Tuesday, July 12, 2011

Talangka Ka Ba?

Talangka Ka Ba?
ni Emmanuel Mateo


Sa aking lalamuna’y isa kang plema
Na humahadlang sa aking paghinga
Sa inggit at ganid lamang nag-ugat,
Kaya kailangan nang iubo’t idura.

Sa mapanghamong paglalakbay
Sa daang matarik ng buhay
Sa paa’y tinik na bumabaon,
Pinipigilan ang aking pag-usbong.

Ilang beses na akong inanod
Tinatangay nang pilit ng ‘yong agos
Ngunit susuungin ko ang iyong baha
Lalabanan ko hanggang sa humupa.

Haplos ng kadena’y ramdam ko
Iginapos mo ako’t ibinilanggo.
Subalit huwag kang mabahala’t mag-alala
Tiyak sa akin, papanig ang paglaya.

Hilain mo man ako pababa ng pababa
Lakas-loob na lalabanan din kita
Kahit isanla ko pa ang aking dungan,
                                                    Upang manatili ka pa rin sa pusalian
 

Tuesday, July 05, 2011

Sa Eskuwelahan

          Sadyang kay buti ng mga guro ko sa eskuwelahan. Ang mga klase ko sa second floor ay naibaba na rin sa first floor pero sa hapon, aakyat ako sa computer lab. dahil andoon sa second floor iyon.
           Ayaw ko mang aminin sa mga guro't klasmeyts ko na nahihirapan na ako, ramdam nila ang bawat pagbuntong-hininga ko subalit pinapalakas nila ang loob ko at sabing isang hakbang nalang at magiging isang guro na ako. Gusto ko nang sumuko talaga dahil ang hirap lumakad pero gusto kong makapagtapos at patunayan sa mga tao na kaya kong mag-aral kahit ganito ako. Kapag hapon nga'y mag-isa akong kumakain ng aking tanghalian dahil lahat sila'y kumakain sa labas. Wala akong ginawang iba kundi kausapin ang sarili ko subalit minsan, may mga punto na ako'y napapaluha na lamang sa mga nangyayari. Kaakibat na siguro ng aking pagiging ganito ang pagtulo ng aking mga luha. Pero sadyang makapangyarihan ang dasal. Hiniling ko sa Diyos na sana may isa o dalawa akong kasama na kumain sa tanghalian dahil kaoag nag iisa ako'y naiisip ko lahat ng mga masasaklap na nangyari sa aking buhay. At sa paghiling kong iyon, nagkatotoo na may dalawa akong klasmeyts na nagbabaon pala at ngayo'y apat na kami kaya masaya ako kahit papaano. Naiibsan ang aking lungkot at lumbay. Minsan nga kinamumuhian ko ang sarili ko. Kahit pumunta pa ako sa mga malalayong lugar, hindi ko pa rin maitakwil ang tanda ng nakaraan. Kumukuyos lalo ang aking damdamin. 
          Sana isama niyo ako sa inyong mga dasal na sana'y makayanan kong lakarin ang mga tinik sa daanan upang ako'y magtagumpay. Dahil isinasama ko na po kayo sa aking mga dasal. Maraming salamat sa patuloy niyong pagkokomento rito. Mahal ko kayo!

Friday, July 01, 2011

Retirement

          Hello po sa lahay! pasensiya na kayo kung ngayon lang ako naka update sa blog ko.Miss ko kayong lahat!

          Ngayong hapon ang retirement day ng isa sa aming mga guro sa MMSU College of Teacher Education. Siya ay isang magaling na guro sa musika at magaling ding mang aawit.Sa okasyong ito, siyempre walang klase lalo't ngayon ay Biyernes at nakapapanabik umuwi sa bahay at mag compyuter at naipapahinga ko rin ang aking paa dahil masakit na. Gusto rin sana naming dumalo subalit sa mga guro lang ang okasyong iyon. Sabi nga namin may mawawala na namang isang magaling na guro dito sa ating Unibersidad. Pero okey lang din daw dahil marami pa namang magagaling na mga instructors sa paaralan namin. Ganito pala ang maging isang teacher. Kahit mahirap at maraming ginagawa, masarap din naman dahil maraming nagmamahal sa iyo at ito ay isang patunay na ang mga guro ay rinerespeto at ginagalang kaya nga saludo ako sa mga guro eh at isang taon na lang at magiging isa na akong ganap na guro. Kahit sabi nila na mahirap lang ang isang teacher oo mahirap sa mga materyal na bagay pero mayaman sila sa respeto at paggalang. Yun naman dapat ang kailangan ng isang tao diba kaya saludo ako kay teacher! kahit na may pagka pilya, nananalaytay pa rin sa kanyang mga ugat ang pagiging mapagkumbaba at mapagmahal lalo na sa kanyang mga estudyante. Kapag mahal mo kasi ang mga estudyante mo hindi ka nila makakalimutan. Noong nakaraang Teachers Day nga eh ang daming dumalo. Ang daming roses na ibinigay sa kanila dahil sa kabaitang ipinamamalas ng mga guro sa kanila.
          Kaya proud akong maging isang guro hindi dahil sa aking propesyon at hangarin na maging guro kundi ang hangarin kong maibahagi ang aking nalalaman at kaalaman para sa ikabubuti ng aking mga estudyante pagtadating ng panahon. Saludo ako sa iyo Professor Felipe!!