Hindi ko inaasahang ganito katagal ang hindi namin pagkakaunawaan ng kaibigan ko dahil lamang sa maliit na bagay na aking pagkakasala. Nagtampo siya at humantong sa hindi pag-iimikan at pagpapansinan.
Ito'y nangyari pa kamakailan lamang sa buwan ng Pebrero. Hindi ko lubos mawari kong bakit ngayon pa nangyari ito at hanggang ngayon, wala pa ring pagbabago. Siya ay si Dhemie, Bente anyos na siya subalit parang isip-bata kapag nagtampo. Binata na nga siya pero hindi pa yata niya nalinang ang pagkamaawain at pagtanggap sa pagkakamali. Sa buwang iyon, hindi pa ako pumapasok sa eskuwelahan at sa bahay lamang ako gamit ang computer araw-araw. Nagkataon namang hindi na siya pumapasok noon dahil kapos ang kaniyang pamilya. Kapag pumupunta siya sa bahay, pumapayag naman akong gamitin niya ang computer at sa pagpayag ko namang iyon, nagiging madalas na ang pagpunta niya sa bahay kahit na facebook at youtube lang ang alam niyang gawin, pinapabayaan ko na lamang siya. Nagpapasalamat rin ako sa kanya dahil siya ang kakasama ko kapag wala akong kasama sa bahay lalo na noong ikinasal ang pinsan ko, talagang hindi siya umalis hanggat hindi pa sila dumarating sa bahay. Kapag wala naman akong magawa o nagkataong walang kuryente, ako naman ang pumupunta sa bahay nila upang makisalamuha naman. Hanggang sa isang araw, nagtext siya sa akin na magko-computer daw siya at magbabayad pa. Nagkataon namang wala akong load noon kaya pinabayaan ko na lamang siya at sabi ko sa sarili ko na pupunta na lamang siya dito kahit wala akong pantext sa kanya. Wala akong nahintay, talagang hindi siya pumunta at sa tanghali naman, nagtungo ako sa bahay nila. Hinanap ko siya at nandoon pala, nagtatago, ayaw akong kausapin. Kaumagahan, pumunta ulit ako sa bahay nila at ganoon pa rin ang nangyari, walang pagbabago, hindi niya ako kinausap o pinansin man lang. Hanggang ngayon, kahit na nagkikita kami, hindi niya ako pinapansin. Wala naman akong galit sa kanya at siya naman ang nagsimula nito.
Ang alam ko, ang unang umaway ay siya ring unang makikipagbati pero hindi, ako pang inaway ako pang nakikipagbati. Ang masaklap pa, may utang pa siya sa akin at ayaw atang bayaran nito. Hindi ko na alam kong ano ang aking gagawin. Gusto ko siyang pagbuhatan ng kamay subalit hindi ko magawa. Mababaw yata ang puwet niya kaya ganoon na lamang siya katinding umaway o magtampo sa akin. Cold war na to!!hehehe
10 comments:
tampuhan bata lang yan. hayaan mo lang. wag masyadong pagtuunan ng pansin.
para un lang nagtampo agad, naku kakaiba yan ah, may mga fren akong minsan hnd ko narerplyan s txt pero walang ganyan pagtatampo.. isip bata pa yon malamang.
asus kami nga ng best friend kong lalaki eh kahit magbugbugan afetr nun tawa parin.. hahah... matutu ka nalang magpatawad...
Alam mo ba ang mga friend ko kung magtext sakin siguro mga 3 times a week tapos may message pa sa FB pero madalas wala akong narereplayan dun lalo na sa FB kasi hindi ako nakakapag-online. Pero ganun pa man hindi sila nagagalit or nagtatampo kasi alam nilang ang libreng oras ko tinutulog ko lang.
Hayaan mo muan siya hanggang marealize niya ang kanyang mali. Wala namang mali kang nagawa. Hindi mo kasalanan na wala kang load nung araw na yun. Pero ganun pa man wag mo isarado ang puso mo sa kanya.
May bago ka palang post, bakit hindi nag-appear sa dashboard ko at blog roll ko?
Lilipas din ang inyong tampuhan. Napakaliit na bagay para inyong pagawayan. Panahon lamang ang makapaghihilom nang mga sugat sa inyong mga puso at pagkakataon naman ang siyang maglalapit uli sa inyo. Sa ngayon ay pabayaan mo na lamang habang masama pa ang loob niya. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
masyado naman matampuhin yang friend mo.
pero im sure magkakabati din kayo kasi di naman ganun kalaki ang pinagawayan niyo
em.. welcome back.. musta na ang hinahangaan kong blogger.. dont worry sa mga friend mo.. basta ang importante eh hindi kayo nakakalimot sa isat-isa.. ehehhe.. tama tampuhang bata lang yan..
forgive and forget. Magkakaayusan din kayo.
At least, you go your way para puntahan siya sa bahay nila. Sana he sees it na it's an effort for you na magpunta sa kanila. Cold warin mo din hahaha! Ibang advice to lol!!!
Post a Comment