Monday, February 28, 2011

Pagsubok Lamang 'Yan


           Minsan ang buhay di malaman kung nagbibiro dahil sa mga di inaasahang unos na dumarating sa ating buhay. Minsan naiisip natin na sumuko na lamang at huwag nang lumaban pa pero tayo rin ang kaawa-awa sa dulo.    
          Hindi natin mawari kung sinusubok tayo ng Diyos dahil sa mga suson-susong mga problema sa buhay. Namatayan, nawalan at nasaktan pero sa kabila ng mga nangyayari sa atin, nananatili pa rin tayong matibay, matatag at masaya dahil wala namang idudulot na maganda ito sa atin kung hindi natin isasara ang pintuan ng nakalipas. Marami nang beses na tayo ay nadapa. Paulit-ulit at halos hindi na makayanan pa pero magpasalamat pa rin tayo sa Diyos dahil ang lahat ng nangyayari sa atin ay may iniiwang ginintuang aral na nagbibigay sa atin ng ispiration para tayo'y mabuhay pa. Naiisip din natin na sana sa ating buhay, palagi na lamang tayong masaya, na hindi nakararanas ng hirap at pagod pero paano natin maaalala ang Maykapal kung hindi tayo makakaranas ng hirap at pighati? Sana rin hindi tayo nawawalan ng mahal sa buhay dahil mahirap at masakit ang mawalan. Kung maaari lang sana sa araw na sumahukay tayo'y babalik din tayo sa ating pagkabata,pero hindi. Habang tumatanda tayo'y lumalapit din ang ating katapusan. Sana din sa ating katapusan ay makamit natin ang mga mithiin, taong may ipapamana tayo kahit paano sa ating mga mahal sa buhay, pamanang magiging kasangga nila para labanan ang badya ng kahirapan. Mayroon ding mga pagkakataong sumusuko tayo at nawawalan ng pag-asa sa kadahilanang hindi natin ito kayang labanan pa pero naniniwala ako na ang mga taong nawawalan ng pag-asa ay ang mga taong walang magandang kinabukasan dahil pinaiiral nila ang kabiguan sa kanilang puso kaysa sa pagbangon sa sariling mga paa. Tayo rin lang ang gumagawa ng ating kapalaran. Ang Diyos lamang ang nagsisilbing gabay natin upang ituro tayo sa tamang landas na ating tatahakin. Kaya huwag natin isisi sa kanya kung anu mang klase ng buhay mayroon tayo ngayon. Mag pasalamat na lamang tayo dahil patuloy  pa rin tayong lumalaban dahil habang may buhay, may pag-asa ika nga. Kumayod tayo nang kumayod pasasaan ba't dadalhin din tayo ito sa tugatog ng ating mga pangarap at mithiin para sa atin pati na rin sa kapakanan ng ating pamilya at ating magiging pamilya sa kinabukasan.
          Ituring natin na lahat ng mga ito'y pagsubok lamang para tayo'y maging matatag at matapang dahil ang mga taong lumalaban ay mga taong nagiging ehemplo ng bawat nilalang sa mundo. Isipin din natin na sa bawat pagtapal natin sa pusalian ay katumbas ng pagtapak natin sa kalangitan. Magtiwala lamang tayo sa Maykapal dahil alam niya ang mas nakakabuti para sa ating lahat.

Friday, February 25, 2011

Aunt, I Salute You

From the time that I was born, you were with me
when I cry and needs some food, you carried me
and when I am sick, you are always with thee
that why I salute you and I am happy


After being a second mother in the school,
you'll become a mother of your three children
and even though you are not with your spouse
I believe that you can do it with rapturous smiles.




Thank you for the love that you are giving.
Thank you for the care and support that you are showing
I will always ask god to give you more blessing
And to keep on benevolence from other human being.

Don't anticipate those problems in life
they are just tests for us to be remain strife
because teachers are like soldiers to be trained
to be a model, and a mother to be obeyed.







Wednesday, February 23, 2011

From Philippines to Hawaii

           At the age of 6, I migrated to Hawaii. Sad as it was, I needed to. My parents and my two younger siblings lived there. And in order for our family to be completed, I needed to move. I was reluctant, I didn’t want to move. I didn’t want to leave my school, my relatives, my classmates, and especially my friends behind. I had so many things and people left behind in Bacarra. I remember crying on the day I left Bacarra. I cried until we got to Manila. I remember hanging onto my Aunt’s hand, begging her to let me stay with her. My grandma and grandpa carried me away and we bid our farewells. When I got on the plane, I still sobbed. Until the plane took off, I stopped crying. Why? I was fascinated with the take-off. As soon as the pilot announced our take-off in the intercom, I felt butterflies in my stomach. My stomach flipped upside down! It felt like a roller coaster ride. I looked out the window, we were flying up in the sky! After 11 hours of a grueling, vomit-filled plane ride, we finally arrived in what they called the “paradise”, Honolulu, Hawaii. We stepped out, there were so many cars, so many people, and so many luggage! Then suddenly, both my grandparents rushed to this lady and man. Then soon, this man and lady hugged me real tight. I guessed they were my mom and dad. Then I saw a little girl, about 4 years old and another girl in the arms of another lady, a year old. I guess they were my siblings. I still felt awkward around them, and I felt shy. Being the 6 year old that I was, the only English word I understood and spoke was “yes” or “no.” I couldn’t communicate with my cousins nor my siblings, even if I wanted to.
            I remember my first day of school, I felt like crying. Everyone seemed scary, I didn’t talk to anyone. After that first day, I didn’t want to go back at all! I missed home every single day, I remember crying every single night, begging my grandma to take me home. I wanted to go back to Bacarra real bad. Then soon enough, I made some friends. They didn’t make fun of me and my broken English. I was glad that I was put in an English as A Second Language program. I owe a lot to that program, without it, I wouldn’t be speaking as fluently as I am right now. As years passed, the more accustomed I got to the American culture and the Hawaii culture. As years flew by, the more comfortable I got with the English Language and school. I soon made friends, friends that I treasure now.
             It took me about a year to get used to my new environment. Took me a good 2 years to comprehend and speak English fluently and gain my confidence with my speaking abilities.
I’ve been living here in Hawaii for 11 years now, more than I have lived in the Philippines. I now consider this state as my home. But Philippines will always be my homeland. =]
   This story was emailed to me by my friend in Hawaii. 

Monday, February 21, 2011

Trust is our Weapon

          Pasensiya po sa inyo kung hindi ako nakakadalaw sa mga blog niyo kapag Saturday at Sunday, ginagamit kasi ng anty ko ito kapag weekends at ako'y nakikigamit lang but anyway, I'm back again.

 


As I walked through the journey of my life,
I surpassed those struggles with strife
I crossed the deep narrow oceans behind
And leaved them with lessons in my mind

Sometimes, we cant realize that all things work for our good
That no matter how hard that trial, we should not refuse
Because He will carry you when you cant carry on
Just believe in yourself and you'll never be alone.

Trials are not the reason for you to be sad,
trials are not the reason for you to lose hope
and trials are not the reason for you to give up
but to motivate and to fight to keep it up.

Life is not unfair because this is a gift
never put it down but you must lift
because life is the product of trust and belief
that you must manage and you are the chief

Do not ask why this things are done to you
Do not ask questions why challenges are always with you
but to thank the Almighty that he gave you another chance
to continue your battle for one more chance.


















Friday, February 18, 2011

Ikaw lang ang Mamahalin

               Minsan, naisip ko na parang walang tao na nakalaan para sa akin. Kung saan-saan ko hinanap ang love pero parang kay saklap ang aking kapalaran pagdating sa pagmamahal.
               Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa dahil sa iniwang bakas ng aking pinakamamahal. Ang puso ko'y puno ng pighati't kalungkutan. Sinubukan kong ibinaling sa iba ang aking pangungulila sa kanya pero hindi ko lubos na magawa sapagkat nakakubli pa rin ang pagmamahal ko sa kanya sa kabila ng lahat. Sa sambit niya noon, hihintayin daw ako hanggang makapagtapos ako sa Kolehiyo at kami'y magsasama. Sa matagal ring panahon na naging kami, siguro masasabi ko na mahal na rin niya ako. Nakilala ko siya noong nasa High School pa ako, 3rd year ako noon at naging kami lang noong 4th year na kami hanggang ngayon pero noong nakaraang September 2010, naging malamig na ang aming pagsasama. Hindi na siya nagparamdam maski sa text man lang. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon pero ang pagkakaalam ko ay nasa Maynila siya upang magtrabaho at makapag-ipon. Dahil sa ganoong pangyayari, hindi ako nagdalawang isip na tawagan ang kanyang number pero sa kasawiang palad, ang kapatid naman niyang lalake ang nakasagot sa aking tawag. maski daw sila ay walang balita tungkol sa kanya. Walang oras na hindi ko siya inaalala. Pinapanalangin ko na isang araw ay surpresahin niya ako sa bahay namin. Halos tinawag ko na lahat ng mga Santo at mga disipulo ng Panginoon para lamang maalam kung ano na ang nangyari sa kanya ni wala nang luha na pumapatak sa aking mga palad dahil sa kahahagulgol sa kanyang paglisan. Gusto ko lang naman iparamdam sa kanya na hindi ko siya makalimutan sa puso't isipan ko. mabuti na lamang at andiyan yung kapatid niya, na kaboses niya mismo at sa kanya ko ibinabaling ang aking pangungulila. Iniisip ko na lamang na kahit papaano'y nakakausap ko siya doon ay masaya na ako pero iba pa rin ang pakiramdam kapag siya mismo iyon. Ngayon, sinusubukan ko na siyang kalimutan pero imbes na makalimutan ko siya, naaalala ko siya saan man ako tangayin ng hangin. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanyang mga ibinigkas pero parang nawawalan na ako ng pag-asa. Nalulungkot na ako parati. Hindi ko maitanggi na siya pa rin at wala ng iba ang laman ng puso ko.
               Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na babalik siya dahil wala na akong alam na isipin kundi siya at nangangarap na sa pagdilat ng aking mga mata'y siya ang una kong matutunghayan. Malayo man siya sa akin, mamahalin ko pa rin siya. Alam ko na may plano pa ang Diyos para sa aming dalawa.

Photobucket