Sunday, June 19, 2011

Father's Day?

          Father's Day pala ngayon. Nalaman ko lang nang nagtext ang isa kong kaibigan na nagpasa ng father's day quote. Hindi ko ito ipinagdiriwang o pinapahalagahan dahil wala akong ama.
          Kay sayang masilayan ang mga taong dumaraan sa tapat ng aming bahay. Masay sila kahit pa mahirap ang buhay nila. Lubos akong nalulungkot at nangungulila. Gusto ko ring maranasan kung paano magmahal ang isang ama sa kanyang anak. Hindi ba niya ako inisip kahit minsan lang? hindi ba niya napagtanto na kailangan ko rin ang kalinga? Gusto ko siyang hanapin subalit mahina pa ang aking bagwis upang isagawa ko ang landas na iyon. Noong nabubuhay pa ang aking lolo, sa kanya ko ibinabaling ang pangungulila ng isang ama. Sa mga paghaplos niyang iyon noo'y waring nagpapahiwatig na ang pagmamahal ng isang ama ay parang ilaw na binibigyang ningning ang bawat sandali ng iyong buhay. Sa ngayon, sanay na akong walang ama. Hindi ko siya kailangan. Hindi ko man siya kinamumuhian, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang pag-uyam sa kanya, ang pagiging iresponsable niyang ama.
         Happy Father's Day na lang sa inyong ama, tatay, daddy, papa, fudraka t kung ano pa ang itinatawag ninyo sa kanya. Mahalin niyo siya gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong ina. Kahit magkamali siya, huwag ninyong kakalimutan na siya ang inyong haligi sa tahanan dahil kapag walang ama sa isang tahanan, para bang walang ikapitong langit na ating tinatamasa.

14 comments:

Anonymous said...

haist.. touched naman ako dto sa post mo..:(

ok lang yan emman, sanay ka naman na wala yon kaya cheer lang..

Be happy lang!!

emmanuelmateo said...

Salamat po mommy razz...

Nimmy said...

Awwwwwwww. Smile! :)
Happy father's day sa mga daddies.

musingan said...

muntik ako maiyakl... happy father's day...

EngrMoks said...

Wala ka mang tatay pare nandyan ang mga mahal mo sabuhay na pupuwang sa pagkukulang ng isang ama. Marami dyan may tatay nga walang namang silbi sa mga anak atasawa nila... Isipin mo na lang ginagabayan ka nya sa laht ng desisyon mo at araw araw na paglalakbay mo sa buhay.

Akoni said...

sa wakas, nasulpot din blog mo sa blog roll ko...

anyway, sorry hindi ko alam sasabihin sayo ngayon father's day...I just want you to wish all the best luck in this world, oo ganyan ako magwish english, prang spam lang..hehe...

Lone wolf Milch said...

tama yan, kasi wala tayo sa mundo na to pagwala ang tatay natin.

jhengpot said...

hi friend! gusto mo sulat ka sa reunion sa ch.11? wala lang.. sana balang araw magkita kayo :)

Diamond R said...

emman ok lang yan cheers! andito naman kaming mga kabloggers mo you can call us kuya or daddy kung ano ang gusto mo.

Lahat naman tayo my ultimate father si papa God.

Anonymous said...

nice chong... pwede ka na talaga maging tatay... hehehe

SunnyToast said...

such a sad and touching story...medyo na iyak ako dun ha:)

pero life is good pa din:)

Pinch of thoughts said...

hi ading! ok lang keri mo wala sya! keber na lang!

bbtoo said...

nakakatouch naman

Kim, USA said...

Hi Emmanuel, buti ka pa at least may pag-asa pang makita amo mo ako wala na talaga, my father passed away 21 years ago and even now I still do missed him. Marami ang pareho nang sitwasyon mo like my pamangkin's and I feel bad about it. But the best thing is that hinde mo kinamumuhian ang iyong ama at yan din ang turo ko sa mga pamangkin ko kasi hinde natin alam kung ano din ang kanilang mga dinaramdam ngayon. Kaya to bring them in your prayer is the best thing to do. You are such a good son and you gonna make good in life. God pours tremendous blessings to those who knew how to forgive. God bless!

Photobucket