Thursday, April 07, 2011

Nang Minsan Ako'y Nabigo

           Hello mga kaibigan ko sa blogger, sorry for not visiting you this past days because I was busy with my summer class and I don't have time to visit and post a new one here. Ill try to get in touch with you as long as I can. Here is my new post. I posted this because of my classmate whom I had a feeling for him,hahah! The worse is that I am sited next to him. here is the drama haha..


Mali ang mahalin ka pero ginusto ko
Mali ang isipin ka pero ginawa ko
Mali ang umasa sayo pero naging manhid ako
Subalit kahit nagkaganito, alam ko na ikaw ang tama sa buhay ko

Sana nalaman mo na inibig kita ng totoo
Sana alam mo na nagsakripisyo ako para sayo
Sana hindi ka nagbulag-bulagan sa mga nakita mo
na pag-ibig at pagmamahal ang ipinaparamdam ko

Iiwas na lang ako dahil may mahal ka na
Lalayo ako dahil ako'y nasasaktan na
Gusto kitang ipaglaban pero alam kong ako'y talo na
Pipiliin ko na lang sumuko at ako'y magpapaubaya

Pilit kitang kinakalimutan pero lalong lumalala
Ang pag-ibig ko sa iyo na tila wala nang pag-asa
Gustuhin ko mang buksan ang puso ko sa iba
Nananatili ka pa ring bilanggo at nag-iisa

Ibabaon ko na lamang sa limot ang pagmamahal ko
Handa kong kalimutan na minsa'y umibig ako sa iyo
wala namang pahahantungan kong itutuloy ko pa ito
dahil pighati't kalungkutan lang ang mararanasan ko.














16 comments:

Diamond R said...

May pagtingin. Ok lang yan just have fun sa mga ginagawa mo.How's the school. I'm looking forward sa mga kwento about this.God Bless

Anonymous said...

ang ganda ng tula kaya lang malungkot, nong kabataan ko napagdaanan ko yan.. hehe!

Akoni said...

Kung masakit na, stop it!
anyway, maganda at masakit ang tula mo...hehe

Unknown said...

Inlab ka nga.. hehehehe.. all i can say is malungkot ang magmahal lalo na pag di ka mahal ng taong yun o ini ignore ka niya.. pero ganun talaga ang buhay my friend.

Mr. G said...

inspirasyon sa pag-aaral yan...hehe

khantotantra said...

ok lang yan. dumadaan naman halos lahat sa ganyan. ang mahal mo may mahal ng iba.

ang mahalaga, natuto kang magbahal, at alam mo na marunong tumibok ang puso.

Anonymous said...

bow ang ganda :)

Vhincci Subia said...

Nice! Mas maganda cguro pag Ilocano... hehe!

New post @ World of Vhincci

ArJee said...

the other side of love nga naman..

Sey said...

Tama si Akoni, kung masakit tama na. Pero da best ang tula, ramdam ko nga eh! hehehe.

LON said...

NAKS. INLAB.

Raft3r said...

darating at darating din yan...

Arvin U. de la Peña said...

magaling..maganda ang pagkakasulat..

Arvin U. de la Peña said...

parte na ang kabiguan sa buhay pag ibig..

Kim, USA said...

Ay naku inlab ka. Pero I can't tell na yan na yan talaga. Base sa mga experienced ko (char) hinde pa yan ang totoo peks man, lol!! Pero hayaan mo ang pusong naglalagablab, ika nga enjoyin mo ang moment, kasi yan ang tulay sa tamang desisyon mo sa buhay in the years to come.
Ps. okey lang di ka maka dalaw sa blog ko alam ko ang summer classes talagang madalian. Buti nalang nong kapanahonan ko wala pa tong internet kundi bagsak ako palagi hehehe.

Manang Kim

Pinch of thoughts said...

hmmm inlababo si ading...

Photobucket