Hindi man maramdaman ni Aling Rina ang sakit na iniinda ng kanyang anak, batid niya na nahihirapan siya sa kanyang hika na may kasamang lagnat. Nahahabag na rin siya sa anak dahil hindi man lang siya makalaro sa labas ng bahay nila kasama ang mga kalaro’t kaibigan niya. Si Claire ay larawan ng isang batang magaling maski sa eskuwelahan at maging sa indakan ay hindi siya pahuhuli subalit noong umatake na naman ang kanyang hika’y hindi na siya gaanong nagiging aktibo. “Anak, pasensiya ka na hah, hindi ko pa nabibili yaong laruan na sinasambit mo dahil pinag-iipunan ko pa ang gamot mo para sa iyong hika!.”
“Okay lang po iyon ‘nay kaso gusto ko nang pumunta sa eskuwelahan dahil marami na akong liban sa klase, baka mabababa na naman ang mga grades ko”. Pabuntong-hiningang sabi ni Claire.
“Hayaan mo anak, bukas bibili na ako ng gamot mo dahil nakapag-ipon na ako ng sapat na pera para sa hika mo!. Oh heto, uminom ka na ng gamot para sa lagnat upang tuluyan nang mawala ito at bumaba ang iyong temperatura.”
Kinaumagahan ay nagpunta si Aling Rina sa bahay ng kanyang amo upang maglaba at mamalantsa. Kahit pagod na pagod na ito’y pumunta pa rin siya upang magtrabaho dahil may Santo Kristo sa dibdib si Aling Rina at handa siyang magsakripisyo para sa anak. Habang naglalaba’y kausap niya ang kasama niyang namamasukan din sa mayamang bahay ng mga Olaivar.
“Haaay!!. ang sakit na nang likod ko!. Parang mababali na yata ang mga buto ko dahil sa kakakuskos ng mga labahan!” ani ni Aling Evy.
“Naku Evy(habang inililigpit ang mga naplantsang damit), huwag mo nang problemahin ang bawat kayod na iyong ipinamamalas. Ang isipin mo na lamang ay para ito sa iyong pamilya, para sa mga anak mo.”
“Oo, lagi ko naman yan iniisip pero hindi mo pa rin maalis sa isipan mo na problemahin ang mga bagay na ito lalo na’t mahirap lang tayo. Kung nakapagtapos lang sana ako ng kolehiyo hmmm.” sabi ni Aling Evy
“Ako nga eh, hindi ko pa natapos ang elementarya dahil din sa kahirapan sa buhay pero masaya ako, kami ng anak ko.” Malungkot pero nagmamalaking sabi ni Aling Rina
Dumating ang hapon, ibinigay na ng kanilang amo ang bayad sa pamamalantsa at paglalaba. Nasiyahan silang dalawa at parang nawalan sila ng pagod at napawi ang kanilang sigla.
“Salamat naman at tapos na natin, makakauwi tayo ng maaga ngayon Manang Rina!.
“Wen Evy, mabuti at maaga tayo ngayon. Sige Evy hah, may bibilhin pa kasi akong gamot para sa anak ko, magkita na lamang tayo bukas!.”
Umuwi na ang dalawa bitbit ang mga perang ibinigay ng kanilang amo pero bago umuwi’y naisipan ni Aling Rina na dumiretso muna sa drug store malapit sa kanilang bahay.
“Oh anak, nandito na ako, kamusta ang pakiramdam mo?”
(Nagmano sa Ina) Medyo okay na po, bumaba na kahit paano ang aking lagnat ‘Nay.”
“Mabuti kung ganoon anak, oh siya inumin mo na ang sinukat kong gamot mo para sa iyong hika at heto pa, gamot mo para sa lagnat upang tuluyan nang mawala ang lagnat mo.”
“Opo, Inay salamat po sa inyo!” (sabay yakap sa Inang pagod na pagod na)
Nang makaramdam na si Claire ng kaginhawaan, naghugas na siya ng kanyang kamay upang sila’y kumain at sa kusina, sinabi niya sa Ina na gusto na niyang pumasok sa eskuwelahan bukas kung maaari lang.
“Si..sigurado ka na ba anak na maayos na ang pakiramdam mo?(habang kinukuha ang pagkain)
“Oo naman ‘nay. Salamat po ah dahil sa inyo’y gumaling na ako” (masayang sabi ni Claire sa Ina)
“Walang anuman iyon anak. Hindi naman kita maaaring pabayaan. Wala nang iba pang magkakalinga kundi ako. Kung hindi pa sana pumanaw ang iyong ama’y dalawa kaming mag-aalaga sa inyo’ (malungkot na sabi ni Aling Rina)
Oo nga po Inay, miss na miss ko na si Itay. Ay oo nga pala Inay yung laruang sinasabi ko sa inyo. Baka mayroon nang makakabili non!. Kung bibilhin niyo iyon, gagalingan ko pa sa klase namin, sige na po Inay!.
“Pero anak, wala pa akong pera sa ngayon”
“Sige po ‘nay huwag na lang po”
Sa pagsasabi niyang iyon ay bumagal siyang kumain pero lumapit si Aling Rina at niyakap ang anak.
“Huwag ka nang malungkot. Wala naman akong sinabi na hindi ako bibili ng laruang iyon pero ipinapangako ko anak, kapag may pera na ako, bibilhin ko iyon, okay ba ‘yon anak?”
“Opo Inay!”
Kinaumagahan ay magaling na si Claire dahil sa pagkakalinga ng kanyang Ina. Nagtungo na siya sa eskuwelahan at si Aling Rina ay naiwan muna sa bahay at pagkatapos ay pumunta na siya sa bahay ng mga Olaivar upang magtrabaho. Pagpasok pa lamang ni Claire sa silid ng Ika-Limang Baitang, natuwa ang ilan sa kaniyang pagbabalik pero ang mga mayayaman niyang kaklase’y tumawa.
Laging tinutukso si Claire ng mga kamag-aral na sina Jessa, Erika, Jemma at Ana dahil hindi raw ito nagpapalit ng damit. May kapangyarihan ang mga batang ito kaya nagagawa nila ang kanilang gusto. Pati baon ni Claire sa tanghalian ay pinapakialaman nila. Lingid sa kaalaman niya na siya ang pinag-uusapan at minsa’y pinagtatawanan ngunit hindi niya ito pinapansin.
“Mga frends..(sabi ni Jessa sa mga kapwa mag-aaral). Alam niyo, mayroon na naman akong bagong laruan, binili ng papa ko mula pa sa London!, ang ganda.!”
“Talaga? patingin nga (sabay kita sa bago niyang laruan) Ay oo nga, ang ganda naman! sana may ganyang din akong laruan.
“Asa ka pa! ang mahal kaya nito noh! oh tignan niyo pero huwag niyong hahawakan ha, baka masira.”
Sa pagsasabi niyang iyon, tinignan lahat ng mga kamag-aral ni Claire kung anong laruan iyon pero hindi niya ito tinignan dahil maiinggit lamang siya ‘pag tinignan niya iyon. Hanggang sa napansin ni Erika na si Claire ay nakaupo lang sa dulo ng silid nila.
“Tignan niyo si Claire oh ( sabi ni Erika at tumingin lahat) mag-isa lang siya nakaupo!”
“Baka hinihika na naman yan (sabay tawa ng ilan sa kanila)
“O kaya naman, naiinggit siya sa laruan ko kaya ganyan siya” Sabi ng kamag-aral niyang si Jessa.
Gustong umiyak ni Claire sa pagkakataong iyon subalit baka sabihin nilang mahina siya kaya nag-isip siya kung papaano siya mapapalapit sa mga mayayaman niyang kamag-aral.
“Mmm.. may sinat pa kasi ako eh kaya hindi ako makagalaw-galaw pero nagkakamali kayong naiinggit ako sa laruang iyan!”. Sabi ni Claire
“Talaga? ni wala ka ngang isang laruan eh (sabay tawa ng mapanghamak niyang kamag-aral)
“Marami kaya akong laruan sa bahay! hindi lang iisa kundi isan-daang laruan!
“Kung marami kang laruan, sige nga ipakita mo lahat ang mga iyon? Kung ipapakita mo, magiging close friends tayo!”
“Sige ba, dadalhin ko iyon minsan at ipahihiram ko sa inyo ang mga iyon.”
Simula noon, hindi na sila tumigil sa katatanong kay Claire ang mga sinabi niyang laruan. lalong naging malapit ang mga mayayamang kamag-aral ni Claire sa kanya. Hindi na nila ito tinutukso at hinahamak dahil sa mga tinuran ng bata sa kanila. Kinaumagahan, maaga na naming pumunta si Claire sa eskuwelahan.
“Oh Claire, nasaan na ang laruang sinasabi mo sa amin?. Hindi ko na mahintay na tignan iyon!” Sambit ng kanyang kamag-aral.
“Ahh.. sabi kasi ni Inay na huwag ko raw ito dalhin sa eskuwelahan baka masira. Gusto kong ipakita sa inyo pero si Inay ang ayaw eh.” Malungkot na sabi ni Claire at umalis sa kinaroroonan ng mga kaibigan.
“Nagsisinungaling lang yata si Claire sa atin.” Pabulong na sabi ni Jessa sa mga kasama.
“Hah? paano mo naman nasabi iyan?”
‘‘Kasi kung mayroon talaga, ipapakita niya agad ito sa atin. Kailangan nating alamin kung totoo talaga ang mga sinasabi niya o hindi”.
“Eh.. anong binabalak mo?
“Kailangan nating sundan si Claire sa bahay nila pagkatapos ng klase natin pero huwag kayong papahalata hah!”.
Nagtungo nga ang mga makukulit na bata sa bahay nina Claire at doo’y nagkubli sila sa malaking yero para hindi sila makita. Nagkataong hindi pa umuwi si Aling Rina sa hapong iyon kaya nang lumabas si Claire sa bahay nila, pumunta sila sa loob ng bahay at nagmasid. Naghanap nang naghanap ng mga laruan subalit wala silang nakita hanggang sa may napansin si Jessa na isang karton na nakatago sa ilalim ng kama nila. Binuksan nila ito at laking gulat sa nakita. Ang mga laruang iyon ay sira-sira na at hindi na pwedeng magamit pa at napagtanto nilang iyon ang mga sinasabi ni Claire na laruan dahil isang-daan din ang bilang nito. Nakita naman ni Ana na papalapit na si Claire kaya nagpasiya silang lumisan sa kinaroroonan at umuwi na lamang. Nang pumasok na siya sa bahay, sumunod naming dumating ang kanyang Ina.
“Oh anak! Nandito na ako (darating si Calire upang mag-mano), kamusta ang pag-aaral mo?
“Okay naman po Inay. Nagkaroon kami ng pagsusulit kanina at bukas ay may pagsusulit na naman ‘nay!”
“Ganon ba anak! Eh marami ka bang nakuha sa pagsusulit na iyon?” Tinuran ng kanyang Ina.
“Oo naman po, kaya lang hindi ako ang nag top score!. Nahirapan po kasi ako.
“Tama lang iyon anak hindi ka naman naging kulelat di ba (tumawa ang Ina). Basta kapag gagalingan mo pa ang pagsusulit bukas, bibilhin ko na ang laruang sinasabi mo!” Masayang sabi ng Ina.
“Talaga Inay? Naku, pangako Inay gagalingan ko bukas, hindi ko kayo bibiguin (sabay yakap sa Ina.)
Maaga na naming pumasok sa paaralan si Claire dala ang masayang bugso ng kanyang damdamin at nang natapos na ang pagsusulit, nakuha ni Claire ang pinakamataas na marka sa pagsusulit na iyon at nang dumating ang recess time, hindi umalis si Claire sa upuan at pati ang ilan sa kanyang kamag-aral.
“May sasabihin ako sa inyo” (Pumasok sa silid ang mga batang mayaman).
“Ano naman iyon?” Sabi ng marami sa kanila.
“Nakita na namin ang mga sinasabing laruan ni Claire, inimbitahan niya kami sa bahay nila kahapon. Ang gagaganda ng mga laruan niya! May de-remote pa at mga nagsasalitang manika!” (Tumawa sila ngunit tinakpan ang mga bibig)
“Wow, ang yaman niyo pala Claire!!”
“Oo nga, sana kami rin mayroon!”
“Pero!.. teka (sabi ni Jessa) ang lahat ng iyon ay… sira! Wooooh! (tumawa ang marami). At hindi na niya magagamit pa. Kawawang Claire hahaha!.
Dahil sa sobrang kahihiyan, umiyak si Claire at umalis sa silid. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa nabundol siya ng mabilis na takbo ng jeep. Dahil sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon siya. Sa pangyayaring iyon, nagpunta rin si Aling Rina sa Dibisoria para bilhin ang laruang parating sinasambit ng anak. Isinakay nila si Claire sa trycikel at dinala sa pinakamalapit na ospital. Nang pauwi na si Aling Rina sa bahay nila, may nakapagsabi sa kanya na nabundol ng jeep ang anak kaya kinakabahang pumunta sa ospital si Aling Rina.
“Nasaan ang anak ko!! Dok! Ay Nurs! Nurs! Nurs! Gusto ko hong makita ang anak ko. Kelangan ako ng anak ko Nurs, please!! Umiiyak na sabi ni Aling Rina.
‘Pasensiya na po pero hindi kayo pwedeng pumasok” ani ng isang nurse.
“Subalit ako ang Ina niya ma’am. Pahintulutan niyo naman ako, gusting kong makita ang anak ko!.
‘Nire-revive pa po namin ang inyong anak hindi pa kayo pwedeng pumasok, sige po!.
Hindi tumigil si Aling Rina sa pag-iyak at pag-aalala. Nanalangin siya na sana’y iligtas siya ng Panginoon. Niyakap na lamang niya ang biniling laruan para sa anak. Pagkaraan ng dalawampung minuto na paghihintay, lumabas na ang doktor na tumingin kay Claire.
“Dok, kamusta po ang kalagayan ng anak ko?okay na po ba siya? Maari po ba akong pumasok?”
“Pasensiya na Misis. Ginawa na namin ang aming makakaya. Wala na ho ang anak niyo”.
“Dok! Nagsisinungaling lang kayo. Hindi patay ang anak ko!..Claire! Claire, nandito na ako anak. (Pumasok sa loob si Aling Rina).
“Anak, Claire nandito na ang laruan mo oh! Nakabili na ako anak. Hindi ka na maglalaro ng mga sira-sirang laruan. Anak gumising ka naman oh, andito na ang Nanay. Wag mo naman akong iwan anak. Kailangan kita!
Tumigil ang mundo ni Aling Rina sa nangyari sa anak. Umikot ang mahahabang daliri ng mga anino sa silid. Bumagsak si Aling Rina mula sa kinatatayuan ayaw man niyang tanggapin ang kapalaran ng kanyang anak, alam niya na binabantayan siya palagi. Hindi na nasilip ni Claire ang bukas.