Tuesday, May 17, 2011

Paalam Na

          Patapos na pala ang summer class namin. Isang Linggo na lang at hind ko na makakapiling ang mga classmates ko lalo na ang mga kaibigan ko. Ayaw ko man silang umalis, wala akong magawa dahil natapos na nila ang isang taon (third year) at ako'y magsisimula pa lamang.
          Sa dalawang taon na pagsasama-sama namin, nakilatis na namin ang ugali ng isa't isa. May mga nabuong grupo at samahan pero buklod-buklod pa rin kami at tulong-tulong upang makapasa sa lahat ng bagay maski pagsubok man. Sa darating na pasukan, iba na ang mga taong aking makakasalamuha araw-araw. Siyempre kailangan kong mag adjust at i adopt ang sarili ko sa kanila. Subalit nangangamba ako na baka kamuhian lang ako at pagtawanan at nangangamba rin ako na wala akong magiging kaibigan o kasama araw-araw. Parang gusto ko munang itigil sana ang oras para sa ganoon ay makakasama ko pa sila nang matagal at pahalagahan ang bawat sandali na magkakasama kami. Sabi nga ng isa kong kaibigan, magkikita pa rin naman kami sa skul pero iba pa rin  ang pakiramdam kapag klasmeyts ko pa rin sila dahil sobra ang aking kasiyahan kapag nakikita at nakakasama ko sila dahil ang katangian na nagustuhan ko sa kanila ay tulong-tulong kaming lahat ng mga pagsubok na ibinibigay ng guro namin. Marami nga kaming kalokohan na ginagawa. Una, we try to imitate our teachers in the way they walk and teach. Ang sama nga namin noon eh. Pangalawa, kapag nakita ng guro na nangongopya ang isa, to the rescue agad ang iba at sasabihing hindi siya nangongopya. Talagang kampi-kampihan ang ugali namin noon, all for one one for all ika nga. At pangatlo, yung matandang Professor namin noon, habang nagtetest kami, at kapag nahihirapan na kami, sasabihin namin sa teacher " Maam, pinapatawag ka po ni Dean, punta raw kayo sa Dean's Office". Agad agad naman na pumunta ang guro at bahala na kaming magpaliwanag pagbalik niya sa clasroom. Ngayon, hindi na namin magawa ang mga ito dahil nag mature na kami ng todo pero ilan pala sa mga kalokohan namin ay nagagawa pa hanggang ngayon. Sa katunayan nga habang nagka-klase kami ngayong summer, inoobserbahan namin ang mga mukhang walang magawa sa buhay lalo yung mga bored. Kahit nga discussion namin may mga natutulog gaya ko hehe lalo kasi sa hapon, ang hirap pumasok sa utak ang mga lectures. at hirap na hirap kaming buksan ang aming mga mata dahil sa masarap na simoy ng hangin at parang inaanyayahan kaming matulog muna at magpahinga.
          Hindi ko ito makakalimutan at mananatili sa ala-ala ko ang mga ginwa naming ito. Sana hindi ako makalimutan ng mga klasmeyts ko dahil parte na rin sila ng buhay ko. Itinuring ko na sila na parang mga kapatid ko.

21 comments:

Anonymous said...

nakaka lungkot talaga pag maghihiwaly na kayo ng matagal mo ng nakasama.. may iba pa naman paraan para may connection pa kayo eh. tulad nito.. sa cyber world.. long time no see emman.. ok naman ako.

emmanuelmateo said...

nakakamiss po kayo mga friends ko sa Blogger!!

EngrMoks said...

yaan mo darating din ang araw na magkakasama sama rin kayo...

Axl Powerhouse Network said...

sabi nga nila.. may dahilan ang paghihiwalay.. malay mo may biglang dadating na may magaling at mas pahahalagahan ka :D

Pinch of thoughts said...

hi ading! i'm ok doing fine. how bout you? enjoy the summer na lang emman. kisses!

Diamond R said...

congrats natapos din ito pero tulad nga ng mga nabangit kasabay nito ang paghihiwalayhiwalay ng mga naging closed mo na.

musingan said...

one time... back subjecty ko yun na di ko nakuha... pero offer siya nun summer.. kaya sinadja ko talaga para mabawasan ang load ko sa unit... ehehehe nakakamiss ang ganyan.. kasi panandalian lang kayo... at uper nakakamiss talaga... pero mabilisan ang mga turo eh...

so ibig sabihan ba niyan na marami ka na namang time sa pagboblog?

escape said...

naalala ko tong mga time na to. kakalungkotr nga isipin at maiiba na ang schedule ninyo ng mga naging bagong kaibigan.

Khantotantra2 said...

hello. :D

maghihiwahiwalay man kayo, it doesnt necessarily mean na hihinto na ang pagkakaibigan. The bond will remain.

Unknown said...

Napadaan lang...

Anonymous said...

huwag kang malungkot... kasi marami pang kaibigan ang dadating sa buhay mo.. bata a pa eh.. hehehe..

iya_khin said...

alam mo real good and true friends never last..kahit pa magkakahiwalay na kayo or may sarisariling mundo na....

Vhincci Subia said...
This comment has been removed by the author.
Vhincci Subia said...

musta na? pasensya na pag di naka2bisita, busy kc sa pagrereview... di na rin ako nakakaupdate ng blog... hehe! :D

World of Vhincci

Kim, USA said...

That's life is a door is closed and another door is open. As you go through your college life you meet many friends but a few will remain forever.
I am doing fine here. I am kind of busy I am thinking of going back to school again. And for me who graduated college 1985 it's something else lol!! I will for sure would set aside my blogging since the course I am taking is only for 10 months and I knew for sure this would be intense. They have a different kind of school system here and of course I also love to stay on top of the list lol!! That if I could do it. Pray for me too!! Happy weekdays!!

guimo said...

hi there bro! matagal ko ring di nabibisita blog mo. eto, nilagay ko na sa feeds ko para sigurado. hehe..

Call Center Agent said...

Masakit talaga ang paghihiwalay pero ang lahat ng itoy may dahilan.Na dapat nating malampasan upang mas lalong maging matibay pa tayo sa lahat ng hamon ng buhay.God will be our guide in every step we make.

Sey said...

Ang tunay na magkaibigan kahit san pa mapadpad, walang iwanan, walang limutan. Yung mga friends ko nung high school nag-iba iba din kami ng section pero till now friends pa din.

Kawawa naman yung teacher niyo. kayo talaga mga kalokohan niyo. Wag na ulitin yun, baka makarma

Unknown said...

hey bro, dont worry makikita mo cla ulit

Anonymous said...

Hello there, happy weekend! Don't you worry in time you'll be together again.

Kench Alegado said...

Aw nakarelate naman ako ng sobra dito.. Ako naman lumipat ng school nung 1st year college nalungkot ako ng sobra kaya bumalik ako dun sa skul namen pero too late kase napag-iwanan na nila ko. Iba na yung mga classmates ko. Nakakalungkot pa yung makkasalubong ko sila pero syempre saglit na kamustahan lang kase magkaiba nga ng sked. Kala ko hindi ko magiging kaclose mga new classmates ko tulad nung mga friends ko before pero mas naging ok at mas enjoy. Ibigsabihin si God may mas magagandang plano para satin..

Photobucket