Wednesday, August 31, 2011

August, puno ng disgust

          Ngayon na pala ang huling araw ng Agosto. Parang kailan lang ay nasa bahay palang ako, nakahiga at nagpapahinga dulot ng aking malalang sakit.
          Habang papalayo ako sa luma kong buhay ay papalit naman ang mga bagong pagsubok na aking kinakaharap. Gustuhin ko mang sumuko pero hindi pwede dahil may gusto akong patunayan sa mga tao. Ngayong Agosto, ang daming nangyari sa eskuwelahan at maging sa akin. May mga bagay na hindi ko nagustuhan, mga bagay na nagdulot sa akin ng sama ng loob at pagkukunwaring masaya. Nahahabag ako sa aking sarili dahil sa mga nangyaring iyon sa akin. Hindi man makita ng mga kaibigan at mga klasmeyt ko ang nangyayari sa aking buhay, ramdam nilang nahihirapan na ako pero sabi ko sa kanila, hindi ako dapat sumuko sa anu mang laban. Minsan pa nga gusto kong humikbi pero pinipilit kong kinikimkim sa puso't isipan ko para lang hindi nila mapansin na hindi ko na pala kinakaya ang aking sitwasyon. Akala nga ng ibang tao eh kaya kong mag-isa. Na kaya kong buhatin ang dalawa kong paa sa mapanghamong landas na aking tinatahak bilang isang studyante. Alam ko namang may Diyos na gumagabay sa akin na kahit anong mangyari'y hindi niya ako iiwanan. Tanggap ko naman ang aking kapalaran pero nandito pa rin sa aking puso ang pagkasambit na parang wala na akong silbi. Sana kunin na ng ating Maykapal ang aking dungan patungong sulad para mawakasan na ang mga gulo at mga pagsubok na ito sa aking buhay. Kaya ko pa kayang magpatuloy upang makamit ang aking mga minimithi? Kaya ko pa kayang makawala sa tanikalang naigapos sa aking mga kamay? Kaya ko pa kayang maglakad at magpatuloy sa mapusok na daanan?
          Kaakibat na ng aking pagdurusa ang pagluha dahil sa bawat araw na dumarating sa aking buha'y nandon pa rin ang kirot sa aking puso pero ako'y lalaban sa anumang unos na aking haharapin.

14 comments:

ash_32792@yahoo.com said...

you can do it..just go on with the flow. . .

emmanuelmateo said...

thanks ash!!

agustindhemie@yahoo.com said...

pasasaan bat makakarating ka rin sa paroroonan mo..

khantotantra said...

nahihirapan ka man ngayon, pero darating din ang araw na mamaniin mo na ang problemang pinapasan.

just move forward and lift your head high :D

Diamond R said...

Ipakita mo sa buong mundo wlang makakahadlang sa anumang gustuhin mo.

ang tibay ng puso at paniniwala sa iyong kakayanan ang merong kang wala ang iba.

Anonymous said...

go lang ng go emmanuel...

bbtoo said...

Hi there!!! Thanks for the visit to my blog. Visiting you back. Have a nice day

Just pray, you'll be ok! god bless

Kim, USA said...

Lahat tayo may kapansanan man o wala ay may mga pag-subok sa buhay. Don't forget to say your thanks to God kahit mahirap ang buhay. ^_^

Picstory

Sey said...

Tama, wag kang susuko. Habang may buhay may pag-asa at pagdating ng panahon tatawanan mo na lang lahat ng hirap na naranasan mo.

KAYA MO YAN! Ingat ka, wag susuko. Okay

emmanuelmateo said...

thanks po sa lahat ng nagcomment. mahal ko kayo!

khit panu eh my heart was lifted up.

Mel Avila Alarilla said...

Hindi ko alam kung ano ang naging kabigatan mo. Pero ano man yun ay ipasa mo sa Panginoon dahil Siya ay nagmamahal sa iyo. Tinubos na Niya ang lahat nang kabigatan mo. Hayaan mong Siya ang pumasan nuon para sa iyo. Nothing is impossible with God kailangan mo lamanmg nang marubdub na pananalig sa Kanya. Thanks for the post. God bless you always.

Lady Fishbone said...

kayang- kaya yan bro.... just have faith :))

Arvin U. de la Peña said...

magpakatatag ka lang..kaya mo iyan..mas masuwerte ka pa nga siguro kumpara sa ibang tao..

escape said...

kayang kaya yan. ika nga nila habang may buhay may pag-asa.

Photobucket