Friday, July 01, 2011

Retirement

          Hello po sa lahay! pasensiya na kayo kung ngayon lang ako naka update sa blog ko.Miss ko kayong lahat!

          Ngayong hapon ang retirement day ng isa sa aming mga guro sa MMSU College of Teacher Education. Siya ay isang magaling na guro sa musika at magaling ding mang aawit.Sa okasyong ito, siyempre walang klase lalo't ngayon ay Biyernes at nakapapanabik umuwi sa bahay at mag compyuter at naipapahinga ko rin ang aking paa dahil masakit na. Gusto rin sana naming dumalo subalit sa mga guro lang ang okasyong iyon. Sabi nga namin may mawawala na namang isang magaling na guro dito sa ating Unibersidad. Pero okey lang din daw dahil marami pa namang magagaling na mga instructors sa paaralan namin. Ganito pala ang maging isang teacher. Kahit mahirap at maraming ginagawa, masarap din naman dahil maraming nagmamahal sa iyo at ito ay isang patunay na ang mga guro ay rinerespeto at ginagalang kaya nga saludo ako sa mga guro eh at isang taon na lang at magiging isa na akong ganap na guro. Kahit sabi nila na mahirap lang ang isang teacher oo mahirap sa mga materyal na bagay pero mayaman sila sa respeto at paggalang. Yun naman dapat ang kailangan ng isang tao diba kaya saludo ako kay teacher! kahit na may pagka pilya, nananalaytay pa rin sa kanyang mga ugat ang pagiging mapagkumbaba at mapagmahal lalo na sa kanyang mga estudyante. Kapag mahal mo kasi ang mga estudyante mo hindi ka nila makakalimutan. Noong nakaraang Teachers Day nga eh ang daming dumalo. Ang daming roses na ibinigay sa kanila dahil sa kabaitang ipinamamalas ng mga guro sa kanila.
          Kaya proud akong maging isang guro hindi dahil sa aking propesyon at hangarin na maging guro kundi ang hangarin kong maibahagi ang aking nalalaman at kaalaman para sa ikabubuti ng aking mga estudyante pagtadating ng panahon. Saludo ako sa iyo Professor Felipe!!

11 comments:

Anonymous said...

retire daw means RE-TIRE, hnd hihinto kong hnd magpapalit ng tire.. hehe!

Good luck sayo emman, magiging magaling kang guro kasi mabait ka.

Lone wolf Milch said...

kung maibabalik ko lang ang panahon na nagaaral pa ako. sana nagteacher na lang ako

kasi masarap din maging teacher

khantotantra said...

@lonewolf, ako din minsan parang gusto kong magturo at maging teacher

emmanuelmateo, nagretire man yung teacher mo pero di hihinto ang pagtuturo nia ng lesson in giving possible advice sa mga pips

Akoni said...

Isang taon nalang, hahangaan ka na naman, ngayon bilang titser na.

Diamond R said...

We shoud be greatful sa lahat ng mga guro at magiging mga guro pa. ibang klasing sakripisyo ang ginawa nila

Arvin U. de la Peña said...

masarap ang maging guro..badtrip lang kung madaming pasaway na estudyante,hehe..

chino said...

masarap maging teacher. I was asked by a friend of mine kung kumusta ako at gaano kasaya ang buhay at trabaho ko. Sabi ko ok lang....when I asked him ... Ito lang ang sagot nya.. Masaya kanina ang dami kong naituro sa mga students ko..At lahat sila nakikinig ( with a smile on his face) .... Kudos to all blogger/teacher here...

Lady Fishbone said...

wow, teacher... hindi tayo naiiba, education din kinukuha ko sa isang state univ.. masaya... kahit student pa lang, feeling ko teacher na ako,, hehe .. ambisyosa, pero ganun talaga... let's always be proud to be teacher.. :))

Unknown said...

mahirap nga ang propesyon bilang isang guro kaya kudos sa kanilang lahat!!

guimo said...

Such a heart-warming share... Good luck to your future plans.. Mahirap talaga maging guro, take it from me for I an one. Lol!

emmanuelmateo said...

Salamat po sa mga comment!!

Photobucket