Sa pagbangon ni anty, hindi siya mapakali. Hindi makakain. Bumulagta sa kanyang harapan ang balitang humayo raw ang asawa niya dito sa Ilocos. Naghintay siya nang naghintay hanggang sa nauwi sa wala ang kanyang pagtitiyagang paghihintay.
Nagta-trabaho sa Saudi Arabia ang kabiyak ni anty. Kada tatlong taon ang bakasyon niya. Taong 2006 siya huling umuwi sa bahay kaya sa pag-uwi niyang iyon, nadagdagan ng isa ang kanilang supling kaya tatlo na sila ngayon. Bakas ang kagalakan at kasiyahan ni anty sa kanyang asawa. Nararamdaman ko na mahal niya ang kabiyak nito. Sa taon ding iyon, nagpunta sila sa Cavite dahil doon nagmula si Uncle Bhart. Doon nakita ni anty ang pamilya at kamag-anak ng asawa. Nagkakilala sila ng husto at naging memorableng pagsasalo ang naganap. Makalipas ang limang buwan na pagbabakasyon, bumalik ulit sa Saudi ang kanyang asawa. Ayaw man niyang paalisin ang asawa subalit kailangan niyang magtrabaho para rin sa kinabukasan ng mga anak. Makalipas ang tatlong araw, bumalik na siya sa abroad at noo'y nagdadalan tao si anty sa kanilang bunsong anak. Naisilang ang anak sa buwan ng Pebrero sa taon ding iton at ngayon malaki na siya at mag-aaral na bilang kinder sa darating na pasukan. Chat at tawag lamang ang komunikasyon nilang mag asawa. Hirap mang makisabay sa oras nila dahil kapag umaga natin dito, gabi naman nila doon kaya minsan nagpupuyat si anty sa pakikipagchat sa kanya at halos kulang ang tulog niya. Sa isang text ni Uncle Bhart, nabanggit niya na may problema raw at sasabihin niya ito sa tamang panahon. Sa nabanggit niyang iyon, hindi tumigil sa katatanong si anty. Ngayong 2011, umuwi raw sa Pilipinas ang asawa subalit hindi alam ni anty na umiwu na pala siya ni hindi raw siya tumawag o nag text man lang. Noong May 5, tumawag ang kamag-anak ni Uncle at sinabing umuwi na raw siya at tinanong kung andito na sa Ilocos pero nagtaka si anty at sinabing wala siya rito sa bahay. Sabi pa nga niya, pupunta siya saglit sa sementeryo para dalawin ang namayapang ama at pagkatapos ay didiretso na siya rito sa bahay pero hanggang ngayon, wala pa. hanggang sa may nagtext na isang babae. Pinagbabawalan siyang tumawag o magtext man lang at sabi pa niya, siya ang asawa ni uncle. Siyempre umiyak si anty. Tinignan namin ang facebook account ng babae at ayon, totoo nga. May isa pa silang anak at malaki na siya. May larawan pang may ipinapatayo silang bahay doon sa Dumaguete.
Naawa kami sa sinapit ni anty. Kawawa ang mga batang naiwan. Inakala ni anty na wala siyang asawa pero mayroon pala. Ipinagkaloob lahat ni anty ang kanyang tiwala sa asawa pero siya ang sumira sa pagtitiwalang iyon. Alam ko na Diyos na lamang ang bahala sa kaniya dahil habang may taong nagdurusa, alam kong hindi rin sila masaya ngayon. Sana mapagtanto man lang niya na kailangan siya ng kanilang mga anak dahil maliliit pa sila.
9 comments:
malalagpasan rin ng anty mo to..alam ko naman na nasa kanya ang Diyos.di na ito pababayaan.
kayanin sana lahat ng Anty mo ang mga pagsubok...
Na inlove si Uncle Bart.Ang problema naamnesia siya na may pamilya siya sa pinas. Meron akong ganyan na ganyan ang ginagawa.
ang tawag ko diyan nag pauto.
Sana maayos nila ang gulong ito.at pakaiwasan ng mga may pamilya na ang gawaing ito dahil magkakaamnesia ka rin.
walang hiyang bhart na yon, nagtaksil sa auntie mo.. hndi na siya naawa sa mga anak ng auntie mo.. wala siyang hiya.. sana parasuhan siya ng diyos sa ginawa niyang pagtataksil.. sorry kong naging marahas ang comment ko, hnd ko lng mapigil..
Kadalasan mga nangyayari....
wala akong macomment sa buhay ng may buhay.. pero alam kong di madaliang hinagpis ang pagsubok na yan... PRAY
If this woman is the real wife of Bart your Aunt can't do anything but one thing that she can do is to ask the court that Bart would support his 3 kids. This may take time but if she has all the supporting papers that Bart is the father, dapat habulin niya ang dapat niyang habulin.
haaay...sad naman...
hi bro! nakakalungkot naman ito. kala ko short story. totoo pala.. :-(
siyanga pala, gusto ko sanang ilagay sa blog roll ko ang blog mo. actually nilagay ko na. sana ok lang sa'yo. lol
Post a Comment