dahil sa susunod, di lang tapik sa balikat ang matitikman natin kundi ngit-ngit ng Poong Maykapal. Magpasalamat pa rin tayo sa kanya dahil sa kabila ng lahat na pagsubok na nagdaan, heto pa rin tayo nakatayo, hindi nawawalan ng pag-asa at tayo'y nabubuhay pa at kahit papaano'y nakaligtas naman tayo sa mga pagsubok na ibinigay niya sa atin.
22 comments:
tama.. sabi nga nila its a reason to be care to our mother nature!!
yeah tamaka po kuya AXL..Clean nature is important at huwag natin ito pabayaan.
nice parekoy... tao din ang may kasalanan ng lahat ng nangyayaring iyan..
tapik ni bro pero sana sampal ang iparating niya dun sa mga opisyales mismo hahaha.
agree ako..dapat laging handa..
paano kaya pag tinadyakan tayo ni bro :(
agree with istambay... tayo rin ang may kasalanan... alam mo hindi nmn gusto ni Lord na makaranas tayo na ganito... its just taht its the rule of nature... kung anu ang itinanim mo say din ang iyong aanihin db
tama tama...
biktima din kami ng Ondoy dito sa quezon city... nasa work kami nu kuya nun, sila mama at papa lang sa bahay... di nila kami pinauwi sa work at hanggang 2nd floor na ang baha. umuwi na ako kinabukasan, parang probinsya na ang subdivison namin... hindi ako makababa ng tricycle, parang ayokong itapak ang paa ko sa putikan... pagpasok ko ng gate ng bahay, nakita ko sila mama at iba pa na naglillinis... niyakap ko si mama at umiyak at humagulgol... tandang-tanda ko pa... haayyy...
salamat kay bro at walang ngyari sa pamilya ko...
galing! tama lahat ng sinabi mo. Bino here bumibisita :D
Nice one! One thing I could say, not until each and everyone of us will take our responsibility really good, then our life would change dramatically. But when all of us has this mentality of pointing each others fingers to who is going to blame then we are still in a messed. Love your way of taking the issues of life keep it coming!! And thanks for the visit too!l
Watery Wednesday
Istambay: oo tayo rin ang may kasalanan..
Sean: oo sana gawin nga niya yun para matauhan sila..
kung mabait sana lahat ng mga tao, hndi sana niya gagawin ang mga ito.
Arvin: oo dapat lang po na handa tayo sa anumang oras.
Adang: hahah.tadyak ba?hndi naman niya magagawA YUN.
GOD KNOWS THE BEST..HE WANTS US TO BE DISCIPLINED. Pero sa gitna ng lahat ng mga ito, hndi niya tayo pinababayaan.
uno: opo tayo rin..He always tests us his disciples.
Leonrap: opo kahit ganun ang nangyari, kahit papaanoy walang masamang nangyari sa pamilya mo diba po..
Bino: salamat po sa pagbisita...
Kim USA: opo tama po kayo..we must do our responsibilities as a citizen in the country..
we need to love mother earth more!
followed you!
Well said. Agree ako sa lahat na sinabi mo.
Thanks for the visit
so true... kaya habang may panahon pa, maging trying hard na tayong itama ang ating kamalian at alagaan si Inay Nature at siyempre sabayan natin nang pananampalataya kay Bro... :]
Mayet: Salamat po sa pag-follow
Eden: walang anuman po!
Babbie dee.oo tama ka po.alagaan natin ang ating nature..
MOST ECO-FRIENDLY BLOG NOMINEE ;)
LIKE IT, BRO.
DEMIGOD: maraming salamat at sa iyong pagbisita..
Post a Comment