Tuesday, July 12, 2011

Talangka Ka Ba?

Talangka Ka Ba?
ni Emmanuel Mateo


Sa aking lalamuna’y isa kang plema
Na humahadlang sa aking paghinga
Sa inggit at ganid lamang nag-ugat,
Kaya kailangan nang iubo’t idura.

Sa mapanghamong paglalakbay
Sa daang matarik ng buhay
Sa paa’y tinik na bumabaon,
Pinipigilan ang aking pag-usbong.

Ilang beses na akong inanod
Tinatangay nang pilit ng ‘yong agos
Ngunit susuungin ko ang iyong baha
Lalabanan ko hanggang sa humupa.

Haplos ng kadena’y ramdam ko
Iginapos mo ako’t ibinilanggo.
Subalit huwag kang mabahala’t mag-alala
Tiyak sa akin, papanig ang paglaya.

Hilain mo man ako pababa ng pababa
Lakas-loob na lalabanan din kita
Kahit isanla ko pa ang aking dungan,
                                                    Upang manatili ka pa rin sa pusalian
 

18 comments:

mommy-razz said...

Napaluha ako :(.. ang galing galing ng pagkagawa, ramdam na ramdam ko..

Have a nice day emman..

khantotantra said...

di ako mahilig much sa tula pero nakaka-catch ng isip yung gawa mo

Diamond R said...

GALING GALING GALING.
Kaylan kaya ako makakagawa ng mga ganyan

MG said...

uhmmmm galing ng pagkagawa ng tula, yun nga lang crab mentality pa rin yung message sa dulo. hehe.. mas mgnda sana kung yung ending eh nagtulungan na lang sila. hehe. pero astig pre ^_^

Diamond R said...

like the selection of music you have here.
disoriented sa chat box mo and having the struggle to use it.

palitan mo ng tulad ng chat box namin
para madaling gamitin.

kung oks lang sayo.

Ester said...

ang ayos ng iyong metapora. nakakahanga! mabuhay ka! hahaha

bbtoo said...

Hi there stopping by to read some new article here. Have a nice one

BRAVO!!!! very nice.

jecca said...

good.. more poems bro :))

KikomaxXx said...

cheers sa kalungkutan kaibigan...

US Immigration Journey said...

Ang galing naman ng tula mo. Really good! Sana magsulat ka pa ng maraming tula..

Arvin U. de la Peña said...

gawa ka pa ng maraming tula..bagay ito sa ibang mga politiko,hehe..

Nimmy said...

ang angas! more please :)

-Jackie- said...

nice one. xchange links?adding your blog to mine. www.jackiereese.com, www.allaboutdidi.com and www.mommylovesdidi.com. TY

Sey said...

Kamusta ka na? Ganda ng tula, gawa ka pang marami.

mathea said...

nice poem Emman! madaming talangka sa paligid hehhe..miss you!

Vhincci Subia said...

nice poem emman! :D

World of Vhincci

iya_khin said...

oi emman galaw galaw! tumula ka lang di kana nagparamdam!

Anonymous said...

MERON KA BA DYAN ALAMAT NG ALIMANGO HAHAHAHHA :3