Saturday, May 07, 2011

Happy Mother's Day



             Bukas na pala ang Mother's Day. Malayo man ang aking ina, hindi ko pa rin siya kakalimutang batiin kasi araw nila bukas.
             Wala tayo dito sa mundong ibabaw kung hindi dahil sa kanila. Binuhat nila tayo ng higit siyam na buwan para lamang mailuwal tayo at dahil dun, nararapat lang na bigyan natin sila ng pagpapahalaga. wala man tayong maibigay na materyal na bagay sa kanila, ang pagbati natin sa kanila ay nakakagaan na ng loob at sabayan natin ito ng yakap at halik. Sabi nga nila, "mother knows best". Iniisip nila ang mas nakakabuti sa atin kahit isipin natin na minsan ay mali sila. Minsan pa nga, we try to teach them because all we know, we are more correct than them. Namimis ko na rin ang nanay ko. Balak kong pumunta ulit sa Claveria para tignan ang kalagayan nila subalit wala pa akong oras at wala pang naipon na pera. Kung malapit lang sana sila'y pinuntahan ko na kahit maglakad pa ako para lang masabi at mabati siya. Kanina, naluha luha ako dahil may nag tag sa akin ng isang letter para kay nanay. Naantig po ang puso ko sa mensahe dahil tinataglay ng sulat ng iyon ang pagiging dakila ng isang ina. At kanina rin lang, ang isang kapit-bahay namin, nag-aaway. Ang ina pala ang kinakaaway ng dalaga. Sinusumbatan niya ito at nagdadabog pa kaya naglayas ang dalaga at hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik pero ang Ina, hindi siya sumukong hanapin ang anak. Hindi niya siguro pinapahalagahan at rinerespeto ang magulang lalo sa kanyang ina. Totoo pala ang sinasabi nila na matitiis ng isang anak ang kanyang mga magulang pero ang mga magulang ay hindi makatiis sa kanyang anak.
         Mahalin sana natin ang ating Ina at pahalagahan natin ang mga sakripisyo nila para sa atin. At sa mga Nanay, sana hindi po kayo magsawa sa pagluluto ng mga masasarap na pagkain, maglaba ng mga damit namin dahil kayo ang ilaw ng aming tahanan at inspirasyon.

11 comments:

MOKS™ said...

Advance happy mother's day sa iyong Ina at sa nanay ko.

Leonrap said...

wag ka na malungkot emman.. hehe... hapi mudra sa mama mo at sa lahat!!! ^^

khantotantra said...

advance happy mothers day

iya_khin said...

happy mother's day kay mama mo!!!

Kim, USA said...

Buti ka pa may chance pang makita mama mo ako wala na talaga. Thanks sa comment sa blog ko, I agree parang kamukha ko mama ko as I grow older hehehe. Happy Mother's day sa tita mo, sa mama mo, sa lola mo. Sa lahat na nag aruga sa iyo sila ang mga mama mo. Happy weekend!

Mother

~ JaY RuLEZ ~ said...

happy mothers day sa inay mo mateo!

Sey said...

HAPPY MOTHER'S DAY sa mama mo pati sa Lola at Auntie mo. nakaka-lungkot naman ang nag-aaway pa ang kapit-bahay niyo, sana magka-ayos sila para happy ang mother's day nila.

Diamond R said...

happy mother's day sa iyong mommy.

lonewolf said...

happy mothers day sa iyong ina

KikomaxXx said...

happy mothers day sa mama mo chong :)

Arvin U. de la Peña said...

belated happy mothers day sa lahat..