Marami nang nangyari sa buhay ko kamakailan lamang. Gustuhin ko mang ibahagi sa inyo pero wala akong panahon para i update ang blog ko.
Noong Lunes, August 22, nagkaroon kami ng patimpalak ukol sa Buwan ng Wika. Kahit mahirap, ako ang naatasang magturo sa kanila sa Sabayang Pagbigkas na "Ako'y Wika". Namayani ang kaba at pangamba sa aking puso. Sa unang praktis namin, hindi masiyadong kaaya aya ang resulta kaya panay ang galit ko sa kanila. Noong nakaraang sabado, magtatalaga sana ako ng praktis pero hindi sila sumang ayon dahil pagod raw sila. Wala akong nagawa sa araw na iyon. Hanggang sa sumapit ang lunes, nakapraktis kami pero hindi namin natapos lahat ang piyesa. dumating ang martes hanggang biyernes; hindi pa namin natapos lahat ang piyesa. Wala kasi silang disiplina kaya nagalit na naman ako. Hindi nila inisip ang aking sitwasyon dahil akoy nagsasakripisyo para sa kanila. Kinabukasan, sabado na iyon at kami'y pumunta kung saan-saan para lang makapag praktis. Hanggang sa nakakita kami ng maayos na lugar pero wala pa ring kooperasyon. Ang boses nila, ang hihina parang wala silang ganang magpraktis. Nagalit at nainis na naman ako sa kanila. Ang choreography hindi ko pa natapos dahil rin sa kanila. Hapon na noong natapos kaming magpraktis pero itutuloy pa rin namin hanggan sa paglubog ng araw. Tinanong ko sa mga ka klasmeyt namin kung bakit ganoon sila at siya'y nagkuwento sa akin. Sabi niya, masungit raw ako masiyado at minsan pinepersonal ko raw ang pagiging pagkamasungit ko. Sabi ko, hindi naman ako ganun. Kung may nasabi man akong masama, sa kagagawan rin nila iyon at kapag wala nang praktis, nagiging normal na ang pakikitungo ko sa kanila. Dagdag pa niya. Almost of the group eh nagrereklamo na sa akin. Nagmeditate ako. Inisip ko ang mga sinabi at ginawa ko and I prayed. Kaya pala ganoon sila dahil may mga negative feedbacks na sila sa akin. Hindi ko na lang inisip ang mga iyon basta nagpatuloy na lamang kami sa pagpraktis at ayon, naging maganda ang usad. Nakita rin nila na maganda pala ang kanilang sabayang pagbigkas.
Sumapit ang August 22; iyon ang araw ng contest. Kaming lahat ay kabado dahil maraming kalahok. To cut the story, hindi kami nanalo. Maganda sana yung sa kanila pero kulang kami sa praktis. Kahit ganoon, ibinigay nila ang kanilang makakaya para maging maganda ang resulta.
Hanggang sa muli!!!
8 comments:
mga pasaway lang siguro mga klasmet mo kaya ayan tuloy hnd kau nanalo..
LOL. Better luck next time at kausapin mo yang kaklase mo. Haha
ok lng yan kahit talo kayo. learn from ur experiences.
galingan nyo next time.
hey thanks for stopping by my blog
leading the way. thats is good.Keep it up.
Sana sinabi mo na mahirap ang sitwasyon mo at kung hinde nila ibigay ang 100% na kooperasyon wala kanang magawa doon. Kung ang pagiging masungit ang dahilan nang kanilang pagiging uncooperative sayo, that is too shallow, hinde ba nila nakita ang sitwasyon mo? Sa susunod kung maging leader ka, sabihin mo sa kanila na hinde ka pwede sa mga taong ayaw mag cooperate kaagad, dahil ang sitwayon ay may limitasyon. ^_^
Eman, namimiss na kita. Hope you're okay.
Naku mahirap kayang magturo ng sabayang bigkas at hindi talaga maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan minsan pero ang mahalag, nagkasundo kayo sa dulo at ginawa niyo lahat ng inyong makakaya.
Hope to hear for more updates from you.
bawi nlang next time bro cgurado panalo na yung susunod.
Post a Comment