Friday, October 28, 2011

Saranggola Blog Contest

          Ako ho'y humihingi ng tulong sa inyo mga ka-blogger. Sumali po ako sa Saranggola Blog Awards ngayon at first time ko pong sumali. Sana po tulungan niyo ako. Kahit na hindi po ako manalo sa patimpalak, malugod ko itong tatanggapin basta kailangan ko suporta ninyo! hanggang sa muli po!
 Iyan po ang link. Hanggang sa muli po Maam/ Sir.

Monday, October 03, 2011

Di na Masilip ang Bukas


               Hindi man maramdaman ni Aling Rina ang sakit na iniinda ng kanyang anak, batid niya na nahihirapan siya sa kanyang hika na may kasamang lagnat.  Nahahabag na rin siya sa anak dahil hindi man lang siya makalaro sa labas ng bahay nila kasama ang mga kalaro’t kaibigan niya. Si Claire ay larawan ng isang batang magaling maski sa eskuwelahan at maging sa indakan ay hindi siya pahuhuli subalit noong umatake na naman ang kanyang hika’y hindi na siya gaanong nagiging aktibo.
            “Anak, pasensiya ka na hah, hindi ko pa nabibili yaong laruan na sinasambit mo dahil pinag-iipunan ko pa ang gamot mo para sa iyong hika!.”
            “Okay lang po iyon ‘nay kaso gusto ko nang pumunta sa eskuwelahan dahil marami na akong liban sa klase, baka mabababa na naman ang mga grades ko”. Pabuntong-hiningang sabi ni Claire.
            “Hayaan mo anak, bukas bibili na ako ng gamot mo dahil nakapag-ipon na ako ng sapat na pera para sa hika mo!. Oh heto, uminom ka na ng gamot para sa lagnat upang tuluyan nang mawala ito at bumaba ang iyong temperatura.”
            Kinaumagahan ay nagpunta si Aling Rina sa bahay ng kanyang amo upang maglaba at mamalantsa. Kahit pagod na pagod na ito’y pumunta pa rin siya upang magtrabaho dahil may Santo Kristo sa dibdib si Aling Rina at handa siyang magsakripisyo para sa anak. Habang naglalaba’y kausap niya ang kasama niyang namamasukan din sa mayamang bahay ng mga Olaivar.
            “Haaay!!. ang sakit na nang likod ko!. Parang mababali na yata ang mga buto ko dahil sa kakakuskos ng mga labahan!” ani ni Aling Evy.
            “Naku Evy(habang inililigpit ang mga naplantsang damit), huwag mo nang problemahin ang bawat kayod na iyong ipinamamalas. Ang isipin mo na lamang ay para ito sa iyong pamilya, para sa mga anak mo.”
            “Oo, lagi ko naman yan iniisip pero hindi mo pa rin maalis sa isipan mo na problemahin ang mga bagay na ito lalo na’t mahirap lang tayo. Kung nakapagtapos lang sana ako ng kolehiyo hmmm.” sabi ni Aling Evy
            “Ako nga eh, hindi ko pa natapos ang elementarya dahil din sa kahirapan sa buhay pero masaya ako, kami ng anak ko.” Malungkot pero nagmamalaking sabi ni Aling Rina
            Dumating ang hapon, ibinigay na ng kanilang amo ang bayad sa pamamalantsa at paglalaba. Nasiyahan silang dalawa at parang nawalan sila ng pagod at napawi ang kanilang sigla.
            “Salamat naman at tapos na natin, makakauwi tayo ng maaga ngayon Manang Rina!.
            “Wen Evy, mabuti at maaga tayo ngayon. Sige Evy hah, may bibilhin pa kasi akong gamot para sa anak ko, magkita na lamang tayo bukas!.”
            Umuwi na ang dalawa bitbit ang mga perang ibinigay ng kanilang amo pero bago umuwi’y naisipan ni Aling Rina na dumiretso muna sa drug store malapit sa kanilang bahay.
            “Oh anak, nandito na ako, kamusta ang pakiramdam mo?”
            (Nagmano sa Ina)  Medyo okay na po, bumaba na kahit paano ang aking lagnat ‘Nay.”
            “Mabuti kung ganoon anak, oh siya inumin mo na ang sinukat kong gamot mo para sa iyong hika at heto pa, gamot mo para sa lagnat upang tuluyan nang mawala ang lagnat mo.”
            “Opo, Inay salamat po sa inyo!” (sabay yakap sa Inang pagod na pagod na)
           Nang makaramdam na si Claire ng kaginhawaan, naghugas na siya ng kanyang kamay upang sila’y kumain at sa kusina, sinabi niya sa Ina na gusto na niyang pumasok sa eskuwelahan bukas kung maaari lang.
            “Si..sigurado ka na ba anak na maayos na ang pakiramdam mo?(habang kinukuha ang pagkain)
            “Oo naman ‘nay. Salamat po ah dahil sa inyo’y gumaling na ako” (masayang sabi ni Claire sa Ina)
            “Walang anuman iyon anak. Hindi naman kita maaaring pabayaan. Wala nang iba pang magkakalinga kundi ako. Kung hindi pa sana pumanaw ang iyong ama’y dalawa kaming mag-aalaga sa inyo’ (malungkot na sabi ni Aling Rina)
            Oo nga po Inay, miss na miss ko na si Itay. Ay oo nga pala Inay yung laruang sinasabi ko sa inyo. Baka mayroon nang makakabili non!. Kung bibilhin niyo iyon, gagalingan ko pa sa klase namin, sige na po Inay!.
            “Pero anak, wala pa akong pera sa ngayon”
            “Sige po ‘nay huwag na lang po”
            Sa pagsasabi niyang iyon ay bumagal siyang kumain pero lumapit si Aling Rina at niyakap ang anak.
            “Huwag ka nang malungkot. Wala naman akong sinabi na hindi ako bibili ng laruang iyon pero ipinapangako ko anak, kapag may pera na ako, bibilhin ko iyon, okay ba ‘yon anak?”
            “Opo Inay!”
            Kinaumagahan ay magaling na si Claire dahil sa pagkakalinga ng kanyang Ina. Nagtungo na siya sa eskuwelahan at si Aling Rina ay naiwan muna sa bahay at pagkatapos ay pumunta na siya sa bahay ng mga Olaivar upang magtrabaho. Pagpasok pa lamang ni Claire sa silid ng Ika-Limang Baitang, natuwa ang ilan sa kaniyang pagbabalik pero ang mga mayayaman niyang kaklase’y tumawa.
            Laging tinutukso si Claire ng mga kamag-aral na sina Jessa, Erika, Jemma at Ana dahil hindi raw ito nagpapalit ng damit. May kapangyarihan ang mga batang ito kaya nagagawa nila ang kanilang gusto. Pati baon ni Claire sa tanghalian ay pinapakialaman nila. Lingid sa kaalaman niya na siya ang pinag-uusapan at minsa’y pinagtatawanan ngunit hindi niya ito pinapansin.
            “Mga frends..(sabi ni Jessa sa mga kapwa mag-aaral). Alam niyo, mayroon na naman akong bagong laruan, binili ng papa ko mula pa sa London!, ang ganda.!”
            “Talaga? patingin nga (sabay kita sa bago niyang laruan) Ay oo nga, ang ganda naman! sana may ganyang din akong laruan.
            “Asa ka pa! ang mahal kaya nito noh! oh tignan niyo pero huwag niyong hahawakan ha, baka masira.”
            Sa pagsasabi niyang iyon, tinignan lahat ng mga kamag-aral ni Claire kung anong laruan iyon pero hindi niya ito tinignan dahil maiinggit lamang siya ‘pag tinignan niya iyon. Hanggang sa napansin ni Erika na si Claire ay nakaupo lang sa dulo ng silid nila.
            “Tignan niyo si Claire oh ( sabi ni Erika at tumingin lahat) mag-isa lang siya nakaupo!”
            “Baka hinihika na naman yan (sabay tawa ng ilan sa kanila)
            “O kaya naman, naiinggit siya sa laruan ko kaya ganyan siya” Sabi ng kamag-aral niyang si Jessa.
            Gustong umiyak ni Claire sa pagkakataong iyon subalit baka sabihin nilang mahina siya kaya nag-isip siya kung papaano siya mapapalapit sa mga mayayaman niyang kamag-aral.
            “Mmm.. may sinat pa kasi ako eh kaya hindi ako makagalaw-galaw pero nagkakamali kayong naiinggit ako sa laruang iyan!”. Sabi ni Claire
            “Talaga? ni wala ka ngang isang laruan eh (sabay tawa ng mapanghamak niyang kamag-aral)
            “Marami kaya akong laruan sa bahay! hindi lang iisa kundi isan-daang laruan!
            “Kung marami kang laruan, sige nga ipakita mo lahat ang mga iyon? Kung ipapakita mo, magiging close friends tayo!”
            “Sige ba, dadalhin ko iyon minsan at ipahihiram ko sa inyo ang mga iyon.”
            Simula noon, hindi na sila tumigil sa katatanong kay Claire ang mga sinabi niyang laruan. lalong naging malapit ang mga mayayamang kamag-aral ni Claire sa kanya. Hindi na nila ito tinutukso at hinahamak dahil sa mga tinuran ng bata sa kanila. Kinaumagahan, maaga na naming pumunta si Claire sa eskuwelahan.
            “Oh Claire, nasaan na ang laruang sinasabi mo sa amin?. Hindi ko na mahintay na tignan iyon!” Sambit ng kanyang kamag-aral.
            “Ahh.. sabi kasi ni Inay na huwag ko raw ito dalhin sa eskuwelahan baka masira. Gusto kong ipakita sa inyo pero si Inay ang ayaw eh.” Malungkot na sabi ni Claire at umalis sa kinaroroonan ng mga kaibigan.
            “Nagsisinungaling lang yata si Claire sa atin.” Pabulong na sabi ni Jessa sa mga kasama.
            “Hah? paano mo naman nasabi iyan?”
            ‘‘Kasi kung mayroon talaga, ipapakita niya agad ito sa atin. Kailangan nating alamin kung totoo talaga ang mga sinasabi niya o hindi”.
            “Eh.. anong binabalak mo?
            “Kailangan nating sundan si Claire sa bahay nila pagkatapos ng klase natin pero huwag kayong papahalata hah!”.
            Nagtungo nga ang mga makukulit na bata sa bahay nina Claire at doo’y nagkubli sila sa malaking yero para hindi sila makita. Nagkataong hindi pa umuwi si Aling Rina sa hapong iyon kaya nang lumabas si Claire sa bahay nila, pumunta sila sa loob ng bahay at nagmasid. Naghanap  nang naghanap ng mga laruan subalit wala silang nakita hanggang sa may napansin si Jessa na isang karton na nakatago sa ilalim ng kama nila. Binuksan nila ito at laking gulat sa nakita. Ang mga laruang iyon ay sira-sira na at hindi na pwedeng magamit pa at napagtanto nilang iyon ang mga sinasabi ni Claire na laruan dahil isang-daan din ang bilang nito. Nakita naman ni Ana na papalapit na si Claire kaya nagpasiya silang lumisan sa kinaroroonan at umuwi na lamang. Nang pumasok na siya sa bahay, sumunod naming dumating ang kanyang Ina.
            “Oh anak! Nandito na ako (darating si Calire upang mag-mano), kamusta ang pag-aaral mo?
            “Okay naman po Inay. Nagkaroon kami ng pagsusulit kanina at bukas ay may pagsusulit na naman ‘nay!”
            “Ganon ba anak! Eh marami ka bang nakuha sa pagsusulit na iyon?” Tinuran ng kanyang Ina.
            “Oo naman po, kaya lang hindi ako ang nag top score!. Nahirapan po kasi ako.
            “Tama lang iyon anak hindi ka naman naging kulelat di ba (tumawa ang Ina). Basta kapag gagalingan mo pa ang pagsusulit bukas, bibilhin ko na ang laruang sinasabi mo!” Masayang sabi ng Ina.
            “Talaga Inay? Naku, pangako Inay gagalingan ko bukas, hindi ko kayo bibiguin (sabay yakap sa Ina.)
            Maaga na naming pumasok sa paaralan si Claire dala ang masayang bugso ng kanyang damdamin at nang natapos na ang pagsusulit, nakuha ni Claire ang pinakamataas na marka sa pagsusulit na iyon at nang dumating ang recess time, hindi umalis si Claire sa upuan at pati ang ilan sa kanyang kamag-aral.
            “May sasabihin ako sa inyo” (Pumasok sa silid ang mga batang mayaman).
            “Ano naman iyon?” Sabi ng marami sa kanila.
            “Nakita na namin ang mga sinasabing laruan ni Claire, inimbitahan niya kami sa bahay nila kahapon. Ang gagaganda ng mga laruan niya! May de-remote pa at mga nagsasalitang manika!” (Tumawa sila ngunit tinakpan ang mga bibig)
            “Wow, ang yaman niyo pala Claire!!”
            “Oo nga, sana kami rin mayroon!”
“Pero!.. teka (sabi ni Jessa) ang lahat ng iyon ay… sira! Wooooh! (tumawa ang marami). At hindi na niya magagamit pa. Kawawang Claire hahaha!.
            Dahil sa sobrang kahihiyan, umiyak si Claire at umalis sa silid. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa nabundol siya ng mabilis na takbo ng jeep. Dahil sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon siya. Sa pangyayaring iyon, nagpunta rin si Aling Rina sa Dibisoria para bilhin ang laruang parating sinasambit ng anak. Isinakay nila si Claire sa trycikel at dinala sa pinakamalapit na ospital. Nang pauwi na si Aling Rina sa bahay nila, may nakapagsabi sa kanya na nabundol ng jeep ang anak kaya kinakabahang pumunta sa ospital si Aling Rina.
            “Nasaan ang anak ko!! Dok! Ay Nurs! Nurs! Nurs! Gusto ko hong makita ang anak ko. Kelangan ako ng anak ko Nurs, please!! Umiiyak na sabi ni Aling Rina.
            ‘Pasensiya na po pero hindi kayo pwedeng pumasok” ani ng isang nurse.
            “Subalit ako ang Ina niya ma’am. Pahintulutan niyo naman ako, gusting kong makita ang anak ko!.
            ‘Nire-revive pa po namin ang inyong anak hindi pa kayo pwedeng pumasok, sige po!.
            Hindi tumigil si Aling Rina sa pag-iyak at pag-aalala. Nanalangin siya na sana’y iligtas siya ng Panginoon. Niyakap na lamang niya ang biniling laruan para sa anak. Pagkaraan ng dalawampung minuto na paghihintay, lumabas na ang doktor na tumingin kay Claire.
            “Dok, kamusta po ang kalagayan ng anak ko?okay na po ba siya? Maari po ba akong pumasok?”
            “Pasensiya na Misis. Ginawa na namin ang aming makakaya. Wala na ho ang anak niyo”.
            “Dok! Nagsisinungaling lang kayo. Hindi patay ang anak ko!..Claire! Claire, nandito na ako anak. (Pumasok sa loob si Aling Rina).
            “Anak, Claire nandito na ang laruan mo oh! Nakabili na ako anak. Hindi ka na maglalaro ng mga sira-sirang laruan. Anak gumising ka naman oh, andito na ang Nanay. Wag mo naman akong iwan anak. Kailangan kita!
            Tumigil ang mundo ni Aling Rina sa nangyari sa anak. Umikot ang mahahabang daliri ng mga anino sa silid. Bumagsak si Aling Rina mula sa kinatatayuan ayaw man niyang tanggapin ang kapalaran ng kanyang anak, alam niya na binabantayan siya palagi. Hindi na nasilip ni Claire ang bukas.

Ang Maikling Kwentong ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 3 www.saranggolablogawards.com


Saturday, October 01, 2011

Proposed Facebook Buttons

          Sana ganito na ang ipapatupad na buttons ng Facebook para naman mabatikos ang mga walang kwentang ipinopost nila. Hehehe
-share lang.

Friday, September 30, 2011

Joke Joke Time

A distinguished young woman on a flight from Ireland asked the priest sitting beside her, "Father, may I ask a favor?"

"Of course, child. What may I do for you?"

"Well, I bought an expensive electronic hair dryer for my mother's birthday that is unopened and well over the Customs limits. I'm afraid they'll confiscate it. Is there any way you could carry it through Customs for me...under your robe, perhaps?"

"I would love to help you, dear, but I must warn you... I will not lie."

"With your honest face, Father, no one will question you."

When they got to Customs, the woman let the priest go ahead of her. The official asked, "Father, do you have anything to declare?"

"From the top of my head down to my waist, I have nothing to declare."

The official thought this answer strange, so asked,

"And what do you have to declare from your waist to the floor?"

"I have a marvelous instrument designed to be used on a woman, but which is, to date...unused."

Roaring with laughter, the official said, "Go ahead, Father. Next!"

Saturday, September 24, 2011

Sa Inyong Paglisan..


          Makapangyarihan talaga ang pag-ibig. Lahat gagawin para sa minamahal. Ang mga bagay na hindi natin nagagawa ay magagawa natin sa ngalan ng pag-ibig. Sana'y hindi naito maulit pa dahil nakakalungkot ang kanilang sinapit. Sayang ang kanilang pangarap at mga mithiin sa buhay at lalong sayang ang buhay nila dahil kinitil nila ito ng basta-basta. Sana'y magkasama na sila kung nasaan man sila ngayon.

Friday, September 23, 2011

Pahiram ng Isang Ama


Pahiram ng Isang Ama
Ni Emmanuel A. Mateo

Hindi iniinda ni Aling Auring ang sikat ng araw. Sa kadahilanang nais niyang makapag-ipon para sa pag-aaral ng anak, nanguha siya ng mga dahon ng niyog upang gawin itong walis-tingting at kumuha rin siya ng kanyang pananim sa bakuran upang ipagbili ito sa mga kapit-bahay.  Sa kasipagan niyang iyo’y  inabot siya ng hapon.
Alas kuwatro y media na’y dumating ang anak na si Emma mula eskuwelahan. Isang paslit subalit kung makapag-isip ay tila mas matanda na siya kaysa sa Nanay niya. Dumiretso siya sa kanyang silid upang magpalit ng damit at pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina para magsaing. Tila alam na ng batang iyon ang kanyang gagawin pag-uwi mula eskuwelahan. Walang inaasahang iba ang ina kundi ang anak lamang nito dahil wala na ang kanyang bana.. Hindi na nasilayan pa ng anak ni Aling Auring ang ama mula pagkabata at dahil dito’y sanay na silang dalawa na magkasama.
Anak, tapos ka nabang magsaing?, kung oo ay pariyan na ako’t magluluto na.”
“Opo inay, tapos na po”, pabuntong hininga ni Emma.
“Nay magpapalam muna ako sa inyo, punta lamang ako sa balay ng aking Tiyo”
“Oh siya, humayo ka’t huwag magpapagabi dahil kakain na tayo mamaya-maya”.
Tumakbo papalayo ang bata at sa pagtakbo niyang iyo’y dumantal sa mga mata ni Aling Auring ang kanyang kumareng si Aling Nelia.
“Kumare, kamusta kayo dito?. Ipagpaumanhin mo kung ngayon lang kita dinalaw dahil ako’y namalagi sa ospital ng ilang araw. May sakit kasi si Itay.”
“Naku, wala ‘yun okay lang kami, wala pa ring nagbago, mahirap pa rin gaya ng dati”, pabirong sabi ni Aling Auring.
“Eh anong gusto mong mangyari, makahawak ng sangkatutak na salapi? Hahaha… hintayin mo nalang na lumaki’t mag-asawa ang iyong anak at baka siya ang magdadala sa iyo ng swerte”.
“ Anu ka ba. Baka mamamatay na ako eh hindi ko pa mararanasan yang sinasabi mo at baka heto na ang kapalaran naming mag-ina, ang pagiging dukha”.
“Huwag mong isipin  yan Mare, may awa ang Diyos. Oh siya, Alas sais na pala at kami na’y kakain. Paalam Mare”.
“Sige mare  at akin na ring tatawagin ang aking anak sa bahay ng kanyang Tiyo”
Alas sais-diyes na’y wala pa si Emma sa kanilang bahay kaya nagpasiya si Aling Auring na tawagin ang kanyang anak. Nang nakarating siya ay nakita niyang  masayang nakikipaglaro si Emma sa kanyang Tiyo.Lungkot ang nangibabaw sa kanyang puso nang Makita niya iyon. Kinakandong niya ito at nakikipaglaro pa sa loob ng kanilang bahay at nang dumating si Aling Auring sa bahay nila..
“Oh, ayan na pala ang iyong Ina at ika’y susunduin na niya”, wika ng Tiyo nito.
“Anak, halika na at kakin na tayo. Magpaalam ka nalang muna kay Tiyo mo”.
“ Sige po Tiyo, aalis na po muna ako. Babalik ako bukas”.
Nagpakarga na ang bata kay Aling Auring at dali-daling siyang binuhat ng kanyang Ina.
“Naku anak, basing-basa na naman ang likod mo. Sabi ko sayo eh huwag kang magpapagabi at kakain na tayo, pero hindi mo ako sinunod”.
“Paumanhin Ina subalit masaya ako kapag kasama ko si Tiyo. Nay maaari po ba akong magtanong?
“Sige anak, anu yon?”. Habang naglalakad ay nag-uusap ang mag-ina.
“Nasaan po ang aking ama?, wala pa po kasi kayong binabanggit tungkol sa kanya. Mmmabait po rin ba siya? Mahal kaya niya tayo? Siguro hindi na dahil iniwan niya tayo Inay”. Malungkot na sabi ni Emma sa kanyang Ina.
“Anak, alam kong nangungulila ka sa iyong ama subalit wala akong magagawa. Ang tanging iniwan niya ay sulat at isang kuwintas na nakaukit ang kanyang pangalan at aking ibibigay iyon sa iyo pagka-gradueyt mo sa hayskul”.
“Bakit po siya umalis Inay at ano ang sinabi niya sa sulat?”
Hindi na umimik ang Nanay ni Emma. Nang nakarating sila sa bahay, naghain na lamang siya upang sila’y kakain na at batid niya na kapag sasabihin niya ang nangyari’y hindi rin niya ito maiintindihan.
Tumunton na sa Grade IV si Emma, wala pa rin siyang imik tungkol sa nawalay niyang ama. Hanggang sa magka Grade V at Grade VI siya wala pa ring kasagutan ang kanyang tanong. Sa pagtatapos ni Emma sa Elementary, ang Tiyo niya ang tumayo bilang ama sa espesyal na araw na iyon at sa pag-uwi..
Inay, maraming salamat po sa lahat-lahat. Sa pagmamahal, kalinga at pag-aaruga niyo’y hindi matutumbasan ng kahit ano mang bagay dito sa mundo. Kung wala po kayo marahil ay hindi pa po ako nakapagtapos, mahal na mahal ko po kayo”. Pahikbing sinabi ni Emma sa Ina.
“ Walang anuman iyon aking anak, mahal na mahal din kita at kahit anumang mangyari’y nandito pa rin ako  nakabantay sa iyo”. Sabay yakap sa anak.
“ Oh tama na ‘yan pamangkin, tayo na’t naghihintay na ang mga pagkain sa atin, dali!”.
Umuwi silang Masaya, bitbit ang mga parangal at regalo na natanggap ni Emma at pagkagaling sa bahay,…
“Natapos mo na ang unang yugto ng pag-aaral mo anak at ika’y mag-aaral na sa hayskul.
“Oo nga po  Inay at saka gusto ko ring mag-aral sa preybet gaya ng mga klasmeyts ko, naiinggit nga po ako sa kanila eh”.
“Hah? Anong preybet anak?”
“Nay naman, yun kung saan nag-aaral ang mga  may kaya at doo’y natututukan nila ang bawat mag-aaral.”
“Ah sa private school iyon anak hindi preybet. Wala tayong masiyadong maraming pera anak, doon ka na lamang sa public school, diyan sa malapit na hayskul sa bayan”.
Tumango na lamang ang anak ni Aling Auring. Pithaya mang sundin ang anak, salat naman sila sa pera kaya napilitan siyang paaralin ang anak sa pampublikong paaralan.
 Makalipas ng dalawang buwan, dumating ang araw ng enrollment sa paaralan. Nahirapan agad si Aling Auring dahil sa dami ng binayaran niya at wala nang nakatira sa kanyang kalupi kaya naisipan nilang maglakad na lamang.
Makalipas ng isang linggo, dumating ang unang araw ng kanilang pasukan. Nananabik siyang pumasok at maagang nagising, naghilamos, kumain at naligo ni nakalimutan nang magsipilyo.
“Inay tutungo nap o ako sa eskuwelahan, sabay nap o kami ni Nini”.
“Oh sige anak, mag-ingat kayo. Umuwi ka kaagad dito sa bahay pagkatapos ng iyong klase”.
Masayang umalis si Emma sa kanilang bahay. Kita sa mga pisngi niya ang larawan ng masigasig na mag-aaral at masunuring bata.
Sa eskuwelahan, palakaibigan si Emma. Marami siyang nagging kaibigan at siyay nagpakitang dilas at pagkatapos ng klase’y umuwi silang Masaya ni Nini.
“Inay nandito na po ako”, nakangiting sambit ni Emma.
“Oh anak, kamusta ang unang araw mo sa eskuwelahan?”
“Okay na okay po inay, Masaya po dahil marami akong nagging kaibigan at alam niyo, marami sa mga klasmeyt ko na nag-aaral doon ay klasmeyts ko sa elementary.
“Eh di mabuti kung ganon anak at least may mga kakilala ka na at marami na agad ang iyong kaibigan sa unang araw pa lamang”.
Kinaumagahan ay umalis na naman ng maaga si Emma at masigasig siyang nakikibahagi sa talakayan. Makalipas ng apat na taon, nasa 4th year hayskul na siya. Nahubog na ang kanyang ganda at maraming nagkakagusto sa kanya.Sa taon ding iyon ay dumami ang kanilang gastusin sa kadahilanang marami ang binabayarang fees sa eskuwelahan. Minsa’y nagkasakit ang Nanay nito dahil sa sobrang pagkakayod at sa pagkakasakit niyang iyon, madalas hindi na pumapasok si Emma dahil sa sobrang pag-aalala sa Ina at sa loob ng kuwarto..
Inay”. Sabay yakap sa Ina.
“ba..bakit ka umiiyak anak? Sabi ni Aling Auring.
“Wala po Inay, masaya lang po ako dahil mahal niyo ako at dahil sa akin, napapagod ako ng husto”.
“Anak”sabay punas sa mga luha, ang pag-aaral mo lamang ang maipapamana ko sa iyo. Mawala na ang lahat sa atin, mapagtapos lang kita sa pag-aaral. Mahal kita anak, ikaw ang buhay ko. Kahit magkasakit ako, ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas upang ipagpatuloy ko pa ang mabuhay sa mundo”.
Nagyakapan ang mag-ina dala ng sinambit nila sa isa’t-isa at dahil doon ay napaluha rin si Aling Auring.
Makalipas ng ilang buwan’y malapit nang magtapos ang kanyang anak. Tuwa ang namayani sa kanyang puso na tila napawi ang kanyang mga pagod at sakripisyong inilaan at dumating nga ang araw na inaasa-asam ni Aling Auring, nagtapos rin ang kanyang anak sa wakas at sa araw na iyon’y umaasa si Emma na sana’y magpakita ang ama kahit saglit subalit hindi niya ito nakita.
“Anak, gaya ng ipinangako ko sa iyo, heto na ang kwintas. Alagaan mo ito dahil heto lamang ang tanging bagay na iniwan ng iyong ama sa akin.
“Tirso pala ang pangalan niya. Nasaan na kaya siya? Gusto ko na siyang Makita Inay. Gusto ko ring maramdaman ang pagmamahal ng isnag ama”.
“Hindi na babalik ang iyong ama kaya kalimutan mo nalang siya dahil para sa akin’y matagal na siyang patay”. Sabay umalis sa bahay.
Kinaumagahan, may natanggap na sulat ang kanyang ina. Mayroong magus-survey sa kanilang lupa at hindi iyon inaasahan ni Aling Auring dahil akala niya’y walang magiging problema sa lupa. Nagimbal ang katahimikan nila dahil hindi mawari kung ang asawa niya ang bumabawi ng lupa o ang ama nito at sa sumunod na araw, nagpunta nga magus-survey sa lupa.
 Magandang umaga, dito ba nakatira si Aurora Manera?”
“Oho, dito nga, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” malumbay niyang sagot dahil sa tinatamasang sakit sa katawan.
“Ako ho’y naatasan ng aking amo upang isurvey ang inyong lupa. Kanino po ba nakapangalan sa inyong lupa, nakapangalan ba ito sa inyo?”.
“Aaminin kong hindi sa amin itong lupa. Ito’y nakapangalan sa ama ng aking asawa at wala siyang iniwan na kahit anong papeles pero sabi niya sa sulat, aalis siya at may aasikasuhing mga dokumento sa aming lupa subalit wala pang katugunan ang sukat na iyon”.
Inay ano po bang nangyayari dito? Sino siya?
“siya ay isang empleyado at naatasan upang isurvey ang lupang ito, eh wala naman akong hawak na kahit anong katibayan tungkol sa lupang ito”. Kinakabahang sinabi ni Aling Auring sa anak.
“Ma’am, bibigyan kop o kayo ng limang araw upang ayusin ang problemang ito pero kapag hindi pa ninyo ito naayos, mapipilitan kaming paalisin kayo sa lupang ito”.
“Tett..teka lang po Sir, maaari bang malaman ang pangalan ng amo niyo? At saan po namin siya pwedeng makita?”.
“Si Mister Satir po, kung naayos niyo na ang problema’y pwede niyo siyang puntahan sa kanyang opis, heto po ang contact number at address niya”.
“Sino ba si Mr. Satir? Hindi ko ata kilala ang pangalang iyan” tinuran ng kanyang Ina.
Dahil sa pag-aalala at pangamba nab aka mapaalis sila sa lupang iyon, nagtungo si Emma sa address na ibinigay ng empleyado. Nagpasya siyang huwag na lamang itong sabihin sa kanyang ina. Hindi man mawari kung ano ang dapat sabihin, lakas loob pa rin siyang pumunta.
Tok..tok..tok… sa pagbukas ng pinto’y nakita niya ang dalawang lalakeng nag-uusap na tila isa sa kanila ay si Mr. Satir at nakita niya itong may iniinom ng mga gamot at nang umalis ang kausap..
“Magandang umaga po Sir”.
“Magandang umaga rin’.  “Kayo po ba si Mr. Satir?ako po yung anak ni Aurora Manera, yung may lupang nais niyong isurvey.
“ah, anong maipaglilingkod ko sa iyo?”.
“Gusto ko lang pong malaman kung bakit binabawi ninyo ang lupa namin at…
“Well, ganito kasi iyon, hindi ako ang bumabawi sa lupa, ang aking ama dahil gusto niyang ipagbili ang lupang iyon”.
“Pero lupa iyon ng ama ng tatay ko at hindi ninyo maaaring bawiin na lang iyon ng basta-basta”.
“Paano mo nasisigurado Ineng na sa tatay ng ama mo iyong lupa eh sa amin iyon! May katibayan ka bang ipapakita? Ako mayroon, (kukunin ang mga dukomento) tignan mo!”.
“Oh hayan! talagang amin iyong lupa”.
Tinignan nga ni Emma ang titulo ng lupa at sa kanila nga iyon. Nagmakaawa si Emma at lumuhod siya sa harapan niya.
“Ser.. maawa po kayo sa amin, may sakit ang aking ina, kung papaalisin niyo kami’y wala kaming titirhan. Lahat po gagawin ko para sa inyo huwag lang kami umalis sa lupang iyon!”.
Nabigla si Mr. Satir sa kanyang sinabi. Napaisip siya na tila may gusting itong ipahiwatig.
“Si..sige pumunta ka sa bahay ko mamayang alas siyete y media at mayroon akong ipapagawa sa iyo at kapag hindi ka pupunta’y mapipilitan akong paalisin kayo sa lupang iyon”.
“Masusunod po sir. Darating ako!”.
Pumunta nga si Emma sa bahay ni Mr. Satir dala ang pag-asang hindi sila mapapaalis sa lupang iyon. Nasilaw si Mr. Satir sa ganda ng batang iyon. Pagkaraan ng ilang saglit’y nagtungo na siya sa ikalawang palapag, sa kuwarto na kung saan nandoon si Mr. Satir.Napatalikod si Emma, umiiyak at nagulat sa kanyang nakita. Hindi nagtagal ay lumapit si Mr. Satir sa kanya.. Tinanggal ang saplot ni Emma pero sa pagkakatanggal niyang iyo’y may nakita siyang isang kwintas. Kahawig iyon ng ibinigay niyang kwintas sa asawa at nang tinignan niya ang nakaukit,..
Napalahaw siya at nasindak. Lumayo siya at biglang umalis at iniwan si Emma sa loob.
Anak pala ni Mr. Satir si Emma. Ang kanyang pinakamamahal na anak.
Lumayo siya sa bahay at habang tumatakbo..
“Anak.. anak.. anak ko.. Papp..patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan. Mahal Kita".

Wednesday, August 31, 2011

August, puno ng disgust

          Ngayon na pala ang huling araw ng Agosto. Parang kailan lang ay nasa bahay palang ako, nakahiga at nagpapahinga dulot ng aking malalang sakit.
          Habang papalayo ako sa luma kong buhay ay papalit naman ang mga bagong pagsubok na aking kinakaharap. Gustuhin ko mang sumuko pero hindi pwede dahil may gusto akong patunayan sa mga tao. Ngayong Agosto, ang daming nangyari sa eskuwelahan at maging sa akin. May mga bagay na hindi ko nagustuhan, mga bagay na nagdulot sa akin ng sama ng loob at pagkukunwaring masaya. Nahahabag ako sa aking sarili dahil sa mga nangyaring iyon sa akin. Hindi man makita ng mga kaibigan at mga klasmeyt ko ang nangyayari sa aking buhay, ramdam nilang nahihirapan na ako pero sabi ko sa kanila, hindi ako dapat sumuko sa anu mang laban. Minsan pa nga gusto kong humikbi pero pinipilit kong kinikimkim sa puso't isipan ko para lang hindi nila mapansin na hindi ko na pala kinakaya ang aking sitwasyon. Akala nga ng ibang tao eh kaya kong mag-isa. Na kaya kong buhatin ang dalawa kong paa sa mapanghamong landas na aking tinatahak bilang isang studyante. Alam ko namang may Diyos na gumagabay sa akin na kahit anong mangyari'y hindi niya ako iiwanan. Tanggap ko naman ang aking kapalaran pero nandito pa rin sa aking puso ang pagkasambit na parang wala na akong silbi. Sana kunin na ng ating Maykapal ang aking dungan patungong sulad para mawakasan na ang mga gulo at mga pagsubok na ito sa aking buhay. Kaya ko pa kayang magpatuloy upang makamit ang aking mga minimithi? Kaya ko pa kayang makawala sa tanikalang naigapos sa aking mga kamay? Kaya ko pa kayang maglakad at magpatuloy sa mapusok na daanan?
          Kaakibat na ng aking pagdurusa ang pagluha dahil sa bawat araw na dumarating sa aking buha'y nandon pa rin ang kirot sa aking puso pero ako'y lalaban sa anumang unos na aking haharapin.

Wednesday, August 24, 2011

Buwan ng Wika

          Marami nang nangyari sa buhay ko kamakailan lamang. Gustuhin ko mang ibahagi sa inyo pero wala akong panahon para i update ang blog ko.
          Noong Lunes, August 22, nagkaroon kami ng patimpalak ukol sa Buwan ng Wika. Kahit mahirap, ako ang naatasang magturo sa kanila sa Sabayang Pagbigkas na "Ako'y Wika". Namayani ang kaba at pangamba sa aking puso. Sa unang praktis namin, hindi masiyadong kaaya aya ang resulta kaya panay ang galit ko sa kanila. Noong nakaraang sabado, magtatalaga sana ako ng praktis pero hindi sila sumang ayon dahil pagod raw sila. Wala akong nagawa sa araw na iyon. Hanggang sa sumapit ang lunes, nakapraktis kami pero hindi namin natapos lahat ang piyesa. dumating ang martes hanggang biyernes; hindi pa namin natapos lahat ang piyesa. Wala kasi silang disiplina kaya nagalit na naman ako. Hindi nila inisip ang aking sitwasyon dahil akoy nagsasakripisyo para sa kanila. Kinabukasan, sabado na iyon at kami'y pumunta kung saan-saan para lang makapag praktis. Hanggang sa nakakita kami ng maayos na lugar pero wala pa ring kooperasyon. Ang boses nila, ang hihina parang wala silang ganang magpraktis. Nagalit at nainis na naman ako sa kanila. Ang choreography hindi ko pa natapos dahil rin sa kanila. Hapon na noong natapos kaming magpraktis pero itutuloy pa rin namin hanggan sa paglubog ng araw. Tinanong ko sa mga ka klasmeyt namin kung bakit ganoon sila at siya'y nagkuwento sa akin. Sabi niya, masungit raw ako masiyado at minsan pinepersonal ko raw ang pagiging pagkamasungit ko. Sabi ko, hindi naman ako ganun. Kung may nasabi man akong masama, sa kagagawan rin nila iyon at kapag wala nang praktis, nagiging normal na ang pakikitungo ko sa kanila. Dagdag pa niya. Almost of the group eh nagrereklamo na sa akin. Nagmeditate ako. Inisip ko ang mga sinabi at ginawa ko and I prayed. Kaya pala ganoon sila dahil may mga negative feedbacks na sila sa akin. Hindi ko na lang inisip ang mga iyon basta nagpatuloy na lamang kami sa pagpraktis at ayon, naging maganda ang usad. Nakita rin nila na maganda pala ang kanilang sabayang pagbigkas.
           Sumapit ang August 22; iyon ang araw ng contest. Kaming lahat ay kabado dahil maraming kalahok. To cut the story, hindi kami nanalo. Maganda sana yung sa kanila pero kulang kami sa praktis. Kahit ganoon, ibinigay nila ang kanilang makakaya para maging maganda ang resulta.

                                         Hanggang sa muli!!!

Tuesday, July 12, 2011

Talangka Ka Ba?

Talangka Ka Ba?
ni Emmanuel Mateo


Sa aking lalamuna’y isa kang plema
Na humahadlang sa aking paghinga
Sa inggit at ganid lamang nag-ugat,
Kaya kailangan nang iubo’t idura.

Sa mapanghamong paglalakbay
Sa daang matarik ng buhay
Sa paa’y tinik na bumabaon,
Pinipigilan ang aking pag-usbong.

Ilang beses na akong inanod
Tinatangay nang pilit ng ‘yong agos
Ngunit susuungin ko ang iyong baha
Lalabanan ko hanggang sa humupa.

Haplos ng kadena’y ramdam ko
Iginapos mo ako’t ibinilanggo.
Subalit huwag kang mabahala’t mag-alala
Tiyak sa akin, papanig ang paglaya.

Hilain mo man ako pababa ng pababa
Lakas-loob na lalabanan din kita
Kahit isanla ko pa ang aking dungan,
                                                    Upang manatili ka pa rin sa pusalian
 
Photobucket