Tuesday, July 05, 2011

Sa Eskuwelahan

          Sadyang kay buti ng mga guro ko sa eskuwelahan. Ang mga klase ko sa second floor ay naibaba na rin sa first floor pero sa hapon, aakyat ako sa computer lab. dahil andoon sa second floor iyon.
           Ayaw ko mang aminin sa mga guro't klasmeyts ko na nahihirapan na ako, ramdam nila ang bawat pagbuntong-hininga ko subalit pinapalakas nila ang loob ko at sabing isang hakbang nalang at magiging isang guro na ako. Gusto ko nang sumuko talaga dahil ang hirap lumakad pero gusto kong makapagtapos at patunayan sa mga tao na kaya kong mag-aral kahit ganito ako. Kapag hapon nga'y mag-isa akong kumakain ng aking tanghalian dahil lahat sila'y kumakain sa labas. Wala akong ginawang iba kundi kausapin ang sarili ko subalit minsan, may mga punto na ako'y napapaluha na lamang sa mga nangyayari. Kaakibat na siguro ng aking pagiging ganito ang pagtulo ng aking mga luha. Pero sadyang makapangyarihan ang dasal. Hiniling ko sa Diyos na sana may isa o dalawa akong kasama na kumain sa tanghalian dahil kaoag nag iisa ako'y naiisip ko lahat ng mga masasaklap na nangyari sa aking buhay. At sa paghiling kong iyon, nagkatotoo na may dalawa akong klasmeyts na nagbabaon pala at ngayo'y apat na kami kaya masaya ako kahit papaano. Naiibsan ang aking lungkot at lumbay. Minsan nga kinamumuhian ko ang sarili ko. Kahit pumunta pa ako sa mga malalayong lugar, hindi ko pa rin maitakwil ang tanda ng nakaraan. Kumukuyos lalo ang aking damdamin. 
          Sana isama niyo ako sa inyong mga dasal na sana'y makayanan kong lakarin ang mga tinik sa daanan upang ako'y magtagumpay. Dahil isinasama ko na po kayo sa aking mga dasal. Maraming salamat sa patuloy niyong pagkokomento rito. Mahal ko kayo!

11 comments:

Lone wolf Milch said...

kaya mo yan and of course we will always pray for you, so god will give you strenght

hmm ako noong sa school madalas magisa lang din naman ako kumakain paglunch

dadedidhodong said...

Kakalungkot naman ng kwento mo pero di mo dapat kamuhian ang sarili mo, lahat ay nangayayari ayun sa plano ng Panginoon, kung may mga panahon mang nag-iisa ka at malungkot wag mong isipin ang mga lumipas na, kausapin mo Siya, mag kwentohan kayo, sa ganong paraan tinitibayan mo ang pananalig mo sa Kanya, mas titignan mo ang mundo ng puno ng pag-asa at makulay na buhay.

Ngayon din ay ipagdarasal ko sa Panginoon na gabayan ka sa pang araw-araw mong gawain, bigyan ka ng lakas para malampasan ang mga pagsubok sa buhay, at naway masilaw ka sa kanyang liwanag upang ng sa ganun makita mo ang tunay na kagandahan ng buhay, pagpalain ka sana ng Panginoon "emmanuelmateo." Amen.

:]

Anonymous said...

ang babait naman ng mga klasmet mo at ang guro mo.. mabuhay silang lahat!!

more power to you emman, nalungkot ako dto sa post mo..CHEER lang lagi.

khantotantra said...

kaya mo yan. pagdarasal este iiinclude ka namin sa aming prayers.

Axl Powerhouse Network said...

sabi nga nila just aim positive and you will received it.. i know kaya mo yan ikaw pa :D

Arvin U. de la Peña said...

good luck sa pag aaral..ayos naman at may mabait kang mga guro..

Lady Fishbone said...

kaya mo yan.. balang araw magiging guro ka na, at lahat ng mga pangarap mo ay matutupad mo din... have strong faith :))

Diamond R said...

Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo.Marami kang pinapalakas at nabibigyan ng inspirasyong magsumikap.

Kaya mo yan kasa mo si God.

bbtoo said...

Thanks for droppin' by my blog. you can do it bro :-)

Pinch of thoughts said...

you're strong keep that in mind always! gave you an award to at least cheer you up ading!
check this out:'

http://thealolavie.blogspot.com/2011/07/lovely-blogs.html

kisses!

Ecko said...

wherever you are Emman, I know that you are now in His good Hands...I know that all your pains were now healed and you will never grieve again... May you rest in peace... we love you Schoolmate/Friend

Photobucket