Thursday, April 28, 2011

Summer Youth Camp

                      Kamusta na kayo?I missed blogging. I was so busy this past weeks because of my summer class. It is indeed hard in my part because of my situation and now I am giving up. I missed you all...

                      Last week, I spent my Holy Week with happiness and joy.  Happiness that made me treasure that youth camp and joy that brings satisfaction in my life. It was not absurd in my part going there because I got many lessons about life, about discouragements and all that is not acceptable in our parts. We went at Claveria, Cagayan( maybe some of your know that place) and there are many delegates there. At first, I was ashamed to them because I thought that I don't belong to the group but my heart was filled with gladness when they accepted me as their team member. There, I met new friends and I consider them already as a part of my life. The view of the place was astonishing. Beside the school, you can see the sea and the mountains that are so green. I said t myself, "Lord, how great thou art". There were also many activities that had happened. There is the treasure hunting, although I did not participated there because I cannot run. There are also mind challenges that I was able to go with it. I was one of the contestant and the Lord blessed me, I became the first. At that time, I dont pity myself anymore because I have the intellect. The next day, we went house to house to win souls. I was afraid to do it at first but God anointed me to become a blessing to that barangay and He did so. I gave them tracks and I relate my life to the topics. All of them were crying that time because they were touched by my story. And from that time again, I became a blessing to the delegates and also to the people of that barangay. I did not expected to do it because I was really ashamed to do it but because one of my friend encouraged me to do it, I followed what my heart wants to do. At the last day of our camp, we had a contest in acting, its all about "Launch out into the Deep". We were planning until the night had came. I was the director for that stunt and I was also the pianist. The people were overwhelmed because I played the "Kiss the Rain" of Yiruma and my team mates are also in their characters. To  cut it short, we became the winner.
               After the camping, I went home to my mother's house because the location was near. I had given the chance to stay with them and I was again happy. I hugged them because I really missed them. It was Sunday afternoon when I went home. I went home with full of hope and encouragement to continue to have a positive view in life. I will always treasure that moment that had happened in my life and I believe that this is not a hindrance for me to continue the battle of life.

Haggang sa muli po!!




Tuesday, April 19, 2011

Paggunita sa Kanyang Paghihirap

          Sa linggong ito, isasagawa natin ang paggunita sa paghihirap ni Kristo at ito ay tinatawag nating Semana Santa. Hindi natin ito pwedeng kalimutan dahil dakila ang kanyang ginawa para sa atin.
          May kanta na "Buhay niya'y kanyang isinuko, inialay para sa iyo. Dugo at pawis niya'y umagos para kasalanan mo ay matubos". Huwaran ang pagmamahal ng Diyos sa atin kahit na minsan naiisip natin na hindi siya nandiyan para tulungan tayo sa mga problemang kinakaharap natin sa buhay subalit nandiyan siya palagi at hindi niya tayo maaaring iwan at pabayaan dahil tayo'y kanyang mga anak na hindi pwedeng talikuran. Sa lahat ng mga dumaang problema natin sa buhay, wala ito kung ikukumpara natin sa pinagdaanan ni Kristo sa mga kamay ng mga malulupit na tao. Pinahirapan, linatigo, pinasan niya ang mabigat na krus, ipinako at namatay upang mahugasan lahat ng ating mga kasalanan. Kahanga-hanga ang pag-ibig ni Hesus sa atin dahil pati buhay niya'y kanyang isinuko. Kaya wala tayong karapatan na tanungin sa kanya kung bakit suson-suson ang mga unos na dumarating sa ating buhay minsan. Imbes na magreklamo, magpasalamat na lamang tayo dahil sa kanyang pamamaraan, tayoy kanyang pinatatatag upang subukin tayo kung kaya ba nating lagpasan ang mga hamon niya. Kapag pumanaw na tayo sa mundong ito, huwag tayong mabahala dahil sabi ni Hesus noon bago siya sumalangit, " I'll go and prepare a place for you, and If Ill go and prepare a place for you, you will receive an everlasting life with me and with my Father". Kaya huwag tayong mabahala at mawawalan ng pag-asa dahil ito'y pangako niya at ito'y nakasulat sa Bibliya. Ang bibliya ay hindi maaaring magsinungaling dahil itoy naisulat para sa ating kaalaman na may Diyos na nagmamahal sa atin.
       Huwag sana nating balewalain ang paghihirap na dinanas niya sa kamay ng mga Hudyo. Magpasalamat tayo sa kanyang pagsasakripisyo dahil siya ang nagtubos sa ating mga pagkukulang.

Thursday, April 07, 2011

Nang Minsan Ako'y Nabigo

           Hello mga kaibigan ko sa blogger, sorry for not visiting you this past days because I was busy with my summer class and I don't have time to visit and post a new one here. Ill try to get in touch with you as long as I can. Here is my new post. I posted this because of my classmate whom I had a feeling for him,hahah! The worse is that I am sited next to him. here is the drama haha..


Mali ang mahalin ka pero ginusto ko
Mali ang isipin ka pero ginawa ko
Mali ang umasa sayo pero naging manhid ako
Subalit kahit nagkaganito, alam ko na ikaw ang tama sa buhay ko

Sana nalaman mo na inibig kita ng totoo
Sana alam mo na nagsakripisyo ako para sayo
Sana hindi ka nagbulag-bulagan sa mga nakita mo
na pag-ibig at pagmamahal ang ipinaparamdam ko

Iiwas na lang ako dahil may mahal ka na
Lalayo ako dahil ako'y nasasaktan na
Gusto kitang ipaglaban pero alam kong ako'y talo na
Pipiliin ko na lang sumuko at ako'y magpapaubaya

Pilit kitang kinakalimutan pero lalong lumalala
Ang pag-ibig ko sa iyo na tila wala nang pag-asa
Gustuhin ko mang buksan ang puso ko sa iba
Nananatili ka pa ring bilanggo at nag-iisa

Ibabaon ko na lamang sa limot ang pagmamahal ko
Handa kong kalimutan na minsa'y umibig ako sa iyo
wala namang pahahantungan kong itutuloy ko pa ito
dahil pighati't kalungkutan lang ang mararanasan ko.














Monday, April 04, 2011

Summer Class

            Ngayon ang unang araw ng summer class namin. mula alas otso ng umaga hanggang 11:00 a.m ang klase ko pero pinauwi kami ng instructor namin ng maaga dahil orientation for the subject lang naman ang ginawa namin.
            Akala ko magiging ok ang lahat subalit napangunahan ako ng takot at pangamba sa aking sarili sa maaaring mangyari sa akin. Takot na baka pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa aking sitwasyon na tila nangungusap ang kanilang mga mata at gustong itanong kung ano ang nangyari sa akin. Pangamba rin na baka hinid ko makayanang gampanan ang pagiging estudyante ko. Nang paalis na ako sa bahay namin, ok pa naman ang lahat pero nang pumasok na ako sa eskuwelahan, biglang nangyari ang hindi ko inaasahan. Ewan ko ba kung nasira ko yung prosthesis o sadyang hindi ko ito naayos ng husto sa pagkakasuot ko. Nag iba ang direksyon ng aking prosthesis, imbes na diretso ang ayos ng paa, nag slant ito at ito ang naging rason kung bakit hindi ako makalakad ng husto. Magkagayon, pinilit ko pa ring umatend sa unang subject namin na Philosophy 1 at sa second floor pa ng aming eskuwelahan. Tiniis ko ang hirap at kirot na aking nararamdaman para lamang matapos ko ang nasabing subject at nagpapasalamat ako sa aming guro dahil she dismissed us earlier than the said time. Bumaba na kami sa second floor at ang mga classmates ko, iniwan akong mag-isa sa isang sulok dahil pumunta sila at kunin ang kanilang classcards pero one of my classmates accompanied me in sitting in one corner. Hindi nagtagal,umuwi na ang ilan sa mga classmates ko pero kami, hindi pa. Nagdesisyon akong umuwi na lamang para sa susunod na lang ako pumunta. Ang ginawa ko, ibinigay ko ang aking classcard at sa susunod na lamang ako pupunta. Maintindihan naman sana ako ng aming guro.
           Sana sa susunod na pagpunta ko sa eskuwelahan ay wala nang mangyayaring ganito dahil ako'y nahihirapan at nawawalan ng lakas ng loob. Ang pakiramdam ko tuloy ay parang kawawa ako na wala nang mararating. Sana po tulungan niyo po akong manalangin na sana magiging ok ang lahat at matatapos ko rin itong pagsubok na ito.