Tuesday, April 19, 2011

Paggunita sa Kanyang Paghihirap

          Sa linggong ito, isasagawa natin ang paggunita sa paghihirap ni Kristo at ito ay tinatawag nating Semana Santa. Hindi natin ito pwedeng kalimutan dahil dakila ang kanyang ginawa para sa atin.
          May kanta na "Buhay niya'y kanyang isinuko, inialay para sa iyo. Dugo at pawis niya'y umagos para kasalanan mo ay matubos". Huwaran ang pagmamahal ng Diyos sa atin kahit na minsan naiisip natin na hindi siya nandiyan para tulungan tayo sa mga problemang kinakaharap natin sa buhay subalit nandiyan siya palagi at hindi niya tayo maaaring iwan at pabayaan dahil tayo'y kanyang mga anak na hindi pwedeng talikuran. Sa lahat ng mga dumaang problema natin sa buhay, wala ito kung ikukumpara natin sa pinagdaanan ni Kristo sa mga kamay ng mga malulupit na tao. Pinahirapan, linatigo, pinasan niya ang mabigat na krus, ipinako at namatay upang mahugasan lahat ng ating mga kasalanan. Kahanga-hanga ang pag-ibig ni Hesus sa atin dahil pati buhay niya'y kanyang isinuko. Kaya wala tayong karapatan na tanungin sa kanya kung bakit suson-suson ang mga unos na dumarating sa ating buhay minsan. Imbes na magreklamo, magpasalamat na lamang tayo dahil sa kanyang pamamaraan, tayoy kanyang pinatatatag upang subukin tayo kung kaya ba nating lagpasan ang mga hamon niya. Kapag pumanaw na tayo sa mundong ito, huwag tayong mabahala dahil sabi ni Hesus noon bago siya sumalangit, " I'll go and prepare a place for you, and If Ill go and prepare a place for you, you will receive an everlasting life with me and with my Father". Kaya huwag tayong mabahala at mawawalan ng pag-asa dahil ito'y pangako niya at ito'y nakasulat sa Bibliya. Ang bibliya ay hindi maaaring magsinungaling dahil itoy naisulat para sa ating kaalaman na may Diyos na nagmamahal sa atin.
       Huwag sana nating balewalain ang paghihirap na dinanas niya sa kamay ng mga Hudyo. Magpasalamat tayo sa kanyang pagsasakripisyo dahil siya ang nagtubos sa ating mga pagkukulang.

19 comments:

Unknown said...

God is our refuge and strength. Thank you God for ur sacrifices.

Unknown said...

Dapat lang na hindi natin kalimutan ang paghihirap ni Hesus.. Mahal niya tayo kaya niya ginawa iyon.

ash_32791 said...

Salamat o Diyos ko sa iyong ginawa para sa amin. Amen

khantotantra said...

panahon na ng holy week, panahon para magnilay-nilay.

thanks for dropping by pala sa aking post :D

Anonymous said...

sorry eman hindi ako maka comment dyan sa post mo.. anyway, magandang araw sayo jan..:)

EngrMoks said...

Have a blessed holy week parekoy!!!

ArJee said...

The Greatest manifestation of God's Love was our redemption through his Owm Son...

Have a blessed Holy week

Anonymous said...

A blessed Holy Week emman...

Tnx Jesus sa lahat...

We love you!

Diamond R said...

Thank you lord.

musingan said...

em: hindi man ako makarelate masyado.. pero ang masasabi ko lang... bat ang tagal mong nawala?

Unknown said...

lets pray for Jesus ^_^ oras na para magpasalamat sa mga sacrifice nya,,

TAMBAY said...

ang semana santa ang paggunita natin sa paghihirap ni Jesus para sa ating mga kasalanan..

Hindi lang sana ngayonng panahong ito tayo magnilay, sa araw araw na tayoy nabubuhay, ating dalahin sa ating puso ang kanyang pagmamahal..

magandang araw sayo

Sean said...

have a blessed week emman

Rap said...

bumalik ka uli... tagal ah....

ngaung lenten season, uso ang pag reflect sa buhay buhay... ^^

Sey said...

it's lenten season and I've seen many devotees doing their shares of sacrifices. Naisip ko gingawa ba nila ito kahit hindi holy week. Sana naman kasi mahirap at masakit ang katotohanan na maraming tao ang nagninilay at nagsasakripisyo tuwing holy week pero after that balik sa bisyo. Sana lahat ng pagkakasala ay pagsisihan tapos huwag ng balikan. Sakin kasi ano ang silbi ng pagsisisi kung gagawin mo lang ulit and kasalanan na yon.

this is a wake up call and thanks for sharing it.

Kim, USA said...

To be grateful is to be humble. Who are we not be able to say Thank you Lord for saving me!! And forgiving me over and over again!!
We have to put this week as special for our self, our soul and for our family to reflect the life of Jesus who lay down HIS life for us!!

Unknown said...

have a blessed holy week bro..

Arvin U. de la Peña said...

Tinubos ng diyos ang ating mga kasalanan.....sana huwag na natin pang dagdagan ang ating mga kasalanan..

bbtoo said...

watching the video kakaiyak dahil sa ating mga kasalan at kasakiman pinaparusahan siya. How sad

Photobucket