Tuesday, May 03, 2011

Sapagkat Ako'y Matatag

          Ang dami nang nagbago simula noong mawalan ako ng isang paa.  Ramdam ko sa sarili ko na parang wala na akong silbing tao dito sa mundo at isa sa mga talento ko'y nawala na dahil sa nangyaring ito sa akin.
          Sa unang operasyon ko, akala ko gagaling na ako, akala ko magiging maayos din ang lahat at akala ko babalik na ang buhay ko sa dati pero nagkamali ako at habang buhay kong tatanungin sa sarili ko kung bakit ito nangyari sa akin, kung bakit ako pa na magaling sumayaw ang dinapuan ng sakit na iyon. Sa pagbangon ko araw-araw, naaalala ko ang mga pinagdaan ko, bawat tusok sa akin ng karayom noo'y parang kahapon lamang nangyari. Hindi na lamang ako umiiyak dahil alam ko na hindi na mababawi ang mga nangyari at dahil wala namang maidudulot na maganda ito sa akin. Kumakapit na lamang ako sa Panginoon upang bigyan pa niya ako ng lakas para ipagpatuloy pa ang mabuhay. Gusto kong makatapos sa pag-aaral; gusto kong may maipagmamalaki ako sa aking sarili at pamilya subalit parang nawawalan na ako ng pag-asa at lakas ng loob para maabot ko ang aking mga pangarap. Akala ko madali ang mawalan pero mahirap pala, mas mahirap pa sa mga karayom na sumugat sa puso't katawan ko. Sa araw-araw naman na pumapasok ako sa eskuwelahan, hindi madaling makisalamuha sa kapwa tao lalo na't pinagtitinginan nila ako. Pangamba pa rin ang nananaig sa puso ko dahil baka may mangyaring hindi mabuti sa akin sa eskuwelahan subalit kinakaya ko lahat ng mga pagsubok kahit na hindi madaling gawin iyon at kahit na kirot at sakit ng loob ang nararanasan ko. Nakakaramdam rin ako ng kahinaan minsan. Kahinaang hindi ko lubos malabanan at hindi ko lubos matanggap pero ang mga kahinaang iyon ay lumilipas din. Iniisip ko na lamang na kailangan ako ng aking pamilya at mga kaibigan. Sa ganoong paraan ay nagiging masaya ako at nabibigyan ako ng buhay para tapusin ang aking nasimulan. Alam ko na may Diyos na gumagabay at tumutulong sa akin at hindi ako pinababayaan. Sa kanya ko na lamang pinapaubaya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sabi ko sa Panginoon, handa na akong pumanaw dito sa mundong ito. Pagod na akong mabuhay at lumaban pa sa pakikibaka sa buhay pero hindi ganoon kadaling mawala dahil kailangan mo pang daanan ang mga mabato at batik-batik na bato para matunton mo ang tuktok ng tagumpay.
          Tanggap ko mang ganito na ako, na hindi na ako gaya ng dati, hindi ko pa rin maalis at tanungin sa sarili ko kung bakit ako pa ang naging ganito. habang nabubuhay pa ako, hindi ako susuko sa anu mang unos na darating sa aking buhay dahil ang mga pagsubok ay parang abono na nagbibigay ganda at kaakit-akit pa ang isang halaman habang ito'y lumalaki at lumalago.

Hanggang sa muli po!!!

13 comments:

Axl Powerhouse Network said...

anu ka ba.. ika nga nila may dahilan kung bakit nagyari sayo yun dont down your self only u do prove yourself na kaya mo... :D

Lone wolf Milch said...

always stay strong kaya mo yan. look at hellen keller marami siya sakit pero siya ay mahusay na author.

EngrMoks said...

kaya mo yan pare..mahalaga buhay ka pa...at nandyan ang Diyos para alalayan ka, sya ang isa mong paa.

Unknown said...

kaya mo yan frend..malalampasan mo rin lahat ang mga yan..kapit ka lang kay pareng God!!

musingan said...

LILIPAS DIN YAN LAHAT.. DONT WORRY...

Sean said...

galeng ng positive attitude mo sa last paragraph. good luck emman. i'm sure you can do anything that you set your heart and mind to.

Sey said...

Diba sabi nga nila lahat ng bagay na nangyayari may dahilan. Sa mga nangyari sayo, nagsilbi kang inspirasyon sa aming lahat. Kung ikaw hindi sumusuko, mas wala kaming karapatan na bumigay sa hamon ng buhay. Salamat!

Makakaya mo yan. Huwag kang susuko!

Pinch of thoughts said...

life is life. lahat tayo may mga problema pero we should be proud of ourselves dahil andito pa din tayo at nabubuhay ng patuloy. kaya mo yan ading.

Diamond R said...

May plano ang diyos.nakakatuwang ang mga tulad mo ay buong puso itong tinangap. Inspirasyon ka sa maraming taong di masaya sa kung anumana ng meron sila ngayon.

Ang puso ang higit na mahalaga sa tao higit sa anumang bahagi na meron siya sa kanyang katawan.

God bless to you.

iya_khin said...

kaya mo yan be still and know we have big God!

Unknown said...

kaya mo yan..be strong and have a good courage..God is with you all the times!!

Philippians 4:13

Kim, USA said...

Huwag kang mawalan nang pag-asa dahil pag may buhay pa tayo marami pang darating na biyaya nang Diyos!! ^_^

bbtoo said...

ganda na man ng mensahe dito nakakainspire. Lahat kaya natin kung gustuhon lang natin.

Photobucket