Hindi iniinda ni Aling Auring ang sikat ng araw. Sa kadahilanang nais niyang makapag-ipon para sa pag-aaral ng anak, nanguha siya ng mga dahon ng niyog upang gawin itong walis-tingting at kumuha rin siya ng kanyang pananim sa bakuran upang ipagbili ito sa mga kapit-bahay. Sa kasipagan niyang iyo’y inabot siya ng hapon.
Alas kuwatro y media na’y dumating ang anak na si Emma mula eskuwelahan. Isang paslit subalit kung makapag-isip ay tila mas matanda na siya kaysa sa Nanay niya. Dumiretso siya sa kanyang silid upang magpalit ng damit at pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina para magsaing. Tila alam na ng batang iyon ang kanyang gagawin pag-uwi mula eskuwelahan. Walang inaasahang iba ang ina kundi ang anak lamang nito dahil wala na ang kanyang bana.. Hindi na nasilayan pa ng anak ni Aling Auring ang ama mula pagkabata at dahil dito’y sanay na silang dalawa na magkasama.
“Anak, tapos ka nabang magsaing?, kung oo ay pariyan na ako’t magluluto na.”
“Opo inay, tapos na po”, pabuntong hininga ni Emma.
“Nay magpapalam muna ako sa inyo, punta lamang ako sa balay ng aking Tiyo”
“Oh siya, humayo ka’t huwag magpapagabi dahil kakain na tayo mamaya-maya”.
Tumakbo papalayo ang bata at sa pagtakbo niyang iyo’y dumantal sa mga mata ni Aling Auring ang kanyang kumareng si Aling Nelia.
“Kumare, kamusta kayo dito?. Ipagpaumanhin mo kung ngayon lang kita dinalaw dahil ako’y namalagi sa ospital ng ilang araw. May sakit kasi si Itay.”
“Naku, wala ‘yun okay lang kami, wala pa ring nagbago, mahirap pa rin gaya ng dati”, pabirong sabi ni Aling Auring.
“Eh anong gusto mong mangyari, makahawak ng sangkatutak na salapi? Hahaha… hintayin mo nalang na lumaki’t mag-asawa ang iyong anak at baka siya ang magdadala sa iyo ng swerte”.
“ Anu ka ba. Baka mamamatay na ako eh hindi ko pa mararanasan yang sinasabi mo at baka heto na ang kapalaran naming mag-ina, ang pagiging dukha”.
“Huwag mong isipin yan Mare, may awa ang Diyos. Oh siya, Alas sais na pala at kami na’y kakain. Paalam Mare”.
“Sige mare at akin na ring tatawagin ang aking anak sa bahay ng kanyang Tiyo”
Alas sais-diyes na’y wala pa si Emma sa kanilang bahay kaya nagpasiya si Aling Auring na tawagin ang kanyang anak. Nang nakarating siya ay nakita niyang masayang nakikipaglaro si Emma sa kanyang Tiyo.Lungkot ang nangibabaw sa kanyang puso nang Makita niya iyon. Kinakandong niya ito at nakikipaglaro pa sa loob ng kanilang bahay at nang dumating si Aling Auring sa bahay nila..
“Oh, ayan na pala ang iyong Ina at ika’y susunduin na niya”, wika ng Tiyo nito.
“Anak, halika na at kakin na tayo. Magpaalam ka nalang muna kay Tiyo mo”.
“ Sige po Tiyo, aalis na po muna ako. Babalik ako bukas”.
Nagpakarga na ang bata kay Aling Auring at dali-daling siyang binuhat ng kanyang Ina.
“Naku anak, basing-basa na naman ang likod mo. Sabi ko sayo eh huwag kang magpapagabi at kakain na tayo, pero hindi mo ako sinunod”.
“Paumanhin Ina subalit masaya ako kapag kasama ko si Tiyo. Nay maaari po ba akong magtanong?
“Sige anak, anu yon?”. Habang naglalakad ay nag-uusap ang mag-ina.
“Nasaan po ang aking ama?, wala pa po kasi kayong binabanggit tungkol sa kanya. Mmmabait po rin ba siya? Mahal kaya niya tayo? Siguro hindi na dahil iniwan niya tayo Inay”. Malungkot na sabi ni Emma sa kanyang Ina.
“Anak, alam kong nangungulila ka sa iyong ama subalit wala akong magagawa. Ang tanging iniwan niya ay sulat at isang kuwintas na nakaukit ang kanyang pangalan at aking ibibigay iyon sa iyo pagka-gradueyt mo sa hayskul”.
“Bakit po siya umalis Inay at ano ang sinabi niya sa sulat?”
Hindi na umimik ang Nanay ni Emma. Nang nakarating sila sa bahay, naghain na lamang siya upang sila’y kakain na at batid niya na kapag sasabihin niya ang nangyari’y hindi rin niya ito maiintindihan.
Tumunton na sa Grade IV si Emma, wala pa rin siyang imik tungkol sa nawalay niyang ama. Hanggang sa magka Grade V at Grade VI siya wala pa ring kasagutan ang kanyang tanong. Sa pagtatapos ni Emma sa Elementary, ang Tiyo niya ang tumayo bilang ama sa espesyal na araw na iyon at sa pag-uwi..
Inay, maraming salamat po sa lahat-lahat. Sa pagmamahal, kalinga at pag-aaruga niyo’y hindi matutumbasan ng kahit ano mang bagay dito sa mundo. Kung wala po kayo marahil ay hindi pa po ako nakapagtapos, mahal na mahal ko po kayo”. Pahikbing sinabi ni Emma sa Ina.
“ Walang anuman iyon aking anak, mahal na mahal din kita at kahit anumang mangyari’y nandito pa rin ako nakabantay sa iyo”. Sabay yakap sa anak.
“ Oh tama na ‘yan pamangkin, tayo na’t naghihintay na ang mga pagkain sa atin, dali!”.
Umuwi silang Masaya, bitbit ang mga parangal at regalo na natanggap ni Emma at pagkagaling sa bahay,…
“Natapos mo na ang unang yugto ng pag-aaral mo anak at ika’y mag-aaral na sa hayskul.
“Oo nga po Inay at saka gusto ko ring mag-aral sa preybet gaya ng mga klasmeyts ko, naiinggit nga po ako sa kanila eh”.
“Hah? Anong preybet anak?”
“Nay naman, yun kung saan nag-aaral ang mga may kaya at doo’y natututukan nila ang bawat mag-aaral.”
“Ah sa private school iyon anak hindi preybet. Wala tayong masiyadong maraming pera anak, doon ka na lamang sa public school, diyan sa malapit na hayskul sa bayan”.
Tumango na lamang ang anak ni Aling Auring. Pithaya mang sundin ang anak, salat naman sila sa pera kaya napilitan siyang paaralin ang anak sa pampublikong paaralan.
Makalipas ng dalawang buwan, dumating ang araw ng enrollment sa paaralan. Nahirapan agad si Aling Auring dahil sa dami ng binayaran niya at wala nang nakatira sa kanyang kalupi kaya naisipan nilang maglakad na lamang.
Makalipas ng isang linggo, dumating ang unang araw ng kanilang pasukan. Nananabik siyang pumasok at maagang nagising, naghilamos, kumain at naligo ni nakalimutan nang magsipilyo.
“Inay tutungo nap o ako sa eskuwelahan, sabay nap o kami ni Nini”.
“Oh sige anak, mag-ingat kayo. Umuwi ka kaagad dito sa bahay pagkatapos ng iyong klase”.
Masayang umalis si Emma sa kanilang bahay. Kita sa mga pisngi niya ang larawan ng masigasig na mag-aaral at masunuring bata.
Sa eskuwelahan, palakaibigan si Emma. Marami siyang nagging kaibigan at siyay nagpakitang dilas at pagkatapos ng klase’y umuwi silang Masaya ni Nini.
“Inay nandito na po ako”, nakangiting sambit ni Emma.
“Oh anak, kamusta ang unang araw mo sa eskuwelahan?”
“Okay na okay po inay, Masaya po dahil marami akong nagging kaibigan at alam niyo, marami sa mga klasmeyt ko na nag-aaral doon ay klasmeyts ko sa elementary.
“Eh di mabuti kung ganon anak at least may mga kakilala ka na at marami na agad ang iyong kaibigan sa unang araw pa lamang”.
Kinaumagahan ay umalis na naman ng maaga si Emma at masigasig siyang nakikibahagi sa talakayan. Makalipas ng apat na taon, nasa 4th year hayskul na siya. Nahubog na ang kanyang ganda at maraming nagkakagusto sa kanya.Sa taon ding iyon ay dumami ang kanilang gastusin sa kadahilanang marami ang binabayarang fees sa eskuwelahan. Minsa’y nagkasakit ang Nanay nito dahil sa sobrang pagkakayod at sa pagkakasakit niyang iyon, madalas hindi na pumapasok si Emma dahil sa sobrang pag-aalala sa Ina at sa loob ng kuwarto..
“Inay”. Sabay yakap sa Ina.
“ba..bakit ka umiiyak anak? Sabi ni Aling Auring.
“Wala po Inay, masaya lang po ako dahil mahal niyo ako at dahil sa akin, napapagod ako ng husto”.
“Anak”sabay punas sa mga luha, ang pag-aaral mo lamang ang maipapamana ko sa iyo. Mawala na ang lahat sa atin, mapagtapos lang kita sa pag-aaral. Mahal kita anak, ikaw ang buhay ko. Kahit magkasakit ako, ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas upang ipagpatuloy ko pa ang mabuhay sa mundo”.
Nagyakapan ang mag-ina dala ng sinambit nila sa isa’t-isa at dahil doon ay napaluha rin si Aling Auring.
Makalipas ng ilang buwan’y malapit nang magtapos ang kanyang anak. Tuwa ang namayani sa kanyang puso na tila napawi ang kanyang mga pagod at sakripisyong inilaan at dumating nga ang araw na inaasa-asam ni Aling Auring, nagtapos rin ang kanyang anak sa wakas at sa araw na iyon’y umaasa si Emma na sana’y magpakita ang ama kahit saglit subalit hindi niya ito nakita.
“Anak, gaya ng ipinangako ko sa iyo, heto na ang kwintas. Alagaan mo ito dahil heto lamang ang tanging bagay na iniwan ng iyong ama sa akin.
“Tirso pala ang pangalan niya. Nasaan na kaya siya? Gusto ko na siyang Makita Inay. Gusto ko ring maramdaman ang pagmamahal ng isnag ama”.
“Hindi na babalik ang iyong ama kaya kalimutan mo nalang siya dahil para sa akin’y matagal na siyang patay”. Sabay umalis sa bahay.
Kinaumagahan, may natanggap na sulat ang kanyang ina. Mayroong magus-survey sa kanilang lupa at hindi iyon inaasahan ni Aling Auring dahil akala niya’y walang magiging problema sa lupa. Nagimbal ang katahimikan nila dahil hindi mawari kung ang asawa niya ang bumabawi ng lupa o ang ama nito at sa sumunod na araw, nagpunta nga magus-survey sa lupa.
“ Magandang umaga, dito ba nakatira si Aurora Manera?”
“Oho, dito nga, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” malumbay niyang sagot dahil sa tinatamasang sakit sa katawan.
“Ako ho’y naatasan ng aking amo upang isurvey ang inyong lupa. Kanino po ba nakapangalan sa inyong lupa, nakapangalan ba ito sa inyo?”.
“Aaminin kong hindi sa amin itong lupa. Ito’y nakapangalan sa ama ng aking asawa at wala siyang iniwan na kahit anong papeles pero sabi niya sa sulat, aalis siya at may aasikasuhing mga dokumento sa aming lupa subalit wala pang katugunan ang sukat na iyon”.
Inay ano po bang nangyayari dito? Sino siya?
“siya ay isang empleyado at naatasan upang isurvey ang lupang ito, eh wala naman akong hawak na kahit anong katibayan tungkol sa lupang ito”. Kinakabahang sinabi ni Aling Auring sa anak.
“Ma’am, bibigyan kop o kayo ng limang araw upang ayusin ang problemang ito pero kapag hindi pa ninyo ito naayos, mapipilitan kaming paalisin kayo sa lupang ito”.
“Tett..teka lang po Sir, maaari bang malaman ang pangalan ng amo niyo? At saan po namin siya pwedeng makita?”.
“Si Mister Satir po, kung naayos niyo na ang problema’y pwede niyo siyang puntahan sa kanyang opis, heto po ang contact number at address niya”.
“Sino ba si Mr. Satir? Hindi ko ata kilala ang pangalang iyan” tinuran ng kanyang Ina.
Dahil sa pag-aalala at pangamba nab aka mapaalis sila sa lupang iyon, nagtungo si Emma sa address na ibinigay ng empleyado. Nagpasya siyang huwag na lamang itong sabihin sa kanyang ina. Hindi man mawari kung ano ang dapat sabihin, lakas loob pa rin siyang pumunta.
Tok..tok..tok… sa pagbukas ng pinto’y nakita niya ang dalawang lalakeng nag-uusap na tila isa sa kanila ay si Mr. Satir at nakita niya itong may iniinom ng mga gamot at nang umalis ang kausap..
“Magandang umaga po Sir”.
“Magandang umaga rin’. “Kayo po ba si Mr. Satir?ako po yung anak ni Aurora Manera, yung may lupang nais niyong isurvey.
“ah, anong maipaglilingkod ko sa iyo?”.
“Gusto ko lang pong malaman kung bakit binabawi ninyo ang lupa namin at…
“Well, ganito kasi iyon, hindi ako ang bumabawi sa lupa, ang aking ama dahil gusto niyang ipagbili ang lupang iyon”.
“Pero lupa iyon ng ama ng tatay ko at hindi ninyo maaaring bawiin na lang iyon ng basta-basta”.
“Paano mo nasisigurado Ineng na sa tatay ng ama mo iyong lupa eh sa amin iyon! May katibayan ka bang ipapakita? Ako mayroon, (kukunin ang mga dukomento) tignan mo!”.
“Oh hayan! talagang amin iyong lupa”.
Tinignan nga ni Emma ang titulo ng lupa at sa kanila nga iyon. Nagmakaawa si Emma at lumuhod siya sa harapan niya.
“Ser.. maawa po kayo sa amin, may sakit ang aking ina, kung papaalisin niyo kami’y wala kaming titirhan. Lahat po gagawin ko para sa inyo huwag lang kami umalis sa lupang iyon!”.
Nabigla si Mr. Satir sa kanyang sinabi. Napaisip siya na tila may gusting itong ipahiwatig.
“Si..sige pumunta ka sa bahay ko mamayang alas siyete y media at mayroon akong ipapagawa sa iyo at kapag hindi ka pupunta’y mapipilitan akong paalisin kayo sa lupang iyon”.
“Masusunod po sir. Darating ako!”.
Pumunta nga si Emma sa bahay ni Mr. Satir dala ang pag-asang hindi sila mapapaalis sa lupang iyon. Nasilaw si Mr. Satir sa ganda ng batang iyon. Pagkaraan ng ilang saglit’y nagtungo na siya sa ikalawang palapag, sa kuwarto na kung saan nandoon si Mr. Satir.Napatalikod si Emma, umiiyak at nagulat sa kanyang nakita. Hindi nagtagal ay lumapit si Mr. Satir sa kanya.. Tinanggal ang saplot ni Emma pero sa pagkakatanggal niyang iyo’y may nakita siyang isang kwintas. Kahawig iyon ng ibinigay niyang kwintas sa asawa at nang tinignan niya ang nakaukit,..
Napalahaw siya at nasindak. Lumayo siya at biglang umalis at iniwan si Emma sa loob.
Anak pala ni Mr. Satir si Emma. Ang kanyang pinakamamahal na anak.
Lumayo siya sa bahay at habang tumatakbo..
“Anak.. anak.. anak ko.. Papp..patawarin mo ako sa aking nagawang kasalanan. Mahal Kita".