Monday, June 13, 2011

First Semester Na..

            Ngayon ang ika-dalawang linggo ng aming first semester. Ngayon pa lamang, suko na ako hindi dahil sa nahihirapan ako sa mga suheto kundi ang pag-akyat baba ko sa 
bawat kuwarto na aming pupuntahan.
          Gustuhin ko mang makipagpalit ng silid hindi ko ito magawa dahil hindi ko makausap ang aming punong registrar dahil marami ang kanyang ginagawa at marami pa ang mga conflicting rooms. Nagdesisyon na lang akong akuhin ang pagsubok. Hindi man bakas sa aking mukha ang pag-aalinlangan na baka ako'y madulas, ramdam ko naman sa sarili ko ang takot at pangamba na baka may mangyaring hindi maganda sa akin. Sa Lunes, Miyerkules at Biyernes kase, ang hirap ng schedule. Una, aakyat ako sa room 202 pagkatapos 205 at bababa na naman sa room 101 at sa hapon, aakyat na naman sa Math room tsaka aakyat na naman sa Computer room. Napakahirap talaga ang ganitong sitwasyon. Hindi pa ako nakauwi'y pagod na pagod na ako at kailangan ko nang magpahinga sa bahay. At sa Martes at Huwebes naman, sa second floor na naman kami magka-klase pero okey na rin dahil once lang akong aakyat. Kung hindi lang sana importante na mag-aral pa, matagal na akong sumuko pero ayuko eh, ako ang inaasahan ng aking pamilya. Gusto ko silang iahon kahit paano. Kahit nahihirapan na ako sa eskuwelahan, iniisip ko ang aking pamilya dahil doon ako humuhugot ng lakas ng loob para harapin ang mga nakatambak na pagsubok para sa akin. Nahihiya ako sa mga kapwa ko mag-aaral lalo na ngayon at marami kami. Kapag dumadaan ako, ramdam ko na tinitignan nila ako na para bang gustong tanungin kong napano ako. Hindi ko na lamang sila pinapansin bagkus tinutuloy ko na lamang ang aking paglakad dahil sabi sa bibliya, "walk by faith, not by sight".
          Alam ko na marami pang pagsubok ang dadaan pa sa buhay ko bilang isang mag-aaral pero hindi ako susuko kahit ano mang mangyari dahil alam ko na may Diyos na gumagabay sa akin at kayo. Kayo na kakasama ko sa aking paglalakbay.

13 comments:

SunnyToast said...

Goodluck sa new sem...hay ka miss ang school ang buhay studynte:)

dadedidhodong said...

Kung alam ko lang na ganyan pala ang college. Hahaha.

Nabasa mo na ba ang librong "ANG BUHAY NA HINDI BITIN?"

khantotantra said...

isipin mo na lang na parang exercise sa body ang pag-akyat baba. Enjoyin mo na lang ang pag-aaral at be happy and have fun with your friends. tc! :D

musingan said...

miss ko tuloy ang pumasok... hmmm.. mag aral kaya ako? tingin mo?

Anonymous said...

oi chong huwag mong hintaying may mangyari sa iyo... kasi may isang sudent din na katulad ng sa case mo dati sa school... alam mo bang yung teacher at classmates niya ang kusang naghanap ng room para sa kanya... kaya isulong mo yan...

Kim, USA said...

Naku ang dali nang panahon. Before we are talking about Summer class ngayon 1st semester na. And what Kikimaxx had said, ask help and go to student council that they may have some rooms that you can use na nasa ground floor lang. I know they will gladly help you with this. Happy week days!

Anonymous said...

na touched na naman ako sayo emman... kaya mo yan.. anyway pag hnd na busy ang registrar kausapin mo para sa 1st floor ma trnsfer lahat ng mga subject mo.. sana..

musingan said...

paki update na lang po pala ung blog ko sa blogroll.. www.musingan.com yun eh kung added po ako.. ehehehe... if not oks lang din po...

Diamond R said...

try mong itanong sa registrar kong may ibang room na nasa baba.walang maweawala kong mag try ka alam kong pagbibigyan ka nila kung meron.Wag kang sumoko sa pag try.

at lalong wag kang susuko kahit mahirap man kasi malalampasan mo ito ng maayos. Kaya mo yan.

Diamond R said...

update mo rin pala ako dahil www.oneacreofdiamond.com na ako

Roy said...

good luck for the next semester.

do your studies first before everything sometimes hihi

wish you best!

Unknown said...

alam ko strong ka bro, tuloy lang!

Lady Fishbone said...

wow, first sem.. bilis ng araw talaga... parang kailan lang first day, ngayon dalawang linggo na..

enjoy.. :))

go go go.

Photobucket